CAMILLA's POV ♛♕♛ Palakad kami papasok sa loob ng banquet hall at hindi ko maiwasan mapalingon kay Amon na nananatiling nakatayo sa malayo at tinitignan akong humakbang papalayo sa kaniya kasama si Lev. Nakangiti lang siya sa akin ang masayang kumakaway kahit na halata naman sa kaniya na gusto niyang sumama sa loob at tumabi sa akin. "Hindi mawawala ang butler mo d'yan Camilla," tawag ni Lev sa akin para mabalik ang atensyon ko sa aming harapan kung saan isa-isang naglalakad ang mga aristocrats papasok ng balwarte. "Hindi naman sa ganu'n, iniisip ko lang na unang beses siyang dadalo sa ganitong pagtitipon, iniisip ko na baka hindi niya alam ang gagawin niya," sagot ko at hindi maiwasan mag-alala kay Amon. Pano kung may mangyaring hindi ko inaasahan? Pano kung may magawa siyang hindi

