AERITH "Magpakaligaya kayo at magpakarami!" Isang masigabong palakpakan ang narinig ko sa paligid ko. Lahat ay masasaya ang mga mukha para sa amin. Hindi tuloy ako makapaniwala. Talaga bang natanggap nilang lahat na ngayon ay kasal na ako kay Avel? At magsasama kami bilang isang buong pamilya? Wala akong narinig na bayolenteng reaksyon sa mga kasama ko. Ang mga magulang ko, bakas sa mukha ng mga ito ang kasiyahan para sa akin. Umiiyak na niyakap ako ng aking ina. "Congratulations, anak. Alam kong masayang masaya ka ngayon. At hangad ko ang kaligayahan niyo," Hinaplos ng aking ina ang mahabang buhok ko. Nag-iinit ang paligid ng mata ko sa labis na tuwa. Ni minsan hindi ko lubusang maisip na matatanggap nila ang lahat sa isang iglap lang. Hinarap naman ng aking ama si Avel. "Avel. Ng

