CAMILLA's POV ♛♕♛ Napatayo na ko sa kinauupuan ko sa tabi niya at agad inayos ang sarili ko, medyo kinabahan ako sa sinabi niya at ramdam kong totoo ang sinabi ni Amon tungkol kay Lev. "Syempre, tsk sige na nga bumalik ka na sa pag-eensayo mo at ako naman ay babalik na rin sa opisina ko," sagot ko sa kaniya at mabilis na umiwas sa kaniyang mga tingin na ngayon ay sinusundan bawat galaw ko. Na saan na 'yung lakas ng loob na pinapakita ko sa kaniya kanina? Ang lakas ng loob kong asarin siya tapos ako rin itong uurong sa kaniya. "Mabuti pa nga, sige mauna na ko sa 'yo Camilla," sagot niya at tumango naman ako saka ako nakahinga nang maluwag at kinalma ang sarili ko. Mukhang magiging magulo ang Leonheart estate dahil sa mga sirektong na tutuklasan ko sa mga lumilipas na araw ng pagbalik

