*ASHLEY* Kinabukasan hindi parin umaayos ang panahon. Malakas parin ang pag-ulan dulot ng bagyo kung kaya isang araw na kaming nandito lang sa Mansion at hindi man lang makapunta sa lugar kung saan dapat bibisitahin namin para sa ongoing project. Alas siete na ng umaga at nakaligo narin ako. Hindi ko din alam kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi dahil sa mga isiping sumasampa sa aking isipan. Yoong cellphone ko kung nakakapagsalita lang ito panigurado ay kanina pa ako nito na sermonan dahil maya't-maya ko siyang hinahawakan para tignan kung nag reply ba si Kai sa chat ko but I was devastated dahil hindi man lang lumalabas ang delivered para kumpirmahin na.. na recieved niya ang chat ko. Andito pa ako sa aking kuwarto at tila nag dalawang-isip pa kung lalabas ako. Para kasing ay

