*ASHLEY* “Bakit ba kasi nagpapakalasing ka eh hindi mo naman pala kaya! Stk!” mariing sermon ko sa kanya habang inaakay siyang paakyat sa itaas para dalhin sa kanyang kuwarto. Ang akala niya yata hindi ako nahihirapan sa pag akay sa kanya! Napapatiltik na lamang ako ng ungot lamang ang sinagot niya sa akin ng tuluyan ko na siyang maibaba sa kanyang kama. “Wife, come here..” saad niya ulit at talagang inulit pa ang pag tawag sa akin ng wife! Mukha ba akong si Gwe?! “Hindi ako ang asawa mo para tawagin ako ng ganyan!” iritado kong asik sa kanya habang inaayos ang kanyang pagkakahiga. Mas lalo akong nayamot ng makita ko siyang pilyong ngumisi bilang sagot sa aking sinabi! “Lasing talaga siya.” mahina kong sabi ng tuluyan nang mai-ayos ang kanyang puwesto. Habang tinitignan ko siyang

