AVEL Matuling lumipas ang mga araw. At masasabi ko namang maayos naman ang lahat. Patuloy ang training namin ni Kapitan Harlek sa crossbow. At ngayong araw nga ay ang huling araw namin sa pagte-training ng crossbow. "Handa ka na ba, Avel? Tandaan mo, kailangan mong maipasa ito. Hindi naman sa pinepressure kita, pero kailangan mong matapos ito. Dahil kapag hindi mo natapos, tatagal lang ng tatagal ang training mo. Hanggang sa hindi ka na makapunta sa ibang training dahil na-stuck ka na sa crossbow training," paalala ni Kapitan Harlek. Napalunok ako ng matindi. Bumuntong-hininga ang lalaki. "Ang totoo n'yan ay nahihiya ako sayo. Dahil kami na nga ang nanghihingi ng pabor, pero heto pa at kinukulit ka namin. Pero kailangan ka naming madaliin, Avel. Dahil hindi natin alam kung kailan aatak

