DARK Mula sa matagal na pagkakahimbing, naramdaman ko na merong nagbukas ng capsule ko at ginising ako. At dahil nakaprogram na akong bumangon ay wala akong nakagawa kundi ang tumayo at gumising sa matagal na pagkakahiga. Hindi ko na alam kung ilang araw, linggo, o buwan akong natutulog sa capsule. Ang capsule na tinatawag ay ang isang mahiwagang instrumento na kung saan kapag ang isang nilalang ay nilagay doon ay magkakaroon ng ibayong lakas. Hindi lamang ang katawan nito ang pinagpapahinga, kundi ang isip, damdamin at ang buong kalagayan ng sinumang matutulog doon. Nakakadagdag din ito sa lakas at kapangyarihan. Kaya ang pinapatulog doon ay umaabot na matagal na panahon. Nakita ko si Lord Zero na matamang nakaupo sa kanyang trono at tinitignan ang paggising ko. Magalang na lumapit ako

