Chapter 13

2378 Words
Now playing: Glad you exist by Dan+Shay Raven  "Thanks, Rav. I owe you one." Pagpapasalamat ni Axel mula sa kabilang linya.  "Do you think she will like it? Magaganda naman 'yung flowers, hindi ba?" I couldn't help but smile. Ito kasi ang kauna-unahang bumili si Axel ng bulaklak para sa isang babae.  Napayuko ako para tignan ang ipinabibigay nitong bouquet para kay Alice. "Hmmm...not bad." Sagot ko.  "Really?" Halatang kinakabahan ito. Napatango ako kahit na hindi naman nito nakikita.  "Yes." Tipid na sagot ko dahil sa totoo lang, nasasaktan na ako.  Ang tanga lang diba? Gusto ko 'yung babaeng gusto rin ng kaibigan ko. Oo, pero wala akong magawa kung hindi ang magpaubaya. Sa ngayon. At suportahan si Axel dahil simula noong mga bata pa lamang kami, ngayon ko lamang nakita na kuminang ng ganito ang mga mata niya.  "Ikaw ng bahala ha? Ipahahanda ko na rin ang magiging dinner namin para ngayong gabi." Excited na paalala nito sa akin kung saan, sa aming restaurant pa niya napiling dalahin si Alice.  Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na ako ng kotse at agad na dumiretso sa aming classroom. Habang naglalakad, hindi ko mapigilan ang mapangisi dahil sa mga lalaki at babae na aking nakakasalubong na panay ang pagpapacute sa akin.  Iyong ilan naman ay himpit ang mga tili na pinapakawalan habang napapatitig sa hawak ko.  Nakita kong nasa entrance ng classroom nakatayo ang dalawang magkaibigan na sina Breeze at Adriana. Agad na sinalubong nila ako noong mapalingon ito sa direksyon ko, atsaka awtomatikong tinignan ang card na nasa bulaklak. Hindi man lamang nila ako binati ng good morning. Tss!  "Told you, mahina yang manok mo." Komento ni Breeze bago nasulyap kay Adriana na ngayon ay iiling-iling na nakatingin sa akin.  "Relax guys, it's just a flowers." Bago ko sila binigyan ng pekeng ngiti.  "Kaibigan," Sabay akbay ni Adriana sa akin. "mukhang kailangan mo ng matinding payo mula sa amin--"  "I don't need your advice, I know what exactly I'm doing." Putol ko kay Adriana at muling nagpatuloy sa paghakbang upang tuluyan ng makapasok sa loob.  Hindi nakaligtas sa akin ang gulat na itsura ng aming mga kaklase nang makita ang aking hawak. Tss! Mga patay gutom ba sila sa bulaklak?  "And what do you think you're doing? Ang ipaubaya ang babaeng gusto mo sa iba?" Wikang muli ni Adriana.  "Hindi iba si Axel. He's my best friend." Pagdadahilan ko.  "Exactly, he's your best friend. You know the rule in love, walang kaibi-kaibigan kung gusto mong mapasayo ang taong gusto mo." Natigilan ako kasabay noon ang pagbuga ng hangin sa ere.  "Adriana, I didn't know there was such a rule when it comes to love, because honestly, I have never been in love." Sinasabi ko iyon habang naka tingin sa mga mata niya.  "Look, I am doing this, only for my best friend. Because he likes Alice. But I have my own way to win her heart so...relax, okay? I won't let her end up with someone else."  "That's good to hear." Rinig kong wika ni Billy na kapapasok lamang din ng classroom. "Pero wag masyadong pagong, pakibilisan dahil naiinip kami." Hindi ko napigilan ang mapatawa sa sinabi nito kaya pabiro ko siyang sinuntok sa sikmura.  Maya-maya lamang ay mas nadagdagan pa ang mga estudyanteng nakiki tsismis sa labas ng aming classroom. Noon ko rin narinig mula sa kanila na paparating na si Alice.  "OMG!" Gulat na bulalas ni Lila. Hindi ko napansin na hindi pa pala niya kasama ang kanyang mga kaibigan. At halatang nagmadali para lamang makaabot sa eksena.  "P-Para kay Alice ba yan?" Atsaka ito napatakip ng kanyang bibig. Kinikilig.  Napangiti lamang ako sa kanya. "What do you think?" "Yiieee. Good luck!" Sabay sundot pa nito sa tagiliran ko at patakbong tumakbo na sa tabi ni Breeze.  Tss! Those love birds. Iiling-iling na komento ko sa aking isipan.  Sakto naman paglingon kong muli sa entrance ay nandoon na si Alice. Her face was shocked as she looked at my face, before her gaze dropped to what I was holding. Damn! I suddenly felt nervous again now that she was in front of me. She was still beautiful even though the black circles under her eyes were obvious. Halatang wala itong maayos na tulog sa magdamag.  I automatically stared at her face, as if she was using spell magic on me, lalo na kapag ganitong sa akin lamang nakatutok ang mga mata niya.  "Hey." Pagbati ko noong tuluyan na itong makapasok sa loob. Hindi ko rin mapigilan ang mapa ngisi dahil sa pamumula ng mga pisngi niya.  "H-Hi." Sabay taas pa nito ng kanyang kamay atsaka pa simpleng inayos ang kanyang buhok. Hindi ko mapigilan ang mapalunok ako. Ang ganda lang!  I looked at her from head to toe. It was as if I was looking at her wholeness as I bit my lip. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo at pati na rin ang pag tulis ng kanyang nguso, sinyales na naiinis na ito.  "What? Can't help it. You always look nice and sexy in your uniform." Pagdadahilan ko bago ito tinignan ng nakakaloko. Totoo naman ah, kung pwede lang nga na pagbawalan siyang mag uniform, ginawa ko na. At kung may karapatan lang akong pagbawalan siya.  Naiinis kasi ako sa tuwing may ibang mga mata na tumitingin sa kanya. Lalo na sa katawan niya. Ang sarap lang gawing pearl ng Milktea 'yung nga mata nila.  Hindi tuloy nito mapigilan ang mapatirik ng kanyang mga mata. The fck! Why did she do that in front of me? Is she turning me on? Bago pa man ako mag-isip ng ibang bagay ay nagsalita na akong muli.  "Ugh! Don't do that again. That's so hot!" May halong pagbabanta na sabi ko sa kanya at akmang tatadyakan pa sana ako noong mabilis akong napaatras.  "Sasaktan mo talaga ako? In front of them?"  Napahinga ito ng malalim at lalampasan na lamang sana ako nang bigla kong inabot sa kanya ang aking hawak na bouquet.  "For you." Nahihiya pa na sambit ko.  Hindi pa nakukuha ni Alice mula sa akin ang aking hawak nang maging maingay ang paligid. Inis na napapikit ako ng aking mga mata.  Those ignorance!  "T-Thanks." Malawak ang ngiti na pagpapasalamat nito bago tuluyang kinuha ang aking hawak.  And for some reason, I just stared at her face again. Why are her smiles always beautiful?  At nakakainis lang dahil hindi ko magawang ipagdamot iyon sa iba.   "I'm glad you look happy." Komento kong muli sa mahinang boses. Hindi parin inaalis ang mga mata sa kanya.  I felt a familiar pain and jealousy when I remembered that those flowers did not come from me. Agad na napatango ito at kasunod noon ang muling pag ngiti. "Oo, naman--"  "And hopefully, those flowers really came from me." Mapaklang putol ko sa kanya. Kusang na tigilan siya sa narinig. Kasabay noon ang pagtunog ng bell, ibig sabihin lamang ay magsisimula na ang klase.  Dismayadong napapikit ako sa aking sarili at tuluyang pumihit na patungo sa aking upuan.  Raven, let's survive this day. Okay? You are already torturing yourself. I said to myself.  Alice Kanina pa ako naghihintay kay Raven, pero hanggang ngayon ay hindi parin ito dumarating. Ano kayang nangyari at bakit kahit text messages ko eh hindi nito nirereply?  Ah, alam ko na. Dahil ba ito sa sinabi ni Stacey kahapon? Tanong ko sa aking sarili noong mapagtanto ang dahilan.  Napapailing na lamang ako bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang assignment. Baka si Stacey na ang bago nitong tutor kaya ganoon. Well, mabuti na rin iyon ng hindi na ako masyadong namomroblema sa magiging grades niya.  Kaya lang kasi...hays! Hindi na naman ako makapag concentrate eh! Bakit hinahanap ko ngayon ang presensya ni Raven? Bakit tinatangangay ng hangin ang aking isipan patungo sa kanya? Bakit?  "Masyado ka namang seryoso."  "Ay palaka!" Gulat na bulalas ko at halos mapatalon pa sa upuan noong may biglang magsalita mula sa aking harapan.  Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko napansin na dumating na pala ang babae na kanina ko pa hinihintay.  Tinignan ko ito ng masama bago inayos ang sariling pag upo. Agad naman na napa ngisi ito bago naupo sa aking harapan.  "K-Kanina ka pa ba?" Tanong ko nang hindi makatingin sa mga mata niya.  "Nope." Tipid na sagot niya. "Bakit? Hinihintay mo ba ako?"  "Hindi." Pagtatanggi ko.  "Eh anong iniisip mo?" This time hindi ko na napigilan ang hindi mapatingin sa kanyang mukha. Pagkatapos ay napakurap ito ng maraming beses sa aking harapan.  "Alam mo ikaw, may something ka eh." Wika ko habang dinuduro siya. "Bakit ang feeling close mo ngayon? Close ba tayo? Huh?" Dagdag ko pa habang nangingiti na rin. "Hindi porke't may iniisip ako eh ikaw na yun."  Napatawa ito ng malutong dahilan upang makaagaw kami ng atensyon mula sa ibang estudyanteng nandito rin sa loob ng library.  Sandali akong natahimik pagkakuwan nang muli itong magsalita.  "Axel said, you didn't go to the dinner he prepared for you last night. Did something happen? Pwede bang malaman kung bakit?" Biglang pag-iiba nito ng topic.  Mabilis na napayuko ako at kunwaring ibinalik ang mga mata sa libro na aking hawak.  "Uhmm...b-bigla kasing sumama ang pakiramdam ko." Sinungaling.  Ang totoo niyan eh, gusto ko lang talagang iwasan si Axel. Ayoko na kasi itong bigyan pa ng motibo, ayaw ko na siyang bigyan ng dahilan pa para gustuhin ako dahil alam ko sa sarili kong hindi ko maibabalik iyon sa kanya gaya ng inaasahan niyang gawin ko. "Alam mo bang gustong-gusto ka ng kaibigan ko?" Biglang sumeryoso ang tono ng boses nito.  Napatawa ako. "Raven, pumunta ka ba talaga rito tungkol dyan--"  "Ganyan ka ba talaga?" Putol nito sa akin dahilan upang awtomatikong mapakunot ang noo ko. "Iiwas ka sa isang tao kapag alam mong may nararamdaman na siya sayo? Kapag alam mong nagugustuhan kana niya?"  "Excuse me?"  "Nevermind." Biglang sambit nito bago napahinga ng malalim. "I'm sorry...I-I didn't mean to say that." Dagdag naman niya bago napayuko.  Mataman na tinignan ko lamang ito sa kanyang mukha, bago ako napatayo pagkatapos ng ilang segundo.  "Where are you going?" Tanong nito.  "Kukuha ng kakailanganin nating libro." Padabog na sambit ko bago ito tuluyang tinalikuran na.  Tama si Raven. Umiiwas ako ngayon kay Axel dahil alam kong may nararamdaman na ito para sa akin. Pero mali siya sa inaakala niyang umiiwas ako palagi sa mga taong may nararamdaman para sa akin dahil kay Axel ko pa lamang iyon ginawa.  Oo, nangyaring iniwasan ko rin siya nitong mga nakaraang linggo pero iyon ay dahil ako ang nagkakagusto na sa kanya. Ayokong malito lalo sa nararamdaman ko at mas lalong lumalim iyon, dahil ayaw kong bigla na lamang akong mahuhulog ng wala namang sasalo sa akin.  Nakarating ako hanggang sa dulo ng library kung saan nalakagay ang mga lumang libro. Wala ng masyadong tao ang napapadpad rito.  "Alice." Rinig kong pagbanggit ni Raven sa pangalan ko. Hindi ko napansin na nasa likuran ko lamang pala siya.  Hindi ko siya sinagot, sa halip ay nagpatuloy lamang sa paghanap sa libro na kailangan kong makita. At noong makuha ko na iyon ay muling nagsalita si Raven.  "Pwede bang maging girlfriend nalang kita?" Awtomatiko akong natigilan sa sinabi nito at tila ba nabingi sa narinig.  Oh God! Kusa na lamang ding bumilis ang pagtibok ng aking puso. Para itong tangbol na pinupukpok ng paulit-ulit.  Ngunit pinilit ko na maging kalmado sa harap niya at nag kunwari na wala lamang sa akin ang kanyang narinig. Alam ko naman na isa lang ito sa mga lines niya para sa mga babae niya. At hindi ko akalain na gagamitin niya 'yun para sa akin.  "H-Huh? Marami pa akong pangarap ano?" Wala sa sariling sabi ko. Pero mabuti nalang dahil iyon ang lumabas sa labi ko.  Napalunok ito na animo'y nag-iisip, atsaka marahan na napadila sa ibabang parte ng kanyang labi. Hindi ko mapigilan ang mapasulyap roon.  "Edi, isama mo ako sa mga pangarap mo." Sabay taas baba ng kilay nito. "Pangako, hindi kita pahihirapang abutin ako." Napatawa ako sa sinabi niyang iyon. Bakit ako tumatawa? Ewan ko rin, natuwa lang ako bigla nang marinig iyon.  "Seryoso, gusto ko sabay tayong mangangarap." Sinasabi niya iyon nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.  At doon pa lamang, alam kong nagsasabi nga siya ng totoo.  Ngunit ako ang unang nagbawi ng aking mga mata bago napatingin sa ibang direksyon. Hindi ko rin mapigilan ang mapailing habang nangingiti.  "Ilang girlfriend pa ba ang kailangan mo at gusto mo pa akong isama sa mga collection mo?" Tanong ko. "Pfft. What are you talking about? Of course isa lang. And I'll be loyal and faithful kung ikaw yun."  "Talaga lang ha?" Hindi makapaniwala na sambit ko. "Ha. Ha. Ha." Kunwari na natatawa na dagdag ko pa.  "Baka masabunutan pa ako ng girlfriend mo, kaya tumigil kana dyan. Pwede ba? Hindi mo ako mabobola."  "But I don't have one." Pagtatanggi niya. "At sinong may sabing binobola kita?" Napabuga ako ng hangin sa ere.  "Raven, wag ka ng magkaila. At huwag mo na ring ideny si Stacey, okay?"  "But she's not my girlfriend."  Napalunok akong muli habang mataman na tinititigan siya sa kanyang mga mata.  "Sinungaling."  Pagkatapos ay basta ko na lamang itong tinalikuran.  "Hey, I'm telling the truth." Ngunit mabilis niya rin akong na corner at agad na isinandal sa pader.  Hindi ko mapigilan ang mapa singhap noong maramdaman ang malamig na pader mula sa aking likod.  Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib dahil sa kaba. Nagwawala ang aking damdamin gayong ganito lamang kalapit ang aming mukha sa isa't isa. Jusko! Amoy na amoy ko ang kanyang pamilyar na perfume at pati na rin ang nakakaadik niyang hininga. s**t! "F-Fine. Fine! Let's start our discussion---" Bigla akong natigilan at hindi na makagalaw pa sa aking kinatatayuan noong bigla na lamang may kung anong lumapat na malambot na bagay sa aking labi. Ilang segundo lamang ang itinagal 'non, huli na ng marealize kong....nakuha na niya ang first kiss ko! "Raven!" Sabay hampas ko ng malakas sa kanyang braso.  "Baliw ka ba?! Bakit mo ginawa 'yun? Paano kung may--" Ngunit muli niya na naman akong pinatahimik gamit parin ang kanyang labi. This time, hindi na niya muling pinakawalan pa ang aking labi hanggang sa tuluyan na akong bumigay. Hanggang sa wala na akong lakas pa para mag protesta. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD