AERITH Eh ano naman ngayon kung malaman nito na nilampaso ko ang hindot na babae nito? Nagpunta ba ang lalaking ito ngayon dahil nagalala ito sa babaeng 'yon? Agad akong napasimangot nang maisip 'yon. Iba naman ang naging interpretasyon ni Avel doon. Napangiwi ang binata. "Shet. Galit ba siya? Ayaw niya ba akong pumunta rito dahil sa Noah na 'yan? Halos magkapalit na sila ng mukha ah," angal ni Avel sa sarili. Pero dahil hindi naman kaya ni Aerith na hindi pansinin si Avel, wala nang nagawa ang dalaga kundi ang lapitan ito. "A-Ako ba ang pinunta mo rito...?" nautal kong tanong sa kanya. Napakunot-noo naman ito. Naku po! Talaga bang galit siya? Kanino niya nalaman na ginawa ko lang laruan ang babaeng 'yon? Teka, bakit parang yumayabang yata ako? Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapa

