kabanata 1
Kabanata 1
Katrina pov
“Punyeta!”
Gigil na sigaw ko habang mabilis kong kinasa ang baril sa kamay.
Sunod-sunod ang putok ng mga kalaban, parang walang katapusang ulan ng bala na bumubutas sa mga dingding sa paligid ko. Muntik na akong tamaan kung hindi agad ako nakapagtago sa likod ng makapal na pader ng abandonadong warehouse.
“Kailan ba mauubos ang mga hayop na ’to?!” galit kong sambit, ramdam ko ang init ng galit sa bawat pintig ng puso ko.
Imbes na sagot, isang malutong na halakhak ang narinig ko sa earpiece na nakakabit sa tainga ko.
Boses ni Lily iyon.
“Anong nakakatawa?” gigil kong sabi habang nagpapaputok pa rin sa direksyon ng mga kalaban.
“Wala lang naman,” sagot niya, halatang pigil ang tawa. “My friend, muntik ka na lang maging kwento sa balita!”
Napangiwi ako. “Ah, ganon? Humanda ka sa akin mamaya,” banta ko habang muling sumilip at pinaputukan ang isang armadong lalaki na papalapit sa posisyon ko.
Nasa gitna kami ng isang high-risk mission—isang rescue operation na matagal nang pinaghandaan ng organisasyon. Tinulungan namin si Butterfly, ang team leader namin at isa sa pinakamataas na opisyal ng grupong kinabibilangan ko.
At hindi lang basta mission ito.
Pamilya niya ang bihag.
“Hoy, kayo dalawa, mag-focus nga kayo!” galit na turan ni Lotus sa comms. Ang boses niya ay malamig, pero may bahid ng tensyon.
Si Lotus ang sniper namin—kasing galing ni Lily. Sa isang putok lang ng baril niya, kaya niyang patumbahin ang target kahit pa nasa kabilang gusali. Isa siya sa mga pinaka-maaasahan namin sa field.
“Copy,” sagot ko, saka muling sumandal sa pader habang nagpapalit ng magazine.
Sa kabilang bahagi ng warehouse, nakita ko si Butterfly. Nakasuot siya ng itim na tactical gear, ang mga mata’y malamig at matalim habang nag-iisyu ng utos sa buong team. Hindi mo aakalaing ang babaeng iyon—na kilala sa pagiging walang emosyon at walang awa—ay ngayon ay desperadong iligtas ang sariling pamilya.
“Team Alpha, secure the west entrance. Team Bravo, cover the hostages. No one touches them,” mariing utos ni Butterfly.
“Roger,” sabay-sabay naming sagot.
Sumilip ako sa b****a ng hallway. Sa dulo nito, may mga kalabang armado, may ilan pang nakapwesto sa itaas na parang naghihintay ng tamang pagkakataon. Ramdam ko ang pawis sa noo ko habang mahigpit kong hawak ang baril.
“Lily, cover me,” bulong ko sa mic.
“On it,” sagot niya.
Ilang segundo lang ang lumipas nang marinig ko ang tunog ng sniper rifle niya. Isang putok. Isang kalaban ang bumagsak.
Sinamantala ko ang pagkakataon at tumakbo papunta sa susunod na pader, dumapa sa sahig, saka muling nagpaputok.
“Tatlo ang neutralized,” ulat ni Lotus. “Pero may paparating pang backup sa north side.”
“Don’t let them breach the hostages’ area,” utos ni Butterfly. “They’re using my family as leverage. Hindi ako papayag.”
Sa loob-loob ko, bihira ko siyang marinig magsalita ng ganoon. Karaniwan, tahimik lang siya, walang pakialam sa emosyon. Pero ngayon, kitang-kita ang galit at takot sa boses niya.
“May nakita akong babae at dalawang bata sa second floor,” bulong ni Lily sa comms. “Mukhang sila ang hostages.”
“Copy. Team Delta, move,” agad na utos ni Butterfly.
Napatingin ako sa hagdanan. Kailangan naming makarating sa itaas bago pa gamitin ng mga kalaban ang pamilya niya bilang human shield.
“Sumunod ka sa akin,” sabi ko kay Lotus habang mabilis kaming umakyat sa hagdan, hawak ang mga baril namin nang mahigpit.
Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad. Hindi lang ito basta mission. Buhay ng inosenteng pamilya ang nakataya.
Pagdating namin sa ikalawang palapag, nakita namin ang isang lalaki na nakatutok ang baril sa isang babaeng nanginginig sa takot. Sa tabi niya, dalawang batang lalaki ang yakap-yakap ang isa’t isa.
“Drop your weapon!” sigaw ko.
Napalingon ang lalaki, pero bago pa siya makagalaw, isang mabilis na putok ang umalingawngaw. Bumagsak siya sa sahig.
“Clear,” sabi ni Lotus.
Lumapit ako sa babae. “Safe na po kayo. Nandito na kami.”
Sa likod ko, dumating si Butterfly. Hindi siya nagsalita, pero nakita ko kung paano siya napahinto nang makita ang pamilya niya. Ang malamig niyang mga mata ay tila bahagyang lumambot.
Katrina POV
Matingkad ang ilaw na tumama sa mukha ko habang dahan-dahan akong naglalakad sa runway. Ramdam ko ang bawat hakbang, ang bawat tingin ng mga tao, ang bawat klik ng kamera. Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena—mga palakpak, bulungan, at paghanga.
Ngumiti ako nang bahagya, gaya ng itinuro ng manager ko. Hindi masyadong malaki, hindi rin masyadong malamig—sakto lang para magmukhang elegante at misteryosa.
Pagdating ko sa dulo ng runway, huminto ako sandali, nag-pose, saka muling tumalikod. Sa likod ng mga ilaw at tela, doon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan ko.
Pagkatapos ng ilang oras, nasa dressing room na ako. Tahimik na ang paligid, tanging tunog ng electric fan at mahinang usapan ng staff ang maririnig. Nakaupo ako sa harap ng salamin habang dahan-dahang tinatanggal ang make-up sa mukha ko.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.
Mama.
Napakunot-noo ako bago sinagot ang tawag.
“Katrina Alondra Cruz!” madiing sambit niya sa kabilang linya.
Napairap ako. “Ma, wala man lang hello? Pangalan ko agad?”
“Huwag mo akong ginaganyan,” sagot niya, halatang iritado. “Bata ka pa para sumagot nang ganyan sa akin.”
Napabuntong-hininga ako habang pinupunasan ang labi ko.
“Bakit ba kayo tumatawag? Nasa trabaho pa ako.”
“Kailan ka uuwi?” diretso niyang tanong.
“Halos pitong taon ka nang hindi nagpapakita sa amin ng papa mo. Para bang wala ka nang pamilya.”
Natigil ang kamay ko sa pagpunas ng pisngi.
Totoo. Pitong taon na akong hindi nagpapakita sa kanila. Hindi sa ayaw ko silang makita, pero may dahilan ako. At mas mabuti nang hindi nila ako makita, dahil tingin lang naman nila sa akin—lalo na ng papa ko—ay ang black sheep ng pamilya.
Noong high school ako, puro gulo at kalokohan ang ginagawa ko. Pasaway, bulakbol—iyan ang madaling salita. May dalawa akong kuya, kambal sila, at ako ang bunso. Pero kung sino pa raw ang babae, siya pa ang pinaka-matigas ang ulo. Palagi akong laman ng guidance office.
Lalo pang nagalit ang papa ko nang mapahamak ang isa kong kuya dahil sa akin. Doon niya ako unang napagbuhatan ng kamay. At isa pa…
Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang nakaraan sa isip ko.
“Ma, alam n’yo naman trabaho ko. Hindi gano’n kadaling magbakasyon,” sagot ko, pilit na kalmado.
“Trabaho, trabaho, trabaho,” iritadong ulit niya. “Iyan na lang palagi ang dahilan mo. Paano naman ang pamilya mo? Paano naman ang lolo mo?”
Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan.
“Sa susunod na linggo ang ika-75 kaarawan ng lolo mo,” dagdag niya.
“At gusto namin na narito ka sa mismong araw na iyon.”
Napapikit ako sandali. Alam ko kung gaano kahalaga ang kaarawan na iyon. Kilala sa buong Padre Burgos ang lolo ko si Don Alejandro Cruz, dating gobernador, minahal ng mga tao dahil sa kabaitan at tulong niya sa bayan. Hanggang ngayon, respetado pa rin ang apelyido namin.
“Ma, may schedule pa ako sa abroad—”
“Wala akong pakialam,” putol niya.
“Mas mahalaga ang lolo mo kaysa sa mga runway at photoshoot mo.”
Tumahimik ako.
“Makinig ka, Katrina,” seryoso niyang dagdag.
“Kapag hindi ka umuwi sa birthday ng lolo mo, huwag ka nang magpakita kahit kailan. Kalimutan mo na rin na may pamilya ka.”
Parang may kumurot sa dibdib ko.
“Ma…”
“Hindi ito biro,” sabi niya, mas mahina ang boses.
“Gusto ka lang makita ng lolo mo. Iyon lang.”
Binaba niya ang tawag bago pa ako makasagot.
Matagal akong nakatitig sa sarili ko sa salamin.
"Ito na ba ang panahon? upang bumalik?" Ani ko sa aking isipan.