Forth quarter was the most insane period here in FlexiRadix. Ewan ko ba kung bakit sa ganitong panahon dumaragsa ang pangangailangan ng mga kliyente namin. Bakit kung kailan malapit na ang katapusan ng taon, saka sila makakaisip umorder ng mga bagong unit ng laptop at desktop.
At bakit ngayon pa bubulaga sa e-mail ko na nagpapa-revise ng quotation para sa Preventive Maintenance ang bagong kliyente ko. Buti sana kung may inaprubahan na sila sa mga proposal ng team ko. Kaso puro sila pa-qoute nang pa-qoute. Nasasayang ang oras ko. Sabagay, sanay naman akong maglustay ng oras sa mga hindi 'worth it' na bagay… o tao.
Matapos kong isara ang isang e-mail, napahilamos na naman ako ng mukha nang bumati ang bagong pasok na sakit ng ulo. "Monthly sales report." Sinadya ko talagang lakasan ang pagbasa para naman marinig ng buong team. Hindi ko man nakikita ang reaksyon ng mga empleyado ko, alam kong sumasakit na naman ang tiyan nila sa nerbiyos. I didn't care a damn, though.
I stood up, snatching a folder from the stack on my desk. That particular document belonged to a specific employee under me. Bumuntong-hininga ako bago tumayo at tinungo ang puwesto ng nagmamay-ari ng mga papel na hawak ko. "Edna, follow me. Sa conference room… again."
Huminto siya sa pagtitipa sa keyboard at namumutlang tumingala sa akin. Hindi ko na hinintay ang sunod na ginawa niya. Basta lumakad na lang ako patungong conference hall. Ramdam ng mga balahibo ko sa batok na sinusundan ako ng tingin ng mga nadaraan kong tao at rinig ko rin ang patakbong tunog ng mga paa sa likuran ko.
Before I knew it, I was staring at the decending bar graphs on the paper. Ibinaba ko iyon at ang kulay papel na mukha ni Edna ang bumungad naman sa 'kin. She was sitting across the long table from me while pinching her inner hands.
"Ilang buwan ka na ulit dito, Edna?" tanong kong nakataas ang mga kilay.
Lumunok siya. "Mga… mga three months na po."
"Three months." Inulit ko ang sinabi niya at muling tumingin sa laman ng folder. "Alam mo ba suwerte ka dahil tumagal ka ng three months? Pero sa gano'ng katagal na buwan, bakit bumababa ang sales report mo? Worst, hindi ka pa rin nakakaabot sa qouta mo. Hindi naman ako nagkulang ng paalala sa 'yo, hindi ba? Nasa 'yo na ang materials na kailangan mo sa training. Nariyan din ang mga ahead sa 'yo na puwede mong pagtanungan. Bakit habang tumatagal, lalo kang lumalala? Sigurado ka bang nagta-trabaho ka o naglalaro lang dito sa FlexiRadix?"
Sa dami ng sinabi ko, wala siyang ginawa maliban sa kagatin ang labi. This was what I hated about newbie workers. Kapag pinagsasabihan sila, akala mo inaapi. "Edna, ano?" Pinatunog ko na ang mga kamay ko para kunin ang atensyon niya. Effective naman kasi halos tumalon siya sa upuan. "Any violent reaction? Anong masasabi mo sa performance mo? Hindi ka ba nag-aalala na hindi ka nakaka-comply sa trabaho?"
"Ma'am Innah, kasi…"
I leaned forward, angling my face so my ear was nearer to her. "Kasi ano?"
"Nahihirapan po kasi akong kumuha ng bagong clients," bulong niya at yumuko sa mesa. Kinukurot na naman niya ang mga daliri niya. "'Yong mga tinatawagan ko po kasi, sinasabi nila na mayron na daw sila. 'Yong iba, sinasabi na hindi daw kaya ng budget nila. Meron naman po sabi, may provider na sila."
"Oh. My. God." I held my cheeks. Baka kasi malaglag ang panga ko sa mga naririnig ko. "Edna naman, problema ko pa ba 'yan?"
Hindi siya nagsalita. Now she was pressing her lips into a thin stupid line and she began to blush like a tomato.
"Then you will create their needs and offer them your services. Anong gusto mo? Ako pa ang gagawa no'n para sa 'yo? Ako pa ang hahanap ng clients para trabahuhin mo?" Nang wala siyang itinugon, muli na namang tumama sa mesa ang palad ko. "My God naman! Edna, hindi por que newly grad ka, puwede ka nang magtanga-tangahan dito sa opisina. Bago kita pinasa sa interview, sinabi ko sa 'yo lahat ng puwedeng mangyari rito. Bakit ngayon, kung umasta ka parang kakagising mo lang? My dear princess, for your information nasa training period ka pa lang. Dapat nagpapasikat ka para naman tumagal ka sa trabahong ito."
I saw she blinked. Nakayuko pa rin siya pero parang basa na ang mga pilik-mata niya. Sayang siya. Maayos naman sanang magtrabaho sa umpisa. Ngayon, pa-waley na. Hindi naman sa masyado ko siyang minamata. I didn't want to be the bad guy. Gusto ko lang naman na sundutin ng kaunti ang puso niya at bulabugin ang isip niya para kahit papaano ay matauhan. Ganoon ang ginawa sa akin noong baguhan pa lang ako. Mas malala pa nga ang natatanggap ko na humiliation sa dating head namin na ngayon ay retired na. Walang-wala ang ginagawa ko kay Edna ngayon sa karanasan ko noon. Tulad noon, makakaya ba niyang tumayo sa harap ng pader nang ilang oras kapag pumalpak?
"S-sorry po, Ma'am Innah." Suminghot siya kahit wala namang sipon. "S-sisikapin ko pong ayusin ang performance ko po."
"Ayusin mo ang figures mo dahil damay ang buong team kapag pumalpak ka." Bumuga ako ng hangin at pinilantik ang folder sa harap niya. "Sige na. Go ahead."
"Sige po. Excuse me po." Nakapako sa sahig ang mga mata niya habang lumalabas ng pinto. Paniguradong kukuyugin na naman siya ng mga tsismosa at tatanungin kung anong napag-usapan namin.
"I don't deserve this kind of life," I whispered, linking my fingers behind my nape and pressing my aching back against the leather chair. Nakapanlulumo. Sinisikap kong gawin ang trabaho ko para maging karapat-dapat sa bagong posisyon ko, pero ang mga staff naman ang parang walang pake. Mas masaya atang maging assistant lang ulit. Walang gaanong responsibilidad. Ngayon, lahat ng gusot nila, ako ang puputukan ng mga boss namin.
Nakasara pa rin ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone. One moment, I was grimacing. The next I was chuckling as the ringtone Barbie Girl sliced through the air. "Hay naku, Betty. Sinisira mo naman ang pagmumuni-muni ko."
Umayos ako ng pagkakaupo at sinagot ang cellphone. "Anong mayroon?"
"Anong meron?" she asked me as if I asked the dumbest thing on the land. "Lunch. Ano pa ba? Alas-dose na kaya. Hindi ka pa ba lalabas sa lungga mo? I mean, sa office mo?"
Napailing ako. Kahit kailan talaga loka-loka itong kaibigan ko. "Sorry naman. Hindi ko napansin. Kakatapos ko pa lang kasing manermon. Nakaka-drain kaya ng energy 'yon."
"Oh, isa na namang kawawang kaluluwa."
I could imagine Betty shaking her head as she tsked like a lizard on the ceiling.
"Oh, well. Change topic. Gusto kitang tanungin if may meeting ka mamayang 5pm?"
"Wala naman."
Narinig kong napasinghap siya sa tuwa. "Good! So, puwede kang lumabas kasama namin?"
"Namin?" I frowned. "Hoy, Betty, may balak ka naman bang ipa-blind date ako?"
"Hala! Paano mo nahulaan?" pa-inosente niyang tanong. "Bakit? Lagi ba kitang nirereto sa mga kakilala kong modelo sa floor namin? Minsan lang naman, hindi ba? Mga ten times."
"Loka-loka ka talaga," bulong ko habang minamasahe ang sentido ko. "Well, for the eleventh time, my dear, hindi muna. It's been three months since my tragic breakup, pero hanggang ngayon, tulog pa rin ang puso ko. Ayaw gumising. Okay?"
"Fine!" Betty sighed in defeat. "I'll go ahead na. Hindi na kita aayaing mag-lunch kasi alam kong hindi ka rin bababa."
Touched naman ako kahit papano. Alam kong iyon ang paraan niya para sabihan akong huwag magpapagutom. "Don't worry about me, Betty. May pabaon naman sa 'kin si Ate Rizah. Kakain din ako."
"Mabuti naman. Pero wait, may itatanong ulit ako."
I raised an eyebrow. Parang kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin. "Tell me."
"Kaya ba ayaw mo ulit makipag-date kasi hindi mo pa rin nakakalimutan ang hotness ng Nolan na 'yon?"
Bigla uminit ang mukha ko. "Betty!"
"Peace! Hayan, mainit ka na naman! O, sige. Totoo na 'to. Bye!"
Pinandidilatan ko pa rin ang cellphone ko kahit wala na sa kabilang linya si Betty. How dare she brought that up! Kung kaharap ko siya, malamang sinabunutan ko na!
Anyway, tama naman kasi siya. Maybe it was because of Nolan that I wouldn't want to see other men just yet. Ni hindi na nga ako pumupunta sa mga nightclub simula ng gabing iyon. Nag-aalala akong malasing at mapunta na naman sa kama ng may kama.
Stop it, Innah. Nasa trabaho ka! Linisin mo nga 'yang pag-iisip mo!