*ASHLEY* “Anak, sapat na ba ang pahinga mo para sumabak ulit sa trabaho?” nag-aalalang tanong sa akin ni Mama ng bigla siyang pumasok dito sa aking kuwarto na inuukupa. Katatapos ko lang kasi maligo at nag-ayos na ako ng aking mga gamit na dadalhin pabalik sa Maynila. May isang linggo din akong namalagi dito za Zambales at sa para sa akin ay bitin na bitin talaga ang isang linggo kaso kailangan ko na ulit ng trabaho kaya kahit ayaw man nila ay mapipilitan talaga ako na umalis. “Sapat na po 'yon, Ma. Nakakahiya naman kina Tiya kung magtatagal pa ako dito. Ilan din kayong pinapakain niya at kahit hindi 'yon nagsasabi ay nararamdaman kong nagigipit din sila.” paliwanag ko kay Mama na ngayon ay maluha-luha na. Para pagaanin ang nararamdaman niya dinaluhan ko siya at niyakap ng mahigpit. Al

