CAMILLA's POV ♛♕♛ Hindi ako makatingin nang diretsyo sa mga mata ni Lev habang naglalakad kami sa Central plaze at naglilibot-libot sa lugar. Tinamaan ako ng hiya at konsensya sa mga pinag-iisip ko kanina habang sinusukatan siya, hindi ko inaasahan na papasok ang mga ganung ideya sa utak ko. "Si sir Lev," rinig kong sabi ng nasa likuran naming mga babae na kasabay namin naglalakad sa gilid ng daan. "Ang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan," tugon ng isa at medyo lumalakas ang pandinig ko sa mga bagay na katulad ninto. "Tanungin kaya natin kung may kapareha na siya sa darating na banquet?" Tanong pa ng isa at ako na ang nahihiya sa kanila dahil rinig na rinig naman ang usapan nila, ito lang sa tabi ko 'yung taong pinag-uusapan nila oh. "Ano ka ba, baka nobya niya na ang kasama niy

