Now playing: Beginning, Middle, End
Raven
I could clearly see from Alice's eyes the nervousness she had been feeling since this morning. Well, I can't blame her. This is the first time she will be involved in this kind of issue.
I simply glanced at her, which I didn't know she was also looking at me.
I gave her an assuring smile, na agad niya ring ginantihan.
Gusto kong maramdaman niya na walang masama sa ginawa namin, no matter what Ms. Reyes saw. We just kissed and that's it.
Kasalukuyang nasa klase na kami ngayon ni Ms. Reyes, kaya naiintindihan ko kung mas lalong nagiging balisa ngayon si Alice. Pansin ko kasi na kanina pa rin napapasulyap si Ms. Reyes sa amin.
I knew that sooner or later she will announce about what happened and she saw from CCTV.
"Hey!" Bulong ko sa kanya. Hindi lumingon sa akin si Alice pero alam kong bukas ang mga tenga nito upang makinig sa akin. Pa simple naman na hinawakan ko ang kamay nito atsaka marahan iyong piniga.
"Relax, don't worry. I'm just here." Sabi ko at muling binitiwan na ang kamay nito dahil baka may ibang makakita at maging issue pa sa kanila.
Agad na napatango ito at napalunok. "I know. Thanks!" Pagpapasalamat niya habang nasa unahan parin ang mga mata at kunwaring nakikinig sa mga pinagsasabi ni Ms. Reyes.
"And lastly class," Bigla akong nag baling ng tingin sa unahan. May pakiramdam kasi ako na ito na ang susunod sasabihin ni Ms. Reyes.
"I just want to remind you that I will not tolerate the PDA here inside the school. Do we understand each other?" I can feel the redness all over my face because of what she said. I know I'm used to this kind of issue, but this time, I'm with Alice. So I couldn't help but feel embarrassed in myself.
Agad naman na naging maingay ang klase dahil sa mga tawanan at bulungan ng lahat. Ramdam ko rin ang pagsulyap ni Ms. Reyes sa amin ni Alice, especially now, na magkatabi lamang kami.
Napasulyap akong muli kay Alice na ngayon ay nakayuko na dahil sa hindi na alam ang gagawin. Alam kong mas lalo na siyang kinakabahan sa mga sandaling ito. Napahinga ako ng malalim.
This is all my fault but I will not sorry.
"Because the last time I checked, two of my students I caught on CCTV kissing." Pagpapatuloy ni Ms. Reyes. The whole class gasped because of what she said.
"You know it's against our rules. Right?" Napatango ang lahat habang naririnig ko naman sina Billy mula sa aking likuran na nagtatawanan. Nagtataka rin sila kung sino ba iyong mga studente na iyon.
"Class, if you are in love, that's fine. And it's really okay. But please," Napangiti siya habang naiiling na tinitignan ang buong klase. "please, don't ever get caught especially if you are here inside the Campus. Okay?" Dagdag pa niya.
"That is my advice for you as your teacher because I also did that when I was still a student, like you." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan ang lahat, habang iyong iba naman ay napapahiyaw pa.
I couldn't help but smile to myself and take a deep breath, because she didn't mention who those two students were until our class is over.
-----
Pagkatapos na pagkatapos ng klase sa P.E ay agad na dumiretso ako sa teachers office kung nasaan si Ms. Reyes.
Pagtapat ko sa pintuan ay hindi na ako kumatok pa at basta na lamang binuksan iyon ng walang paalam at alinlangan.
"Jesus, Raven." Gulat na bulalas nito habang namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. "You scare the hell of me! What do you want?"
Pagkatapos ay tinalikuran ako at naupo itong muli sa kanyang silya.
Napangisi ako bago naupo sa silya na nasa harap ng kanyang lamesa.
"Why didn't you tell the class that it was Alice and me?" Atsaka ko ito binigyan ng isang nakakalokong tingin at ngiti.
Napatitig ito sandali sa aking mukha, iyong tila ba binabasa kung ano ang nasa aking isipan. Syempre, hindi ako nagpapatalo pagdating sa titigan kahit pa sabihing teacher ko siya.
"Gusto mo bang pag piyestahan kayo ng mga estudyante dito sa school? You know that such a violation of school rules is punishable." Pahayag niya. Napatango ako.
"Yeah, I know that." Pagkatapos ay pormal na tinignan siya mukha. "That's why I'm here, to thank you. And...to apologize." Dagdag ko pa.
"Oh, don't be Raven." Napakaway ito sa hangin. "In fact, I was being nice to you. I shouldn't have punished you like that, but I have to do that as your teacher. You almost killed your classmate yesterday. You know that?"
Muli ko na namang naalala iyong Derek na classmate namin.
"He started it." Matigas na sambit ko.
"I know. But please, Raven. Be more nice and behave to others. Okay?" Napatango ako. Marunong naman akong makinig, ano? Especially sa mga taong marunong rumesto ng privacy ng iba. Like, Ms. Reyes, of course.
"The Principal will take care of him. And also, I'm sorry if your parents didn't come earlier. Ikaw tuloy ang napag piyestahan ng parents ni Derek kanina kahit na kasalanan naman ng anak nila."
"I appreciate the concern, Ms. Reyes. But you know, my parents are always busy. I apologise." Malungkot na napayuko ako dahil ang ini-expect ko ay darating ang mga ito kanina, kahit na ayaw ko naman talaga. Pero...syempre, ano pa nga bang dapat na asahan ko mula sa kanila, diba?
Tinignan ako ni Ms. Reyes na parang naiintindihan nito ang nararamdaman ko kaya mabilis na iniba nito ang topic.
"And I know, you know the fact that...I'm gay too. I only saw myself in you when I was your age. You will learn a lot more Raven, trust me. I've been there." Muli akong napangiti.
I like her spirit. I want her to be my sister if possible.
"Yeah, thanks again Ms. Reyes." Pormal na pagpapasalamat ko.
"No worries. Please, no more PDAs inside of school." Pabulong na wika nito and this time, siya na naman ang naka ngiti ng nakakaloko.
"I won't forget." Sabay kindat na tugon ko naman bago napatayo nang muli sa upuan.
Palabas na sana ako nang muli itong magsalita.
"Did you confess your feelings to her?" Natigilan ako sandali at muling napalingon sa kanya. Noon ko lamang narealize na never ko pa nga palang nasabi kay Alice iyong totoong nararamdaman ko. Kasi I know for sure na para sa kanya, nagbibiro lamang ako palagi. Because she knows my past.
"Oh, I know that look. You need to hurry before it's too late." Dagdag pa niya.
"Want some tips?"
Mabilis akong napa iling.
"No. I think I can do it." Napatawa ito ng mahina. "Bye, Ms. Reyes." At pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas mula sa loob ng opisinang iyon.
Alice
Lumipas pa ang maraming mga araw, sa wakas ay naging maayos nang muli ang lahat. Kumalat man buong school ang nangyari, okay lang. Hindi naman nila nalaman kung sino ba ang dalawang estudyanteng iyon.
At sa mga araw na iyon, hindi ako iniwan ni Raven na mag-isa. Palagi siyang nariyan para samahan at damayan ako. Hindi nito pinaramdam sa akin na ipapahamak lamang niya ako at hahayaang mag-isa na i-deal ang issue.
Dahil doon ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Mas lalong lumalalim ang iyong pagtingin na meron ako para sa kanya. Mas nakikilala ko na siya. At oo, masaya ako ngayon dahil malaya na akong nasasabi at napapakita kay Raven ang tunay kong nadarama.
Hindi ko alam kung hanggang saan hahantong itong ginagawa ko. Hindi ko alam kung, parehas ba kami ng nararamdaman o ano, pero bahala na. Ang importante, masaya akong nandyan siya.
Kontento na akong nakikita ito araw-araw, nakakasama at nakakatabi sa klase. Kontento na akong nakilala ko siya at hinayaan siyang maging parte ng buhay ko.
Napahinga ako ng malalim habang nakatambay dito sa terrace ng aking boarding house. Inaalala ang mga memory na nakasama ko si Raven nitong mga nakaraang araw.
Natutuwa ako dahil nagiging mahusay na rin ito sa klase kahit na walang guide ko. Nakaka proud tignan ang mukha niya sa tuwing nakakakuha siya ng mataas na score sa mga assignments at quizzes.
Napatingala ako sa kalangitan, ang sarap lang tignan iyong mga nagkikilaspang bituin kapag ganito na alam mong masaya at punong-puno ka ng inspirasyon.
Isama mo na rin iyong maliwanag na sinag ng buwan at ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Pakiramdam ko isa akong character sa isang Vampire Movie at ano mang oras ay darating na ang magiging katambal ko.
Awtomatiko akong napayakap sa aking sarili nang muling umihip ang malamig na simoy ng hangin.
"After years of searching for the moon, I've finally found the one." Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Raven." Gulat na pagbanggit ko sa pangalan niya dahil hindi ko inaasahan na makikita siya ng ganitong oras. Agad na muling naging abnormal ang pagtibok ng puso ko.
"Nananaginip lang ba ako?" Pagkatapos ay napatawa ako ng mahina. Ngunit napailing siya.
"I can't sleep." Panimula nito bago napahinga ng malalim. "All I can think is about you." Napalunok ako.
"So I decided to come here, drive even late at night just to get to you. But I didn't expect na gising ka pa." Napatingin ito ng diretso sa mga mata ko.
"Why? Is it because you---"
"Yes." Putol ko sa kanya habang nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib dahil sa sobrang excitement na biglang naramdaman.
"Hindi ako makatulog dahil iniisip kita."
Napatango siya.
"You know...the feeling is mutual, Alice." Kusang napakunot ang aking noo dahil sa narinig, lalo na nang biglang humakbang ang mga paa nito papalapit sa akin.
"You have no idea what I really feel for you. And I feel like I'm going insane if I can't tell you." Dagdag pa niya habang humahakbang parin ng dahan-dahan.
"Yes, I like you, like...a lot. The moment I first saw you in that store, hindi lang magical at love at first sight ang naramdaman ko but, I feel like we belong together. I feel like, I was born to love you."
Sa mga sandaling ito, nasa harapan ko na siya. Isang hakbang na lamang ang pagitan naming dalawa.
Awtomatiko akong napatakip sa aking bibig noong marinig ang lahat ng ipinagtatapat niya. Hindi lang ako makapaniwala, na maririnig ko ang mga iyon galing sa kanya.
Ganito pala ang feeling kapag nagustuhan ka rin ng taong gusto mo. Para akong tinatangay ng hangin patungo sa kalawakan. Para bang milyon-milyong paru-paro ang nagsasaya sa loob ng aking sikmura sa mga sandaling ito.
"Please, say something." Pakiusap ni Raven. Nangungusap ang kanyang mga mata kaya mas lalong nanlulumo ang mga tuhod ko.
Hanggang sa tuluyan na akong napatawa ngunit lumuluha naman dahil sa saya.
"A-Anong sasabihin ko? I'm speechless, Raven." Pag amin ko. "H-Hindi ko inaasahan na maririnig sayo ang mga sinabi mo. At gusto ko lang malaman mo na...ang saya-saya ko. Ang saya-saya ko dahil gusto rin pala ako ng taong gusto ko."
Napangiti siya bago inabot ang aking pisngi atsaka marahan na pinunasan ang luha roon.
"Oh, darling. You don't have any idea." Wika niya. "Before you even realize you like me, gusto na kita."
Napalunok ako ng maraming beses.
"Now, I know, I didn't get to introduce myself properly. That's why, I will introduce myself again. Even if it's too cheesy."
Naguguluhan na napatitig ako sa mukha niya. Dahan-dahan naman na inilahad nito ang kanyang kanang kamay sa aking harapan.
"Hi!" Nakangiti na kunwaring pagbati niya. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng umaapaw na kilig.
Gosh! Ang lakas na yata masyado ng tama ko sa babaeng ito. Jusko!
"I'm Raven, Raven Delo Santos." Pagpapakilala niya.
Malawak naman ang ngiti na tinanggap ko ang kamay nito.
"And, you are?"
"Alice, Alice Saavedra." Kagat labi na pagpapakilala ko rin sa kanya.
"What a beautiful name." Komento niya in a flirty tone. "Do you think it fits my last name?" Pagkatapos ay hinalikan nito ang likod ng palad ko.
Napatawa lamang ako sa sinabi nito habang siya naman ay napapatitig sa akin. Nakikita ko ang saya sa mga mata ni Raven. Her eyes, they were like an ocean glowing under the sun.
Sinasabi na ng mga ito ang lahat ng nararamdaman niya at lahat ng gusto pa niyang nais sabihin sa akin.
Pagkatapos ay marahan na muling ini-angat nito ang kanyang kamay para haplusin ang aking pisngi.
Awtomatiko naman akong napapikit noong sandaling maglapat ang kanyang mainit na palad sa aking balat.
"You are so beautiful, Alice." Muling komento nito.
Hindi nagtagal ay basta ko na lamang naramdaman ang dahan-dahan na paglapat ng kanyang labi sa akin. Napasinghap ako lalo na nang mas idinikit nito ang kanyang katawan sa akin. Agad ko rin na ginantihan ang halik na ibinibigay nito at muling nagpadala sa sariling damdamin.