ABC Del Fuego
A week before graduation ay may mga company na nanghihinayat sa mga estudyante na mag-apply. Isa na dito ang Monteza Construction isa sa sangay ng Monteza Empire, sabi ng karamihan well known company daw ito sa karatig lugar, mataas magpasweldo. She was hoping na pag napasok dito ay payagan ng umalis para makalayo na siya sa impyernong bahay na yon. Kaya lamang ay 2 architect lang ang kukuhanin ng kumpanya. Sa dami ng nag-apply medyo mahina ang chance para sa dalaga. Hinde alam ng dalaga na unang hakbang ito sa paghihiganti ng isang Blake Desmond Montez.
Pero di bale, I should try it, kaya mo yan ABC, pang-aalo ko sa sarili. Hinde ko sasayangin ang painaghirapan ko. Inabot ko to ng mag-isa kaya dapat masaya ko ngayon."
College graduation. As usual nag-iisa na naman siya dahil nga di naman siya tanggap ng pamilya or mas tama yatang sabihin na hinde na siya matatanggap pa. Ang kapatid na si Vlady ay busy at nasa Manila ng panahong ito. Isa pa ay hinde niya ito sinabihan kung kelan ang graduation para hinde siya makaabala sa oras nito. Sayang at di rin siya masasamahan ng ama sa pag-akyat sa stage para sabitan ng medalya. Wala syang oras para sa anak. Magna Comlaude pa naman ito ng batch nila at syempre pa ay part ng ceremony na magsasalita siya sa stage. Sayang talaga. Ni minsan ay di nakita ng Don at naging proud sa kaya ang ama. Sana man lang kahit ngayon lang ay makapunta siya tutal ay huling graduation ko na ito. Wla siya nung nursery, kinder, grade school, high school at pati ba naman ngayong collecge wala pa din.
Marching of graduates started. Nasa hulihan ang may mga awards. Lahat sila nay kasamang magulang, bukod tanging ang magna cumlaude lang ang wala. Naturingang magna comlaude pero walang family support. Ni hinde niya maipagmalaki ang surname niya dahil ni ang kanyang papa ay hinde magawang maipagmalaki ang kanyang matalino at magandang anak,
"Iha", tawag sakin ng pamilyar na boses. Agad ko itong hinanap.
"Manang," maluluhang sambit ko. "Mabuti po nakarating kayo?"
"Ay naku, tumakas lang ako sabi ko ay pupunta ako sa kamag-anak kaya maaga ako umalis kanina. Eh hinde ako sigurado nakakapunta rito kung ipapaalam ko na sasamahan kita."
Ganun katindi ang galit sakin ng aking madrasta, yun bang ayaw nya na maging masaya ako kahit minsan lang.
"Salamat po Manang," yakap ko sa mayordoma. "Love po kita. Salamat po kasi ako lang ang walang kasama dito," naiiyak na sabi ng dalaga.
"Ikaw pa ba iha? Di kita pababayaan anak," naluluha din namang tugon nito. "Wag kang iiyak, mababawasan ang ganda mo." Pang-aalo ni manang.
"Salamat po talaga. Masaya na ako sa ganitong simpleng bagay. Mahalaga ay may kasama na ako at hinde magmumukhang kawawa. Sana dumating po ang Papa kasi last graduation ko na ito."
"Naku iha, alam mo naman ang sitwasyon di ba, hayaan mo na anak. Huwag ka ng umasa"
Gayunpaman ay hinde pa rin maiaalis ang nang-uuyam na tingin ng mga tao sa paligid, ang kanyang mga sariling kababayan sa La Esperancia. Nakikita ang awa sa ilan dahil wala siyang kasamang pamilya. Pinagtitinginan siya ng mga tao lalo at halos ang lahat ay nakaupo na sa kani kanilang pwesto at siya ang pinakahuli sa linya na nakakuha ng pinakamataas na karangalan pero pinilit ng dalaga na huwag ipakita ang lungkot.
Hinde alam ng dalaga na palihim na inutusan ng ama ang mayordoma para sa graduation ng anak, kahit gustong gusto niya pumunta, ay hinde maari dahil mabubuhay na naman ang isyu sa naging pagtataksil nya sa kanyang asawa ay baka maging malaking dagok ito para sa kumpanya. Kahit paano ay naiisip din ng don ang kalagayan ng anak, ang paghihirap nito at isa ito sa ihihingi niya ng tawad sa dalaga.
Lingid din sa kaalaman ni ABC ay may mga nakamasid sa kanya. Ang mga tauhan ni Blake.
"Boss, present po si Del Fuego."
"Sinong kasama? Kasama ba ang Don?"
"Hinde po Sir, isang matandang babae lang po na nadinig kong tinawag niya ng manang."
"Sige, pagkatapos ng graduation exercise ay ioffer ninyo ang trabaho sa kanya. I want her into my office next week." Utos nito sa tauhan.
"Sige po Boss," sagot ni Derek ang kanang kamay ni Blake. Ito ang pinagkakatiwalaan sa halos lahat ng bagay.
Pagkatapos kausapin ang amo ay nagbigay ng instruction si Derek kay Ben na taga executive office na kasama nya.
Hinde naman mahahalata ang pakay nila dahil ang iisipin ng lahat ay natural lang na makatanggap ito ng offer sa iba't-ibang company dahil may mataas itong karangalan.
"Sige po Sir, ako na po ang bahala," sagot ni Ben.
Nagsimula ang graduation program at dumating ang oras para sa kanyang speech. Tiningnan niya muna ang mga tao sa sa kanyang harapan sa pag-asam na baka dumating ang ama, ngunit nabigo siya. Buti nalang at nandyan si manang na masayang nakatingin sa dalaga at kumakaway. Naluluha ito sa tagumpay ng pamangkin.
Si Manang Lina ay kapatid ng ina ni ABC ngunit tanging ito at ang Don lamang ang nakakaalam.
Hanggang sa natapos siya sa pagsasalita ay wala pa ding lumitaw na kapamilya. Habang nagsasalita siya sa harap ay kita niya pa dn sa mukha ng lahat ang pagkadisgusto sa kanya.
Pwes, mamatay kayo sa inggit. Sa loob loob ko. Mahalaga ginawa ko ang lahat at pinaghirapan ko kung ano man ang naabot ko ngayon. Kinaya kong mag-isa. Pinili ko nalang maging positibo sa kabila ng lahat. pakikipag-usap ng dalaga sa sarili na sinamahan ng nakakalokong ngiti. Moment ko to.
Sa ganitong paraan man lamang ay makaganti siya ng dagat ng taong nasa kanyang harapan. Nakangiti at taas noo siyang bumaba ng hagdan.
Mahigit isang oras dn ang inabot ng graduation rights at inip na inip na siya.
"Ah Ms. Del Fuego." Bungad ni Ben na matyagang naghihintay sa dalaga sa utos ni Derek.
Napalingon si ABC sa nagsalita.
"You applied in Monteza Contruction, right?" Tanong ni Ben.
"Yes Sir!. Sino po sila?" Nakakunot ang noo habang nakikipag-usap ako sa babae.
"Oh, I am Ben from the excutive office of Monteza, I just want to let you know that you are pre-selected and we want you to be at the office anytime next week for the final interview." Magiliw na balita nito sa dalaga. "Much better if you can come on Monday."
"Oh really, really? Yes, yes, I will be there."
"Yes miss. This is my calling card and I hope to receive your confirmation on Monday."
"Thank you po." Excited na pasasalamat niya habang inaabot ang card.
Pagtalikod ng representative ng Monteza ay di mapigilan ni ABC ang mapatalon.
"Yes, yes."
"Hey pretty, what's with that?" Salubong ng tropa. "Congratulations nga pala magna."
"Magna?" Maang na tanong niya.
"Eh magna comlaude ka naman talaga di ba?" Biro ni Luis
"By the way, what made you smile?" Tanong ni Juancho.
"Guys, I've been pre-selected from Monteza." Excited na anunsyo nya.
"Oh talaga? Congrats". Sabay sabay na bati ng apat.
"Ang tanong papayagan ka ba ng mommy mo?" Singit ni Manang.
Biglang nalungkot ang aura ng dalaga sa nadinig.
"Pero anyway, mas mahalaga na magcelebrate tayo ngayon" Sabi ng apat habang inaakbayan siya.
"Manang mauna napo kayo umuwi. Salamat po ulit."
"Sige iha, wag ka papagabi ha." Bilin nito bago tumalikod.
Habang naglalakad kami palabas ng venue ay pansin ko ang mga nang-uuyam na mata ng aking mga batch mates. Sino ba naman ang hinde maiinggit eh kasama niya ang apat sa pinakagwapong nilalang ng La Esperanza na ni minsan ay hinde nag-ukol ng pagtingin sa kanila at tanging ako lamang ang nakakuha.