AVEL
Ramdam na ramdam ko ang pagiging mahiyain ni Aerith. Ni hindi ito makatingin sa akin at nakayuko lamang. Mukha namang sinasabi nito ang nasa isip, pero siguro, likas na mahiyain talaga ito. Kumbaga sa makalumang salita, para itong si Maria Clara.
Pino, mahinhin at konsebatibo manamit. Ngunit hindi maitatago n'yon ang angking kagandahan. Tunay na sobrang ganda nito. I mean, lahat ng tao rito sa Ereve ay magaganda at gwapo. Ngunit naiiba ang ganda ni Aerith. Talagang pang prinsesa ang itsura nito.
Nauuna lang siya ng kaunti sa akin maglakad at halos matisod na ito sa nilalakaran sa kakayuko.
Ako ang unang bumasag sa katahimikan. "Hey, alam kong hindi ka kumportable sa akin. Lalo na't lalaki ako at taga ibang mundo pa..." panimula ko.
Napaangat ito ng tingin. Kitang kita ko ang magandang berdeng mata nito. Napakainosente.
"H-Hindi naman sa ganoon!" mahinang napasigaw ito.
I find her cute, kaya naman napatawa ako. "Ayos lang sa akin. Hindi mo naman kailangan itago na hindi ka kumportable sa akin. Sabi ko nga, hindi kita masisisi. Bukod sa estranghero ako sainyo, eh iba pa ang pinagmulan ko,"
Nakita ko na nagkukutkot ito ng daliri. Ni hindi makatingin sa akin.
"H-Hindi... kasi ano... n-nahihiya ako sa naging asal ko sayo kanina. Hindi ako dapat naging ganoon sayo. Nabastos kita, isipin na ikaw na nga ang naistorbo namin sa mundo mo... tapos pinakitaan pa kita ng ganoong pagtanggap..."
Napangiti ako. "At least, you're sorry. Sapat na sa akin 'yon. Sa totoo lang, given 'yung naging reaction mo. Kung mababaliktad tayo ng sitwasyon, tapos isa sainyo ang mapupunta sa mundo namin, siguradong ganyan din ang magiging reaksyon ko,"
Napatingin siya sa akin. "H-Hindi ka galit?"
Umiling ako. "Hindi ako galit. Wala ako dapat ikagalit. Maluwag akong tinanggap ng magulang mo, pinakain at ngayon ay bibigyan pa ako ng maayos na tulugan. Wala ako dapat ikagalit,"
Mukhang nabunutan na ito ng tinik. "Salamat naman kung ganoon,"
Ang haba ng pasilyo ng pangalawang palapag. Parang walang katapusan. Sa dami ng kwarto sa itaas, natutulugan pa bang lahat 'yon?
Hindi na ito kumibo ulit at naglalakad na lamang sa tabi ko.
"Huwag ka magalala, alam kong ang konserbatibong babaeng katulad mo ay hindi sanay na may ibang lalaking kasama sa bahay. Kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi masyado magtagpo ang landas natin. Pwera na lang siguro tuwing hapag-kainan," dagdag ko pa.
Narinig ko ang muling pagsinghap nito.
"H-Hindi... mo naman kailangan gawin 'yon. Pasensya ka na. Talagang nagulat lang kasi ako kanina. Pero hindi mo kailangan mag-adjust o umiwas sa akin. I don't mind kung magkikita tayo rito sa palasyo. Ikaw ang magiging tagapagligtas ng sanlibutan. At isang malaking karangalan sa amin ang makasama ka rito," mapagkumbabang sambit nito.
Malawak akong napangiti. "So... magkaibigan na ba tayo?"
Napatingin siya sa akin at namula ang pisngi. Grabe! Napakaganda talaga ng babaeng ito. Kung hindi ko lang alam na hindi siya tao, kailanman ay hindi ko maiisip na ibang nilalang siya.
"K-Kung okay lang sayo..." kiming sagot nito.
"Of course, okay na okay sa akin. Ikatutuwa ko maging kaibigan ang prinsesa ng Ereve,"
Nanglaki ang mga mata nito. "Prinsesa! H-Hindi naman sa ganoon..."
Napangiti ako sa pagiging humble niya. "Admit it or not, ikaw ang prinsesa ng Ereve. Anak ka ni Alcaster at Amoria na siyang Hari't Reyna ng Ereve. Pagdating ng panahon, ikaw ang magiging Reyna ng kaharian na ito,"
Namula lalo ang pisngi nito. "Kahit kailan ay hindi ko inisip 'yan, Avel... para sa akin, isa lamang akong normal na Enchanted. Isa pa, walang kasiguraduhan kung darating pa nga ba ang araw na 'yon. Alam mong darating ang pagkasira ng sanlibutan. Maaring matalo pa rin tayo at magtagumpay ang kalaban... hindi natin hawak ang bukas. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa atin,"
Ramdam ko ang kalungkutan sa tinig niya. Bigla, ay nagkaroon ako ng masidhing damdamin na pagsikapan na iligtas ang mundo. Parang merong bumubulong sa akin na ayaw ko siyang makitang malungkot. Tama naman ito. Hindi namin alam ang mangyayari sa hinaharap. Pwedeng matalo, at pwedeng manalo.
At ang kaalaman na ako ang may kakayahan upang baguhin at iligtas ang mundo ay nakakapagbigay sa akin ngayon ng kakaibang sigla. Parang nagkaroon ako ng dahilan para gawin ang lahat ng makakaya ko sa magiging laban na sa hinaharap.
Ngumiti ako sa kanya ng totoo. "Huwag kang mag-alala, Aerith. Magtutulungan tayong lahat para iligtas ang mundo. Hindi ako papayag na magtagumpay sila. Ako ang lalaki sa propesiya. At naniniwala akong makakaya ko basta magtutulungan tayong lahat. Magiging masaya tayo at makikita pa natin ang hinaharap," paniniguro ko sa kanya.
Nakita ko ang panglalaki ng mata nito at napatingin sa ibang direksyon. Napakamahiyain talaga nito. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi nito dahil halos kulay gatas ang balat nito.
Huminto na ito sa paglakad. Ngayon ko lang din napansin na kanina pa pala kami nakahinto. "M-Maraming salamat, Avel. Isa kang pag-asa sa amin. P-Pero sa ngayon, sa tingin ko dapat na tayong matulog. Malalim na ang gabi at tiyak kong pagod at antok ka na,"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Damn. Bakit nawala sa isip ko na kanina pa pala kami nakahinto? Ni hindi ko man lang napansin 'yon!
Sobrang nakakahiya.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang i-re-reaksyon ko sa kanya.
"S-Siya nga,"
Tinuro nito ang magiging kwarto ko. "D'yan ang magiging silid mo, Avel."
Tumango ako. "S-Salamat,"
Nakita ko na dumaretso ito sa katapat lamang na pinto. "D'yan ang kwarto mo?" tanong ko.
"Oo,"
Napalunok ako sa hindi malamang dahilan. Magkatapat ang kwarto namin. Bakit naman doon ako nilagay ng Hari at Reyna?
"Matutulog na ako. Goodnight, Avel..." pinihit na nito and sedura ng pinto at tinulak.
Napatango ako. "S-Sige. Goodnight din, Aerith,"
Hindi pa nito sinasara ang pintuan kaya nahinuha kong hinihintay niya akong pumasok muna sa kabilang kwarto. Binuksan ko 'yon at tinulak.
"Sana magustuhan mo ang silid mo at makatulog ka ng kumportable, Avel. Goodnight uli," Nakangiting sinara ni Aerith ang kwarto niya.
Wala sa sariling napangiti na rin ako. Lumipat ang mata ko sa magiging silid ko.
Napanganga ako sa nakita ko!