DARK Dahil sa utos ni Lord Zero, mabilis ang mga naging hakbang ko sa mga sumunod na oras. Wala akong paligoy-ligoy na lumabas sa teritoryo namin. Akmang lilipad na ako patungo sa Ereve nang mamataan ko si Matilda. Busangot ang mukha niyang lumapit sa akin. Nakapamewang pa. “O, himala at nabuhay ka. Hindi ko alam na ginising ka na pala ni Zero,” taas ang kilay na sambit nito sa akin. “Lord Zero, Matilda. Bakit hindi mo makasanayan na tawagin siya sa ganoong paraan? Siya ang Panginoon natin,” seryosong sambit ko. Iwinasiwas ni Matilda ang kamay sa ere na tila wala itong paki sa kung ano ang sinasabi ko. “Hindi naman nagagalit sa akin si Zero, ah. Hinahayaan niya akong tawagin ko siyang ganoon. Sagutin mo ang tanong ko!” pagdedemand ng babae. “Ano ba ang tanong mo?” “Saan ka pupunta?

