CAMILLA's POV ♛♕♛ Napalunok ako at napahakbang ng paurong, iniisip kung ayos lang ba na marinig ko ang mga katagang sinasabi niya sa harapan ko. Napayuko ako at agad na tinama ang pag-iisip ko, kabado ako na kung may maling hakbang akong magagawa ngayon ay paniguradong masisira ninto ang pagkakaibigan namin ni Lev at ang matagal na naming samahan dito sa Leonheart. Alam kong hindi tama kung susunurin ko ang nais ng katawan ko na hawakan siya o ibsan ang init ng katawan namin kaya pilit kong kinalma ang sarili ko at nag-isip ng diretsyo. "Ah-hahaha, pinagsasabi mo Lev? Oh siya aalis na ko, may nais lang sana akong itanong pero kay Ed ko na lang siguro itatanong bukas ng umaga," tugon ko sa kaniya at mabilis na naglakad palabas sa silid niya at hindi na inintay pa ang sasabihin niya. N

