FUTURE 5

1416 Words
Skylar Tinignan ko yung sarili ko sa salamin one last time bago bumaba, today is the day. I feel nervous, excited and everything. Hindi ako mapakali pero mas nanaig yung kaba, wala pa kami sa venue pero yung t***k ng puso ko ang bilis na. "My princess. " natutuwang bungad saakin ni tatay, napa ngiti naman ako at yinakap siya. Simple lang naman suot ko and naka braid lang, light make up. "And another princess of mine. " sabi ni tatay ng makababa na din si Skyell, sakto naman ang pag pasok din ni kuya Slynn at Kevin. Kahit hindi okay si kuya kay Kevin e pinapakisamahan niya pa din ito, minsan nga lang ay hindi na makatiis si kuya sa kayabangan daw nito. "Tara na, we're going to be late. Ayoko ma miss to. " halata naman sa mukha ni kuya at ni Skyell yung pag ka excite, saakin naman ay kaba at kay Kevin ay hindi ko alam but i know he's eager to see his 'enemy'. Nag paalam na kami sa magulang namin at pumasok sa kotse ni Kevin, napag desisyunan kasi na isa na lang sasakyan ang gamitin para sama sama. Nasa harapan kami ni Kevin habang sina kuya ay nasa likod, on the way sa venue ay hindi ko mapigilan na ma awkward. Ang tahimik kasi pero itong si Skyell naman ay madaldal, thanks to her dahil nababawasan kahit papaano. "We're here. " sabi ni Kevin, pagkababa ko ay hindi ko pa din mapigilang mamangha, kung malaki ito dati mas pinalaki ngayon yung mansion nila. Rinig din dito sa labas yung lakas ng music, hindi siya nakaka rindi at sakto lang para ganahan. "Tara. " umakbay saakin si Kevin papasok habang si Skyell naman ay kay kuya na naka hawak lang sa braso, kinuha ko yung phone ko para tawagan si Maria. Pagkapasok ay nakita namin yung mga tao na naka upo at may naka tayo na nag kekwentuhan, may mga dalang wine glass at sa table naman ay may mga utensils. Nagkalat din yung mga waiter. Yung mga tao dito ay hindi basta basta, naandito yung mga CEO's at mayayaman na tao. Pili lang ang mga naimbitahan saamin, manegers and sales katulad ni Maria. Si Skyell naman ay close kay Mrs. Savedra. "Sky! " Napatingin kami sa tumawag at kumaway ito, pumunta kami dun para doon na maki table tutal naandun din yung mga kaibigan namin in different field. "Hi Maria. " bati ni kuya dito, lihim naman kami napatawa ni Skyell dahil may gusto si Maria kay kuya. Kita din namin ang pag kamatis ng mukha nito. Pag ka upo namin ay hindi ko mapigilang pag masdan ang paligid, napaka lawak nito. Sa gitna ay may dalwang stairs at sa gitna ng dalwang stairs ay may mini stage and naandun yung host. Tumingin ako sa taas, hanggang 4th floor ang bahay. "CR lang ako. " paalam ko saka tumayo na, tumango lang sila dahil busy din sila sa pag kekwentuhan. Hindi na ko nag tanong kung saan dahil alam ko rin naman, hindi ko maiwasang maging malungkot dahil pagkatapak na pagkatapak ko ulit dito ay bumalik ang lahat. Bumalik ang lahat ng memories na kasama ko siya, yung masasayang araw, yung puro bangayan kami pero tatawa pa din at magiging masaya. "I told y- I'm sorry! " agad nitong sabi saakin ng mabunggo niya ako, imbis na sumimangot ay napa ngiti lang ako ng malapad ng makilala ko kung sino ito. May kasama siyang kasing tanda niya din at kasing ganda, kung siya blonde hair yung kasama naman niya ay brown hair. "I told you, mag ingat ka kasi. " pangangasar nung kasama niya at tumawa. Inirapan niya lang ito at tumingin saakin na nanghihingi ng sorry. I guess she don't remember me. "It's okay, Camila. " bahagya naman siya nagulat, gusto ko tuloy hampasin sarili ko. "Do you know me? " tanong niya. s**t, pano to. Bahagya naman ako napalunod at ngumiti. "O-of course. Isa kang Savedra. " pag dadahilan ko, s**t kumagat ka! Pabiro naman siyang napa roll eyes at tumawa. "I forgot, isa nga pala akong Savedra. To be fair, What's your name ate? " she's so cute! Hindi pa rin siya nagbabago, i guess 5 or 6 years old siya nung last kaming mag kita kaya hindi na niya ata ako makilala. "I'm Skylar. " "Nice to meet you ate Skylar, this is Summer my ugly cousin. " napa singhap naman yung kapatid ni Atty. Ashton at nag crossed arms, yes kilala ko siya napapadalaw kasi siya sa building ng ate niya. "How dare you? Magkamukha lang tayo. " "Whatever let's go, tawag na tayo ni ate Tyra. Nice to meet you ate Skylar, hope to see you again. " hinila na niya yung pinsan niya pataas ng stairs saka nag wave saakin, nag wave naman ako at ngumiti. I'm glad na hindi na siya gaano mahiyain. Ang laki na niya, katulad niya ate niya. Pumasok na ko sa CR at nag retouch, dapat e kakalma ko yung sarili ko dito pero i guess Camila and Summer help me in other way. Bumalik ako sa table namin at nakita sina Mrs. Savedra na kausap sina Skyell, kita ko naman na parang close na close si Skyell sa asawa ni Cassie. "Hello, attorney. We meet again. " masayang bati ni Mrs. Savedra saakin at yinakap ako, na shock ako dahil parang welcome na welcome ako. "Love, do you remember her? Siya yung tumulong saatin nung wala si Stormy. " makahulugang sabi ni Mrs. Savedra sa asawa niya, tumango naman yung kapatid no Caela at nakipag shake hands saakin. "It's nice to see you all here, enjoy the party. " tumango kaming lahat at nagpasalamat. Umalis na sila habang naka alalay si Cassie sa asawa niya. Kung titignan lang sila kita na yung pagmamahal at care nila sa isa't isa, bagay na bagay sila. Parehong makapangyarihan. "The power couple. " sabi ni kuya Slynn habang uminom nung wine, power couple ang tawag sakanila. Alam niyo na ibig sabihin kung bakit sila natawag nun. "Ladies and gentlemen, please lend me your attention first. " Si Mr. Savedra ang nag salita sa mic kaya lahat kami natigilan at nag focus sakanya, halata naman sa mga mukha nila ang pagka excited. Lalong lalo na kay kuya Slynn, close na close sila dati. Hindi na nakakagulat. "Thank you. " "Once again, thank you for coming today. Isa ito sa pinaka mahalagang araw saamin, ang ipakilala sainyo at ipagmalaki ang pangalwang anak namin. " "We all know that she is a brat, a happy go lucky person and a spoiled brat again. " natatawang sabi ni Mr. Savera na ikinatawa ng lahat. "but now, she's different. A new version of her. " "Please all welcome, our second daughter. Caela Avery Demonteverde-Savedra, MD, Rph. " Lahat nag palakpakan, pagkasabi ng pangalan niya pero mas lalo iyon pinalakas at nag tayuan na ang mga tao ng makita siya sa taas ng stairs. Halata sa mga mata nila ang paghanga sa aking kagandahan nito. She's wearing a white fitted dress na maikli, naka lugay yung blonde niyang buhok. Simple lang yung suot niya pero napaka lakas ng dating, she slayed it. Kahit ngayon pa din pala, mas gusto niya ang simple. Pumunta siya left na stairs at doon dahan dahan bumaba, kahit sa pag baba niya ay may poise at may dating. Tinignan ko si Kevin na naka nganga, si kuya Slynn na halatang proud na proud habang napalakpak pa din, si Skyell na ganun din pati na din si Maria. Sa huli ng stairs ay may naka abang na lalake, nagyakapan sila at inalalayan niya ito papuntang harapan. He's kinda familiar, i think siya yung engineer na kasama namin nung pinakita ko yung lupa na pag tatayuan ng hospital. "Once again, thank you for coming here to welcome me. It's hard to believe that i am a doctor now, the brat-" tumingin siya sa mga magulang niya at kapatid bago tumawa. "-Yung sakit sa ulo, the black sheep of the family is a successful doctor now and owner of hospital-" Sa laking gulat ko ay nagtama yung mata namin, akala ko magugulat siya o ano pero ako yung nagulat. I see no emotions, napaka plain. Ngumiti ba siya or ngumisi? Hindi ko na iyon pinansin pero para akong sinaksak dahil sa mga titig nito na parang wala lang. I guess she really moved on, i am happy for her. "Enjoy the party. " --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD