AVEL “Wow! Congratulations, Avel! Ang galing mo naman. Talagang nagawa mo ba ang final examination mo kay Kapitan Harlek?” Hindi makapaniwalang sambit ni Aerith. Sinundo ko na siya sa training ground nila at ngayon ay pauwi na kami. Napakamot ako sa batok ko. “Galing? Nasaan ang magaling ‘don? Tyamba lang ‘yon. Hindi nga ako makapaniwala na magagawa ko ‘yon. Akala ko tatagal pa ako sa training na ‘to, eh,” honest kong sambit. Napangiti si Aerith sa sinabi ko. “Sus, humble ka masyado. Hindi tsamba ‘yon. Walang ganon. Ang sabihin mo, magaling ka lang talaga. Hindi ako naniniwala sa tsamba. Kaya nga ikaw ang lalaki sa propesiya, kasi meron sayo na wala sa iba!” Napangiti na rin ako ng tuluyan. “Aba, masyado mo naman yata akong pinupuri. Huwag ka, baka maniwala talaga ako,” Isang malakas

