Kabanata 21

1012 Words
AVEL Presko at maayos naman ang mga damit na ibinigay sa akin. Nakakahiya lang dahil kahit ang mga underwear ay binigyan nila ako. Sa tanang ng buhay ko ay wala pang gumawa nito sakin. Well, maliban sa nanay ko, syempre. Malamang na ito ang bumibili ng mga briefs ko noong bata pa ako. But of course, noong humantong na ako sa tamang edad, ako na. Kaya naman medyo namula ang mukha ko nang makita ang mga brief. Nakakatuwa namang nagkasya sa akin ang lahat ng damit. Ayaw ko na silang paghintayin, kaya naman nagmamadaling bumaba na rin ako sa hapag-kainan. Naabutan ko ang mag-asawa at si Aerith. Nakangiti silang lahat sa akin. "Magandang umaga, Avel," bati sa akin ng Reyna. "Magandang umaga rin sainyong lahat," nakangiting sagot ko. Nakapila ang lahat ng mga kasambahay na nakauniporme pa. Yumuko ang mga ito sa akin bilang pagbigay ng galang. "Magandang umaga, Avel," Napangiwi ako at napakamot ako sa batok. "Naku naman, bakit kailangan niyo akong yukuan? Hindi niyo kailangan gawin 'yan. Hindi naman ho akong dugong bughaw o ano. Normal na tao lang ho ako," "Pero ikaw ang lalaki sa propesiya. Nararapat lamang na bigyan ka namin ng pag-galang," sabay sabay na sagot ng mga 'to. Natawa na lamang si Alcaster. "Avel, hayaan mo na sila. Ang mga Enchanted, lalo na kaming mga taga Ereve, ay kilala sa pagiging magalang. Kahit sino pa 'yan, mahilig talaga kaming magbigay ng respeto. Hayaan mo na sila. Halika at maupo ka na rito. Ikaw na lamang ang hinihintay," Wala na nga akong nagawa pa kundi ang sumunod. Tinapay na kakaiba ang almusal at inuming kulay itim. Mukha namang masarap. Nabasa ni Amoria ang nasa isip ko. "Ang tinapay na ito ay specialty ng Ereve, Avel. At ang inumin naman na 'yan ay mainit na tsokolate. May iba't-ibang palaman d'yan. Tumikim ka para malaman mo kung ano ang magugustuhan mo," Tumango ako at nagpasalamat. Kumuha ako ng timpaay at nang palaman na parang butter. Kumagat ako at ngumuya. Lahat sila ay nakatingin sa akin at tila hinihintay ang reaksyon ko. "P-Pumasa ba sa panlasa mo?" natitilihang tanong ni Aerith. Hindi ako kumibo at kinuha ko naman ang mainit na tsokolate at uminom. Napakasarap, whew! "W-Well...?" Tumingin ako sa kanilang lahat. "Masarap. Napakasarap," Kitang kita ko ang proud na mukha ng mga ito. Tila tuwang tuwa sa sinabi ko. "Hindi ko kayo binobola o ano, talagang masarap. Malinamnam at malambot ang tinapay. Halatang kakagawa lamang. Tama ang palaman na napili ko para sa tinapay. At 'yung mainit na tsokolate... napakasarap. Normally, hindi ako mahilig uminom ng tsokolate. Kape ang kadalasang iniinom ko o kaya naman tsaa. Pero, kakaiba 'to. Napakasarap," totoong sambit ko. Ngiting ngiti naman silang lahat. "Masarap sa pakiramdam namin na na-a-appreciate mo ang kayang ihandog sa'yo ng Ereve, Avel," Ngumiti ako at nagpatuloy kami kumain. Manaka-nakang nagtatanong ang Hari at sinasagot ko naman. Napatingin ako kay Aerith na tumitingin din sa akin. Nginingitian ko siya at ginagantihan naman niya ako. Nang matapos kami kumain ay nagsalita na si Alcaster. "Tuturuan ka namin kung mag manage ng tamang oras, Avel. Dahil ang kalaban natin dito ay oras, hindi natin alam kung kailan ang eksaktong araw ng pagsalakay ng kalaban, dapat natin ma-budget ang oras at araw mo. Kailangan nating magmadali. Kaya, kung hindi mo mamasamain, hihingi ako ng permiso sa'yo na hawakan ko ang pagmamanage ng oras mo," seryosong wika ni Alcaster. Dahil alam ko namang mabuti ang intensyon nila sa akin ay tumango ako. "Wala akong nakikitang problema roon, Alcaster. Alam kong alam mo kung ano ang ginagawa mo. Iaasa ko ang lahat sa'yo," Napangiti ang Hari. "Kung gayon, halika sa labas," Hindi na sumunod ang asawa nitong si Amoria. Siguro, may gagawin pa ito. Pero si Aerith ay sumunod. Lumabas kami ng main door ng palasyo. At nakita ko ang sandamakmak na mga guards na nakauniporme pa ng yari sa bakal. Ang mga outfit ng mga ito ay katulad ng mga makalumang sundalo. "Sila ang tutulong sayo sa training mo, Avel. Ang unang-unang kailangan mong matutunan ay kung paano mapalakas ang physical mong pangangatawan. Kailangan mo maging matibay at maging malakas. Don't get me wrong, alam ko namang hindi ka lampa. Pero katulad sa magiting na boksingero, kailangan mo dumaan sa matinding mga training upang maging malakas ka at matibay. Naiintindihan mo ba?" Tumangi ako. "Naiintindihan ko, Alcaster," "At kapag sinabing hindi pa pahinga, hindi pa pahinga. Sa una ay mahihirapan ka. Pero darating ang araw na makakaadjust ka, at pasasalamatan mo ako na binigay ko sa'yo ang training na ito," Hindi ako nagsalita. Tumango lang. "Handa ka na ba para sa unang training mo, Avel?" Tanong ni Alcaster. "Handang handa na," May sinabi ito sa pinakaleader ng mga sundalo. Tumango ang huli. Si Alcaster at Aerith ay umalis na sa likod ko at naupo sa may malayong bench. Napakarami ng sundalo. Siguro lalagpas silang one hundred. Lumapit sa akin ang pinakaleader at nagbigay galang. "Avel, ako ang leader nila. At ang una mong training ay ang push-up. Kailangan mong magpush up sa loob ng sampung minuto. At hindi ka dapat titigil. Kapag sumayad ang katawan mo sa lupa sa loob ng sampung minuto ay may karampatang parusa," Nahigit ko ang hininga ko. s**t. Hindi pa naman ako magaling sa push up! Kahit noong nagaaral pa ako ng kolehiyo, tuwing P.E class namin ay badtrip ako, dahil hindi ko naman talaga gusto ang subject na 'yon o kahit anong physical activities. But I have no choice now. Marami na akong responsibilities ngayon. Hindi lang trabaho. Kundi na rin ang buong mundo. Ang future ng lahat. Kaya hindi ako dapat umayaw. Push up pa lang itong pinapagawa sa akin. Huminga ako nang malalim at tumango. Pumosisyon ako sa lupa. I need to do this. May hawak na maliit na gadget ang guard. Sa tingin ko ay timer 'yon. Tinignan niya ako. "Handa ka na ba?" Huminga ako nang malalim. Tumingin ako kay Aerith at binigyan niya ako ng isang ngiti at thumbs up. Bigla ay parang ginanahan ako kahit wala akong amor sa ganito. "Handa na,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD