"Miss Dela Riva, okay lang ba sa iyo if you would come to us to the soldiers camp?" Hindi namalayan ni Bemery na lumapit pala ang head nila sa kaniya. Abala kasi siya sa pag-a-arrange ng mga karton ng relief goods na ang laman ay mga instant coffee. "Ah, okay lang po." aniya at hinawi ang iilang buhok na sumabog sa kaniyang mukha. "May mga sundalo kasi daw doon sa camp na nagkakadesenterya that is why we need to bring there some bottled water. Anyway, ihahatid ka naman nila pabalik dito sa center. Kayong dalawa ni Mark ang sasama." anito at tumalikod na. Nagkangitian sila ni Mark pagkatapos. Itong si Mark ay isang bagong graduate na journalist at piniling mag-volunteer sa Red Cross. Siya ay isang binatang may nag-aapoy na dedikasyon sa lipunan kaya nga ito nandito ngayon kasama niya.

