FUTURE 4

1074 Words
Skylar "No. " agad kong tanggi sa sinabi ni Maria na may pag iling pa bago ininom yung drinks ko, nasa labas kasi kami at kumakain ng lunch. Maria Villarreal, best friend ko at isang sales sa CA Savedra Company. For the nth time, pag mamay ari nanaman ng mga Savedra ang pinag tatrabuhan namin. Saan bang field ang walang Savedra? Kung may wala man e, sure akong madadagdagan pa iyon at magkakaroon. "Bakit naman? Naging kaibigan din natin siya ah. " pag pupush naman nito na ikina iling ko ulit. "May welcome party daw siya this coming Saturday. " "Hindi tayo invited. " agad kong sabi at sumubo, bakit ba gustong gusto niya makita si Caela? "Invited ako. " saka niya winagayway yung envelope na color pastel yellow. Hanggang ngayon pa din pala, she still loves yellow. "Ikaw lang. " "Awww, don't tampo Sky. Pwede akong mag invite sabi ni Mrs. Savedra and you will come with me together with Kevin. " tinaasan ko naman siya ng kilay na ikinatawa niya. "Invited din sina Kevin and Skyell dahil isang Savedra ang boss nila kaya no choice ka, at saka pinsan ng mga Savedra boss mo ah. " Ano baaa! Savedra dito, Savedra doon pwede ba, tama na. Puro Savedra naririnig ko e. "Oo na, oo na. As if may magagawa pa ko e no?" pag suko ko. "Yes! " – "Ate. " tumingin ako dito habang nag hahanda ng pang gabihan para pag ka uwi nina nanay at tatay ay kakain na lang kami. "Ano yun? " may linapag siya sa lamesa at sakto naman ang pagbaba ni kuya. Hinalo ko muna yung sinigang bago tinakpan at lumapit sa table para makita iyon. "Ano yan? " tanong ni kuya Slynn at lumapit din saamin. "Kanino galing yan? " namamanghang tanong ni kuya, kinuha ko ito at tinanggal sa pagkaka ribbon. "Bigay saakin ni Mrs. Savedra, personal nila binibigay yan. " binuksan ko na ito at binasa namin ni kuya. Formal attire, Savedra's Mansion, 6 PM on 15th of July. Yaan lang ang naka lagay at yung background picture ay isang babaeng naka talikod at naka white coat. Pastel yellow pa rin ang color nung card. "You are invited for the welcome party of Caela Avery Demonteverde–Savedra. " basa ni kuya Slynn at kinuha saakin yung card. Bigla siya napangiti at tumingin saamin. "We should come. " "Of course, inaasahan ako ni Mrs. Savedra. " sabi ni Skyell at nag thumbs up kay kuya, nag thumbs up din si kuya at napa tingin sila saakin. "Oo, tutal pupunta din sina Maria. " no choice kong sagot sa mga ito. To be honest, kinakabahan ako. Nag dadalwang isip ako kung pupunta ba ko, na duduwag ako oo. Aaminin ko yun, pano ko siya haharapin? Am i ready? "Kinakabahan ka? " napatawa naman ako sa tanong ni kuya, tumalikod ako at binuksan yung pinag lutuan ko ng sinigang. Fck yes kinakabahan ako. "No, bakit naman ako kakabahan? " "Palaban ang kapatid ko! Sabihan mo yung boyfriend mo na wag gagawa ng eksena ha? Masasapak ko siya. " napa iling na lang ako dahil hindi pa rin talaga siya boto kay Kevin para saakin. Si tatay, okay na okay siya. Sina nanay at Skyell naman ay haft haft. Kevin is a good man naman. – Caela "Ate? " lumapit ako sakanya at hinalkan siya sa pisngi, kumuha ako nung bottle water at naghanap ng yoghurt. "Ang aga mo ata magising. " binuksan ko yung yoghurt at sumubo nito. "Mag jojogging ako. " it's 5:30 in the morning, kumakain siya ng cereals at maya maya ay maghahanda na siya for school. "Are you excited for tomorrow? " naka ngiting tanong ng bunso namin, tumayo na ko at tinapon yung lagayan ng yoghurt. "Hmm sort of, you? " lumapit ako sakanya at yinakap siya, pinanggigilan ko siya saka hinalkan sa ulo na may tunog pa. "I am, idol kaya kita. " natawa naman ako sa sinabi niya na ikina iling ko. Nalaman niya kasi na puro ako line of 7 nung highschool ako and then puro lang ako saya at hindi nag aaral. Pero eto ako ngayon, isang doctor na. Tiyaga, dedikasyon at sipag lang talaga ang kailangan. "Ang sweet naman ng kapatid ko, sige na baka malate ka pa. " ginulo ko muna yung blonde niya ding hair bago lumabas para mag jogging. Tumatakbo na ko ng sinuot ko yung earphones ko para magpatugtog at hindi din ako mabored. Maya maya ay may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko na. "Hello? " "Hi Doctora. " bati niya saakin, ngumiti naman ako ng mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "Hi Ren. " "Pwede bumisita sa hospital mo? " tanong niya saakin na ikina iling ko pero naka ngiti, Engr. Ren Valdez. Nagkakilala kami sa America and in most unexpected way. Pinag bintangan niya ko na ako yung bumasag sa windshield niya and nakarating pa yun sa mga cops! "Sorry, wala pa kaming mental e. " pabiro kong sabi sakanya at tumawa. Naging mag kaibigan naman kami after nun, ako na din sumagot sa bayarin kahit hindi ako yung may gawa. Madalas din kami magkita kaya naging close kami and it happens na kilala niya sina ate Cassie at ate Tyra. "Masasapak kita pag nagkita tayo. " hindi ko na mapigilang mapa halakhal dahik napaka pikon niya talaga pag dating saakin, asar talo saakin. "Ganyan mo ba ako e welcome? " "Fyi Caela, na welcome na kita nung first day mo dito sa pilipinas. " inayos ko yung earphones ko dahil nalalaglag. "Oh well, thank you nga pala. " singit ko dahil siya pala ang engineer na kinuha ni ate Cassie para sa hospital, napaka swerte ko sakanila to be honest. So far, i feel loved and not betrayed. Hindi katulad dati. "I can accept that if you treat me to ramen. " "Okay fine, samahan mo din ako pumili ng susuotin para bukas. " sabi ko dito saka binagalan yung pagtakbo ko. "Okaaay, kala ko ba meron ka na? " takang tanong niya saakin. Napa ngisi naman ako saka lumiko. "You know, nakakamiss mag suway ng rule. " "Caela ah, party mo yun pero sige im in. " "Okay, bye dumbass. " hindi ko na hinintay yung sagot niya at pinatay ko na lang. Napa buntong hininga naman ako at sinimulang bilsan yung pagtakbo, napag desisyunan ko ding umuwi na para doon mag gym. ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD