Kabanata 7: Scandal

1023 Words
Tinapik ko ang pisngi ko para magising sa katotohanan bago pa tumaas na naman ang pagnanasa ko sa tuwing naaalala ko ang gabing iyon. Sana hindi ko na siya makita. I was done with that crazy chapter of my life. Now focus na ako sa trabaho. Sakit lang ng ulo ang mga lalaki talaga. The more handsome they were, the bigger trouble they might bring. It was pass 1pm when I went to the pantry area. Sa ganoong oras kasi wala ng empleyado dahil nasa kaniya-kaniyang workstation na sila. Sabagay, madali lang naman akong kumain. I would be sitting on my spot before they know it. Habang binubuksan ko ang fridge, may narinig akong nagsasalita sa CR. Hindi iyon naka-lock at bahagyang nakabukas ang pinto. Katapat lang naman nito ang kitchen counter kaya naririnig ko na umi-echo ang boses ng tao sa loob. "Sorry talaga, love. Hindi ako puwede mamayang uwian. May tinatapos pa kasi ako. Baka late na akong makauwi." I paused. Boses iyon ni Edna. "Oo, alam ko na nag-promise ako pero anong magagawa ko. Wala naman akong choice. Bago pa lang naman ako dito." Tinuloy ko ang pagsasalin ng juice sa baso ko at halos walang tunog na uminom. Ang mga bata talaga ngayon. Sinasabay ang trabaho sa personal na buhay. Ganitong oras dapat nasa cubicle na siya hindi iyong nasa CR at nakikipag-flirt na kung sino man ang kausap niya. "Please huwag mo namang sabihin 'yan, oh. Lagi mo na lang akong hinahamon ng break-up kapag tumatanggi ako. Ikaw kaya ang magtrabaho saka magtiyaga sa boss na walang puso at manang!" I blinked and turned my head over my shoulder. Sinong walang puso at manang ang tinutukoy ng babaeng ito? Ako ba? "Oo, mukhang hindi naman kasi marunong umunawa 'yon eh. Siguro tama nga ang sinasabi ng mga ka-trabaho ko. Iniwan daw ng boyfriend 'yon kaya gano'n kasungit." I breathed deeply. Nahigpitan ko pa ang hawak sa nagyeyelong bote ng juice kahit naninigas na ang kamay ko. Buwisit na babaeng 'to! Akala mo kung sinong anghel kapag nasa harapan ko. Iyon pala, mas maldita pa sa 'kin! Relax, Innah. You're in the workplace. Huwag kang mag-eskandalo. Isipin mo na lang, mababait ang mga big boss Kung gusto mong umangat sa posisyon, iwas ka sa eskandalo. I inhaled again and exhaled through my mouth. Palalagpasin ko si Edna ngayon. Pero kapag nakakita ako ulit ng butas sa trabaho niya, pasensyahan na lang kami. Hindi na ako nakakain dahil nawalan na rin naman ako ng gana. Dumiretso na lang ako sa trono ko at agad binuksan ang laptop. Pagbukas pa lang, sampung sunod-sunod na e-mails na ang kumakaway sa nawiwindang kong mukha. Lahat ay galing sa InterSource, ang pinakamahalagang kliyente namin dahil sila ang pinakagalante pagdating sa pagbabayad. Kahit hindi pa oras ng collection, nariyan na ang tseke kalakip ang bagong orders ng cartridge, UPS, at bagong models ng Epson products. But now… Dear Miss Innah Villanueva, We're sorry to tell you that we are dropping the request regarding the Autodesk. It is because our company can no longer wait for your proposal and we are considering other supplier by now… "What. The. Hell!" All the items on my table jumped when I banged it. Padabog akong lumakad palabas ng opisina at iginala ko ang paningin. All of them stared at me in awe as if they had seen a dragon breathing out fire. "Sino ang tinokahan ko sa account ng InterSource?" Walang sumagot. Nagtinginan lang sila na parang mga tanga. "Kanino!" Wala na akong pakialam kung pati ang mga nasa purchasing department ay napakiling sa 'kin. Sanay naman sila na kapag tumataas na ang boses ko, may seryosong problema talagang nagaganap. Mabuti na lang at inilipat na sa top floor ang opisina ng mga big boss. Kung hindi, hindi ko alam kung paano magpapaka-praning nang walang talakang nangyayari. I exhaled, trying to calming myself and asked them again. "Kapag wala sa inyong sumagot, dadagdagan ko ang mga account n'yo hanggang sa mapilitan kayong pumasok kahit Linggo!" "A-ako po, Ma'am Innah." I spun immediately and looked down at Edna. "Ikaw? Ibig sabihin sa 'yo ko pa pala naipagawa ang proposal ng InterSource?" Mabagal siyang tumango. "Anong nangyari, Edna? Pinirmahan ko 'yon one month ago. Bakit sabi ng kliyente, wala raw silang natatanggap na proposal?" Tumingin siya sa 'kin na namimilog ang mga mata. "Ma'am, ang alam ko po, nag-send ako sa e-mail nila." I tilted my head. "So, aasa lang tayo sa alam mo?" Kung nakatutunaw lang ang mga titig ko, kanina pa nag-evaporate ang babaeng ito! "Fine! Rolly…" Tumingin ako sa staff ko na isa sa mga kasabayan kong pumasok sa kumpanya. He was still a Technical Sales Support until now. Maliksi naman siyang tumayo sa cubicle niya. "Yes, Miss Innah." "Kindly check Edna's Outlook. Pakihanap ang sinasabi niyang e-mail na nai-send daw niya para matapos na 'to." Si Rolly ang kausap ko pero kay Edna ako nakatitig. Tumango si Rolly at patakbong pumunta sa table ni Edna. Magkatabi lang naman sila ng cubicle. Sinadya ko iyon para matuto sana ang babaeng ito. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari. "Um… Miss Innah?" "Yes." I blinked at Rolly as I crossed my arms over my chest. "Anong magic ang nakita mo diyan?" "Nandito ang document…" After a couple of clickings of the mouse, he looked at me again, wide-eyed. "Pero nasa Outbox." I shut my eyes as my blood began to boil to a higher temperature. Pakiramdam ko umuusok ang mga tainga at ilong ko. "Edna!" I opened my eyes and found her already cupping her face. "Huwag mong sabihing da-dramahan mo ulit ako, babae ka. Hindi maibabalik ng mga luha mo ang account na narito na sa FlexiRadix bago pa ako dumating!" "Ma'am Innah, sorry po talaga. Hindi na po mauulit. Nalito po kasi ako. Akala ko-" "Oh, enough with that stupid alibi. Talagang hindi na mauulit!" I gave her the sentence that I longed to slap on her face. "You're fired."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD