CAMILLA's POV ♛♕♛ Nakatulala ako habang nakasalumbaba sa loob ng aking opisina, hindi mawala sa isipan ko ang mainit na gabi na pinagsaluhan namin ng lalaking ito na ngayon ay ngiting-ngit sa harapan ko. "Mukhang masaya ka ngayon Amon," bati ko sa kaniya dahil hindi mawala sa mukha niya ang ngiti kanina pang umaga. "Syempre po my lady, nakasama ko po kayo buong gabi eh," sagot niya at agad akong napapiglas at agad siyang pinanlakihan ng mata. "Sssshhh— wag ka maingay, mamaya may makarinig sa 'yo," paalala ko sa kaniya dahil kakalabas lang ni Ed sa aking opisina at hindi naman nakasara ang pinto. "Ay, ganu'n po ba pasensya na hahaha," sagot niya sabay kamot ng ulo at tawa, naningkit ang mga mata ko sa kaniya dahil hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Samantalang ako sobrang napagod s

