Kabanata 20

1082 Words
AVEL Hindi ako masyado nakatulog kagabi. Maganda naman ang kwarto ko. Malaki. Sobra pa sa masasabing kumportable. Malambot ang kutson at napakalaki. Kahit yata magtambling-tambling ako rito ay pu-pwede. Hindi na kailangan ng aircon o electricfan ang kwarto, dahil ang mismong lugar ng Ereve ay malamig na ang klima. Hindi nga nag-i-i-snow, pero sadyang malamig na ang lugar. Para sa Baguio lang. Wala naming snow, pero malamig ang lugar. Kapag ganito ang panahon, literal akong nakakatulog at mahimbing pa nga. Pero kagabi, hirap na hirap akong gawin ‘yon. Kung bakit, dahil ang magandang mukha ni Aerith ang bumabalik sa balintataw ko. Napakaganda kasi talaga nito. Ito ang ideal kong babae. Mahinhin, tahimik, at babaeng-babae ang dating. Parang hindi makabasag pinggan. Idagdag pa ang bahagya nitong pagiging konserbatibo. Napakaraming magagandang babae sa mundo ng tao, pero ang ganda ni Aerith ay sadyang kakaiba at bukod tangi. Kahit anong anggulo tignan ko, hindi ko masasabing hindi ito tao. Sayang. Bakit ba kasi kinailangan maging Enchanted pa nito? Bakit, Avel? Gusto mo ba siya maging girlfriend? Mag hunos-dili ka! Malapit nang magwakas ang mundo, inuuna mo pa ‘yan? Usig ng matinong bahagi ng isipan ko. Napalunok ako. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi. Hindi ko pwedeng isipin na pwedeng mapasa akin si Aerith. Hindi ko siya dapat magustuhan. Magkaiba kami ng species. Magkaiba ang mundo namin. Kung sakalin na palarin na manalo kami sa laban, babalik at babalik din ako sa mundo ng tao at doon ko ipagpapatuloy ang buhay ko. Misyon lang ang pinunta ko rito. Hindi para magkagusto sa isa sa mga Enchanted at maghanap ng pag-ibig. At hindi ba’t sinabi ko sa sarili ko na wala akong panahon para roon? Masyado akong busy sa tunay na buhay para maghanap pa ng wagas na pag-ibig. May narinig akong kumatok sa kwarto ko. At naputol nito ang mga iniisip ko. Tumayo ako at pinagbuksan ‘yon. Napalunok ako nang makita ko si Aerith, umagang-umaga. Nakasuot ito ng pink na dress na lagpas tuhod. Napakasimple lang ng suot. Hindi malaswa tignan. Gayunpaman, ang ganda ganda at ang sexy niya sa tingin ko. Siguro, dahil hindi naman niya pinipilit maging sexy, kaya ganoon. “Magandang umaga, Avel,” nakangiting bungad sa akin ni Aerith. Napangiwi ako at bumati rin sa kanya. Kung anu-ano kasi ang naiisip ko at muntik ko pang makalimutan bumati sa kanya. “Good morning din, Aerith—“ naalala kong hindi pa nga pala ako nagto-toothbrush o nagmumog. Tiyak na ang baho na ng hininga ko. Mabilis kong tinakpan ng palad ang bibig ko at tumalikod sa kanya. “Huh?” Rinig kong sabi ni Aerith na ngayon ay alam kong labis na nagtataka. “M-Mauna ka na bumaba. Susunod na lang ako,” nahihiyang sabi ko. Hindi niya yata naintindihan kaya naman hinawakan niya ako sa braso at pilit pinapaharap. Napapiksi ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang boltahe sa katawan ko. “G-Galit ka ba sa akin?” mahinang tanong nito na ikinalaki ng mata ko. Eksaherado akong humarap sa kanya. “Ano? Bakit mo naman naisip ‘yan?” “T-Tinatalikuran mo kasi ako…” gusto kong matawa dahil napakainosente ng itsura nito. Ngumiti na lang ako. “Hindi ako galit. Nahihiya kasi ako sayo. Hindi pa ako nagsi-sipilyo. Hindi kaaya-aya ang amoy ng hininga ko,” Nanglaki ang mga mata nito at bigla ring napangiti. “Siya nga. Kaya rin kita kinakatok ngayon ay para sabihin sayo na ipapakita ko sayo ang n mga magiging gamit mo,” Napakunot-noo ako. Magiging gamit ko? Nabasa nito ang nasa isip ko. “Kailangan lang na may gamit ka, Avel. Hindi natin alam kung hanggang kalian ka rito sa aming mundo. S’yempre, bukod sa training mo, kailangan din natin isipin ang personal na pangangailangan mo. Tulad ng damit, mga gamit tulad nga sipilyo…” napangiti ito. Napakamot ako sa batok. Medyo nahihiya. Tumawa ito nang mahina. “Hindi mo naman kailangan mahiya, Avel. Ang ama ang nagpautos nito sa mga tauhan. Kaya naman sundan mo ako at ipapakita ko sayo ang mga gamit mo. Ayaw mo naman sigurong makipaglaban o humarap sa iba na mabaho ka, diba?” Napangiti na rin ako. “Tama ka. Nasaan ba?” “Sundan mo ‘ko,” Nauna maglakad si Aerith. Sinarado ko ang pintuan ng kwarto ko. Naglakad kami sa mahabang pasilyo at humantong kami sa isang kwarto na kung sa mundo ng tao ay matatawag na powder room. “Heto ang mga gamit at damit na ipinautos ng ama, Avel,” Nakita ko ang isang basket na naglalaman ng mga damit. Katulad din sa mundo ng tao ang damit. May cotton at ibang tela. Meron din mga personal hygiene roon. “Sino ang gumagawa ng damit dito at itong mga personal hygiene?” wala sa sariling tanong ko sa kanya. Curious ako. Ipinilig ni Aerith ang ulo. “Makapangyarihan ang mga Enchanted, Avel. Sa pamamagitan ng mahika namin, kaya naming gumawa ng mga iba’t-ibang uri ng bagay. Pero sa medaling salita, may mga nakaatas na mga tao kung anu-ano ang mga gagawin nila rito sa Ereve. Halimbawa, ang kanlurang parte ng Ereve ay nakatoka sa pag-gawa ng mga telang susuotin. Ang silangang bahagi naman ng Ereve ay nakatoka sa pag-gawa ng mga personal hygiene, panglinis ng bahay at pang-laba ng mga damit. Wala kaming pinagkaiba sa mundo niyo, Avel. Parang tao rin kami kumilos. Iyon nga lamang, sa mundo niyo, hindi pupwede ng walang katumbas o kapalit na pera. Dito sa Ereve, ay tulungan. Wala kaming pera na tinatawag. Ang Hari at ang Reyna ang namumuno at nagpapalakad sa lahat,” Namangha ako. “Ganoon? Eh paano, kunyare, may tamad. Tapos ayaw niyang gawin ‘yung nakatoka sa kanyang trabaho. Paano ‘yun?” Natawa ito. “Hindi uso ang tamad dito, Avel. At mahigpit ang ama. Alam nilang mabait ang Hari, ngunit kapag sinuway ang utos ay alam nila kung saan sila pupulutin. Kaya naman lahat ay may disiplina at walang sinuman ang gustong baliin ang desisyon ng ama. Isa pa, walang madamot dito sa amin. Lahat ay nagtutulungan. Sa Ereve, oo. Pero hindi lahat ng Enchanted ay mabubuti. Katulad na lamang ng grupong sinabi sayo ni Cygnus na handing puksain ang lahat ng buhay sa sanlibutan,” mahabang esplika nito. Napatango na lang ako. Kinuha ko na ang mga gamit na hinanda para sa akin. “Sige, salamat, Aerith. Babalik muna ako sa kwarto ko upang makapagbihis at makapagayos,” Tumango ito. “Hihintayin ka naming sa hapag-kainan,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD