*ASHLEY* When the opportunity presents itself don't hesitate to grab it dahil minsan lang sumilay sa atin ang opurtunidad. Hindi ko inaasahan na tatawag ulit sa akin si Kai. Ang iniisip ko pa ay baka may ipapagawa na naman siya edi kako another hanap-buhay na naman pero mas higit pa pala sa iniisip ko ang iaalok niya. Alam ni Kai na nag resign na ako sa dati kong trabaho at never ko pa naiikuwento sa kanya kung sino ba talaga ang dati kong Boss. May balak naman ako na ishare sa kanya pero sa ngayon hindi ko pa naiisipan na gawin 'yon. May mga responsibilidad ako na dapat unahin at iyon ay ang mga pangangailangan ng aking mga anak at Ina. “Grabe naman talaga nakakahiya na kaya sa'yo.” Nahihiya kong sabi habang sumasampa sa kotse ni Kai nang bigla siyang tumawag sa akin na nasa labas na

