Caela
Napa buntong hininga ako sa pagod at umatras saka tumingin sa iba pang kasama ko ngayon sa surgery room, tapos na yung surgery at lilinisin na lang nila yun ulo pati na din lalagyan ng bandage. Natahi ko na din yun kaya n9 problem na, lumabas na ko saka nila inalis yung mga nasa katawan ko saka nag hugas ng kamay. Lumabas na ko ng mismong surgery room at naabutan kong nag hihintay doon mag isa si Sky. Nakita niya ko kaya lumapit siya kaagad.
"Caela, ano na nangyari kay papa? " bigla niyang tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay. "I mean, Doc. " inalis ko yung mask ko pati yung nasa ulo ko, napa yuko ako saka bumuntong hininga bago ngumiti na malungkot at umiling.
"I'm sorr– HAHAAHAHHA. "
"Walang hiya ka! Bibiruin mo pa ko ah! " imbis na matuloy ko ay napa tawa lang ako sa itsura nito na parang any moment lang ay iiyak na ng parang bata.
"Sky! " nag si datingan na din yung mga ka pamilya niyang mag tatanong din, nasagot ko naman lahat ng tanong nila ng mabuti kaya naka hinga sila ng maluwag.
Mag papaalam na ko nung sumama saakin si Sky kaya ngayon sabay kaming nag lalakad papunta elevator, pupunta ako ngayon sa pinaka taas dahil naandun yung penthouse ko. Yup, my sister really loves me.
"Thank you nga pala. "
"No problem, that's my job. " sabi ko dito saka ngumiti, ilang araw ng nakakalipas at bumalik kami sa dati. I mean the old us, yung mga teenagers pa lang kami. Nung kami pa talaga, hindi ko mai tatanggi na nag eenjoy din ako at nagugustuhan ko yung mga nangyayari pero kailangan kong itatak sa isip ko na mag higanti sakanya, yung maparamdam kung paano niya ko sinaktan.
"Pasok. " magalang kong sabi ng makarating kami at makapasok.
"Wow, sayo to? " tanong niya saka linibot ito ng tingin, tumango ako saka pumunta sa gilid kung masaan yung glass wall na pinaka gusto ko sa lahat ng matataas na building mas gusto ko yung kay ate kase mas mataas iyon.
"s**t. "
Rinig kong mura sa likod ko kaya hinawakan ko yung kamay niya, nakalimutan ko takot nga pala siya sa matataas na lugar.
"Relax. " bulong ko dito saka yumakap mula sa likod niya. Siniksik ko yung mukha ko sa leeg niya na ikina saya ko, you know what. I feel home on her, i feel happiness. I am on my comfort place because she is my comfort person.
FLASHBACK
"last one.. " sabi ko saka last siyang umikot at yumakap siya saakin pag ka harap nito saakin. Sinasayaw ko siya ng waltz, malapit na kasi yung JS prom namin and naalala ko si lolo Avu dito. Lagi niya kaming sinasayaw mag kakapatid nun kaya lagi namin na fefeel noon na prinsesa kami.
"Ang galing mo sumayaw.. " puri nito saakin habang nag swasway pa kami.
"My lolo Avu taught us how to dance like that. " sabi ko sakanya na ikina ngiti niya, she cupped my cheek and kiss me.
"You really love your lolo? " yes, she knows my lolo. isa din siya sa naka saksi kung paano ako nag dusa nung nawala siya.
"I will always love him, Sky and same goes for you, i will always love you too. " mas lalo siyang napa ngiti at sumabay ulit kami sa tugtog ng cellphone ko bago sumayaw dito rooftop ng school hanggang sa may padabog na pumasok dito at tinulak ako papalayo kay Sky.
"Caela! " sigaw ni Sky. "Kevin, ano ba? Bakit ka naandito!? "
"Walang hiya ka! Bakit mo sinabi kay Mr. Pescante na nandaya ako sa finals?!? " sigaw nito saakin habang pasugod na ulit pero pinigilan ni Sky.
"Face your consequences, b***h. You f*****g deserve it Valedictorian cheater. " ngisi ko at cool ko lang nasabi na ikina init niya lalo ng ulo, saka ako sinugod at sinuntok.
"KEVIN ANO BA!? " sigaw ulit ni Sky kaya lumaban ako at sinuntok din siya saka sinipa pero dahil babae ako natulak niya ulit ako hanggang sa natapid ako sa pinaka dulong bahagi ng building.
"CAELAA! "
"Oh my god! Caela, kumapit ka lang saakin! " sigaw ulit ni Sky na naluluha na. Kung hindi ako nahawakan agad ni Sky ay siguradong nasa baba na ko at wala ng malay.
"Sky, kumapit ka diyan sa matibay! " sigaw ko dito kaya ginawa niya naman.
"Kevin, tumawag ka ng tulong!! " inis ba sigaw ni Sky kaya tumakbo agad ang duwag.
"Kumapit k-ka lang Caela. " nanginginig na sabi nito kahit halata na talaga sakanya ang kaba. Habang naka hawak yung isang kamay niya bakal, yung isa namay ay hawak hawak ko habang nasa lapit na ko ng kamatayan. Tumingin ako sa baba na ikina kaba ko, mataas taas din pala to at may mga students ng naka tingin. Sinubukan kong abutin yung pinaka dulong bahagi ng building, which is bakal na makapal so mahirap abutin at baka madulas pa.
"Wag kang magalaw Caela! " naiiyak na sigaw ni Sky.
"Sinusubukan kong abutin yung bakal Sky, pag nag tagal pa yung oras hindi mo na kaya. " sabi ko at patuloy pa din ang pag abot pero sadyang malayo ang agwat. Nung naabot ko na yung bakal sa isa kong kamay, sinubukan ko naman yung isa kung nasaan nakahawak yung kamay ni Sky saakin pero dumulas yung isa kaya muntikan nanaman ako mahulog pero buti na lang nakahawak pa si Sky saakin.
"Huwag muna subukan Caela, mapapahamak ka lang lalo. Naandito lang ako, hindi kita iiwan at ayoko mapahamak ka kaya kakayanin ko. " nanginginig niyang sabi kaya hindi ko na sinubukan at nag hintay na lang ng tulong.
"Wag kang tumingin sa baba Sky. " bilin ko dito dahil mas lalo siyang natatakot at nang hihina.
FLASHBACK ENDS
"Pinapa kaba mo pa din ako. " sabi niya habang naka pikit. Pumunta ako sa harap niya at dahan dahan siyang hinalkan ng paulit ulit sa labi. It's just a smack pero puno ng pag mamahal at pag aalaga.
"Maliligo muna ko. " paalam ko sakanya.
"Sige, ang baho mo na e. " biro niya na ikina simangot ko.
––