Sampal

1401 Words
"Siguro naman ay wala ka nang masasabi dahil nakapagtapos kana? Napag-aral ka na ng pera namin." Ito ang mga salitang bumungad kay ABC pagpasok ng bahay. Inaapuhap nya ng mga mata kung nasaan ang madrasta sa madilim na sala. Talaga namang sa graduation night niya pa piniling umeksena, hinde man lamang siya napagbigyan nito na magcelebrate. "Now, it's time for you to pay us back. Hinde mo deserve ang buhay prinsesa sa pamamahay na ito. Pinagbigyan ko lang ang ama mo, dahil mahal ko siya. You don't deserve to live your life with luxury. Pasalamat ka nga pumayag pa akong bilan ka ng kotse." Patuloy nito sa pagsasalita sa may gawing veranda. Nakatayo ito at may hawak na kopita habang umiinum ng wine. "Bakit ko naman po kailangan magbayad, e obligasyon nyo po na paaralin ako? Di ba po? At ang kotse ay gift ni papa nung 18th birthday ko na hinde ko rin naman po masyadong nagagamit, dahil madalas tinatakas ni Veron. Isa pa hinde rin naman po ako buhay prinsesa dito sa mansyon." Matapang na tugon nya, maaring dala ng nainom kaya naman ang lakas ng loob niyang magsalita ngayon. "Aba't sumasagot ka na ngayon mahadera ka. Ang lakas ng loob mo porke ba at nakatapos ka na? Tandaan mo hinde ka makakatapos kung hinde ko yan pinahintulutan, kaya wala ka pa ring ipagmamali sakin!" Hinde niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya, at isang malutong na sampal na naman ang inabot ng makinis niyang pisngi. Bumagsak ang dalaga sa may center table dahilan para mabasag iyon at gumawa ng malakas na ingay. Biglang bumukas ang ilaw at pag-angat nya ng mukha ay nandun na si Veron at ilang kasambahay. "Naku Dyos ko po, ano bang nangyayari? Vlessie, sinasaktan mo na naman ang bata." Malakas ang boses ni Manang na halatang naiiyak na sa takot. "Iha, halika ka, tumayo ka anak," at tinulungan akong tumayo. "Hindi kita hinayaang makapag-aral para sumuway sa gusto ko. Ako ang masusunod sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo ba?" Malakas na sigaw ng madrasta kasabay ng pagduro sa aking sintido. Ang katawan ko naman ay tila namanhid sa lakas ng pagkakabagsak. "Salamat po Mommy sa pagpapaaral n'yo sa'kin, pero hinde ko po ginusto ang buhay na ito. Lahat po kayo rito walang nagturing sa'kin na kapamilya." Ganting sigaw ko. "Nag 18th birthday nga po ako ng mag-isa e. Hinde naman ako nghahangad ng katulad kay Veron pero sana man lang po kahit sa araw na 'yon hinde ko dinanas ang lupit ninyo, pero wala po kayong pinipiling oras at lugar." "Ah talagang pinaninindigan mo 'yang sungay mo!" Sasampalin sana ulit sya nito ng hawakan ni Vlady ang kamay ng ina na hinde namin napansing dumating na pala. "Ma, tama na." Sigaw ng kuya nya. "Palagi n'yo na lang pong sinasaktan si ABC. Hinde niya po kasalanan ang lahat ma." "Umalis ka dyan at wag mo ipagtanggol ang babaeng 'yan." Sabay sugod sa akin ngunit nakaharang ang kuya. "Ma tama na po!" awat nito. "Please ma. Haven't you get tired of holding that in your heart?" "Anong kaguluhan yan?" Dumadagundong na boses ng kanyang ama galing sa taas. "Itong walanghiya mong anak sumasagot sagot na". Nakangusong sagot ni mommy. Siya pa talaga ang may ganang magsumbong. Sa isip isip ko. "Anna Blaire Clarisse, kelan ka pa naging bastos?" Tanong naman ng ama. 'Pag ganitong binabanggit ng buo ang pangalan niya alam ng lahat na galit na galit ito, pero kung tulad ng dati hinde niya nagagawang mangatwiran, ngayon iba na, punong puno na ang dalaga. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na sitwasyon niya rito sa mansyon. "Pa, ang sabi po ni Mommy bayaran ko ang pinampaaral n'yo sa'kin. 'Di ko naman po ito hiniling, pero dahil po ibinigay ninyo, pinagbuti ko po. Lagi po akong may awards, high honors, valedictorian at ngayon magna cumlaude po ako pero ni minsan po di kayo nakapunta sa mga important events ng buhay ko. Sinikap ko po na pagbutihin ang lahat ng ginagawa ko para po sa inyo, pero hinde n'yo naman po ako binibigyan ng halaga. Wala po ba talaga akong halaga sayo, Pa?" umiiyak kong sabi. Mababanaag naman na lumambot ang ekspresyon ng ama. "Aba't ang istupidang to! Bakit ano gusto mo, salubungin ka namin ng banda? Handaan kita? E sa tuwing makikita ko 'yang pagmumukha mo, naalala ko ang malandi mong ina na pinagmanahan mo. 'Di ako magugulat kung isang araw uuwi kang buntis dito." "Vlessie, tumigil ka na," sigaw ng Don. "Bakit? Ayaw mo marinig yung mga kalokohang ginawa mo? Minahal kita pero anong ipinalit mo. Niloko mo ko, kami ng mga anak mo, kaya 'wag na 'wag mo kong sasabihan ng dapar kong gawin Sebastian! " "Pero Mommy wag n'yo po ako idamay, dahil di ko naman po kasalanan yon." Umiiyak na sagot ko. "Hinde mo kasalanan? E yang mukha mo pa lang na yan, kasalanan na. Kamukhang kamukha mo ang malandi mong ina na sumira sa pamilya ko." "Ikaw ang umagaw sa'kin sa pinakamamahal ko Vlessie, alam mo yan!" Sigaw ng don na nagpatahimik sa kanyang madrasta. Ang lahat naman ng nakakarinig ay napanganga sa sinabi nito kabilang ang mga kasambahay na nasa paligid lalong lalo na ang dalaga. "Mommy please, tama na," singit ni Vlady. "Hayaan mo nga sila Kuya Vlad, wag mong ipagtanggol 'yang babaeng yan," sabi ni Veron. "Veron, shut up!" May pagbabantang saway ni Vlady sa kapatid. "Ako ba ang sinisisi mo e kami ng pamilya ko ang nagbangon sa pamilya n'yo? Kundi dahil sa magulang ko matagal ng bagsak ang kumpanya ng magulang mo!" Ganting bulyaw nito sa don. "Ngayon, pabagsak na naman ang kumpanya dahil hinde tayo makasabay sa mga makabagong style, sa infrastructure ng mga modern companies, at bilang kabayaran sa mga ginastos sa'yo", sabay baling nito sa umiiyak pa ring si ABC "gawin mo lahat ng paraan para makuha ang Monteza bilang partner ng kumpanya." "Vlessie, ako ang gagawa ng paraan, inaayos ko na ang partnership. 'Wag mong idamay ang bata rito," sagot ng don. "What? Babagsak ang company? Maghihirap tayo? Oh no, paano na ako makakabili ng mga shoes at bags mommy?" Atungal ni Veron kasabay ng pagpadyak. Galit ang mga matang nakatuon kay Veron. Pati ang mga katulang ay nadismaya sa ugali nito. "Madami na ngang problema yan pa din ba ang iniisip mo? Wala kang ginawa kundi puro pasarap ni hinde mo pinagbubuti ang pag-aaral mo." Bulyaw ng don sa anak. "Wag mong sisigawan ang anak ko, dahil yan lang ang pwede mong ibigay sa kanya kapalit ng sakit ng panloloko mo." Ganting sigaw ng ginang. "Kaya ikaw babae ka, kuhanin mo yung Monteza Construction ng di kami maghirap." Dugtong na sabi pa ni Veron. "Kaya ganyan ang ugali niya lagi mong kinakampihan Vlessie. Sa halip na pagboboyfriend ang intindihin bakit di mo payuhang mag-aral mabuti katulad ni ABC!— Tumigil na kayo." Nanlilisik na ang mata ng don tanda na sagad na ito. "Daddy naman, ako na— " Magrereklamo pa sana si Veron pero pinigil na ng kapatid. "Veron I said shut up!" Nanggigil na saway ni Vlad. Nagmamartyang umakyat si Veron papunta sa kanyang silid. "Bahala ka kung paano mo gagawin ang plano, landiin mo, akitin mo tutal expert ka dun basta hinde mo pwedeng di makuha. Wala akong pakialam kung anong pamamaraan mo gagawin. Mahalaga makuha mo," sigaw ng madrasta at sinundan na ang anak. "Tama na!" pagbabanta sa tono ng don. "ABC umakyat ka na sa kwarto mo." Agad namang inalalayan ni manang ang nakalugmok na dalaga at pagdating sa kwarto ay ginamot ang maliit na sugat sa pisngi, tumama yata ang singsing ng mommy niya kanina kaya siya nagasgasan sa left cheek. Nakarinig kmi ng marahang katok sa pinto, kasabay ng dahan dahang pagbubukas nito. Pumasok si Vlady na may dalang regalo. Malungkot itong lumapit sa kapatid kahit na nkangiti. Kadarating lang kasi nito galing sa Maynila at nakita lang niya sa post ng kapatid na ngayon pala ang graduation kaya binilhan nya ng regalo sa daan at iyon na nga ang tagpong kanyang nabungaran. "Congrats princess. Sorry kanina—" malungkot ang mata nito habang nakatingin sa dalaga at niyakap. "Thank you Kuya, pero sana 'di ka na nag-abala pa." "Para sayo talaga yan. Sige pahinga ka na at papaakyatan na lang kita ng dinner dito." "Ok lang ako Kuya. Thank you." Tango lang ang isinagot nito at lumabas na ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD