AERITH Itinaas ng kawal ang kanang ng braso ko habang nakita kong kinukuha ng mga ibang kawal ang hindot na hindi na makagalaw. Napangisi ako. "Buti nga sayo," sambit ng pilyang utak ko. "At ang nanalo sa round na ito ay si Aerith Ginemoux!" Masiglang palakpakan ang narinig ko sa paligid. "Grabe! Hindi lang maganda, malakas pa!" "Iba talaga kapag prinsesa ka. Hindi basta basta. Ngayon, talagang masasabi mong malakas ang kanyang lahi," "Sana ganyan din ako kaganda habang nakikipaglaban!" Ilan lang 'yan sa mga komento sa paligid. Dati rati wala namna akong pakialam sa kung ano ang sasabihin sa akin ng ibang tao. Pero naiiba ngayong araw. Dahil ang kalaban ko ay si hindot, kaya naman masayang masaya ako ngayon sa mga naririnig kong papuri. Tiyak naman na hindi siya bingi at naririnig n

