Skylar
Inayos ko muna yung sarili ko at siguradong nasa pustura saka maayos ang damit ko bago nag doorbell sa malaking gate. Agad naman ito nag bukas at bumungad doon yung matandang lalake na naninilbihan sa mga Savedra matagal na.
"Oh ikaw pala Atty. pasok ka na po, nasa loob si Senorita. " tukoy niya kay Caela, lahat sila pati na din mga maids ay tawag kay Caela ay Senorita dahil laking lolo ito. Tawag naman nila kay lolo Avu ay Señor.
"Salamat po. " magalang kong sabi saka pumasok na sa mansion ng mga Savedra. Again, i am here. Mas maganda ang mansion nila kumpara dati, siguro kasi every 5 years ay pinapa ayos nila ito.
Pinag buksan ako ng dalwang maid ng pinto at bumungad saakin ang malaking loob nito na punong puno ng mamahalin na gamit. Sakto namang nasa sala si Caela kaya napatingin siya sa gawi ko, hindi ko alam kung sino unang napa ngiti saamin pero napa ngiti ako bigla sa ayos niya kaya lumapit ako bigla dito.
"Helloooo. " magiliw kong bati saka hinalkan yung pisngi ng baby.
"Ako walang kiss? " hirit niya kaya napatawa ako bigla.
"Tumigil ka nga diyan. " pinisil ko yung ilong niya kaya tumawa yung baby niyang hawak hawak. Yes, may hawak hawak siya na baby. Naka short shorts siya, sando at naka lugay pa din yung maganda niyang buhok. Kakagising niya lang ata at mukhang nautusan na mag bantay muna ng bata.
"Himala ata na hindi lumalayo si Cassidy. " sabi nito habang pinapanood niyang nakikipag laro saakin yung baby, halos pumunta na nga siya saakin e tapos linalayo siya saglit saakin ni Cael bago ulit ilalapit na ikinahagikhik naming tatlo.
"Love kasi ako ni Cassidy. " sabi ko dito at saka kinuha na yung baby sa kanya. Ang gandang babae nito pag laki, may pagka blonde din ang buhok. "Nasaan kambal nito? "
"Nasa taas, tara. " sumunod ako sakanya hanggang sa pumasok kami sa nursery room kung nasaan si baby Tyrant. Kinuha niya ito at saka pina dede nang timplado na. Siya ang nanny ngayon ng kambal dahil wala naman pala siyang pasok ngayon.
Nasaakin pa din si Cassidy na ngayon ay mahimbing nang natutulog saakin, nakatayo naman ako habang nag huhumm, tumingin naman ako banda kay Cael na ngayon ay may hawak na hawak na phone habang nakatapat saakin kaya napangiti ako bigla. Alam ko din na nakuhanan niya iyon.
"Patingin. " sabi ko dito saka lumapit sakaniya para makita yung mga picture na kinuha niya. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng bigat sa dibdib dahil if ever na hindi nanyari yung nangyari noon siguro may anak na din kami ni Caela.
"Bakit pala ako pinapunta dito ni Mr. Demonteverde? " tanong ko, natigilan naman siya saka tumingin saakin saka tinago ang phone niya.
"Summer's case will be closed. "
"Huh? B-baket naman? " naguguluhan kong tanong.
"Nag maka awa si Summer na itigil, ayaw sana namin especially tito and Stormy but Summer is really scared. Ayaw naman namin lumala yung mental illness niya and mas lalong ayaw namin sirain yung sarili niyang buhay. She is a Demonteverde, we expect so much on her. " sabi nito.
"Caela, i can fight for her justice. Kung natatagalan kayo sa nangyayari, pwede akong makipag tulungan na sa mga pulis or–"
"Sky, it's not that. Ang desisyon ay na kay Summer pa din, we promise to you that you will still hold her case. " sabi nito saakin saka hinawakan yung kamay ko at hinalkan ako bigla sa labi. It's just a smack, alam kong ginawa niya lang yun para maging okay ako.
May kumatok naman sa pinto at pumasok ito.
"Caela, ako na bahala sa kambal asikasuhin mo si Attorney. " sabi ng matandang babae na si nanay Loren. Kilalang kilala na niya ko at kilala ko na din siya dahil lagi akong naandito.
"Sige po nanay. Tara. " kinuha niya yung kamay ko saka lumabas kami ng kwarto, pumunta kami sa isa pang sala kung saan dito ata nag sta stay silang mag pamilya, yung unang sala kasi kanina ay para sa mga bisita na hindi pwedeng pumasok pa sa pinaka loob ng bahay.
At dito ko ulit nakita ang malaking picture frame ni Señor at ni Señorita. Napatitig ako dito at naalala ang unang naming pagkikita.
Señor Avu. Tinatawag ko siya dati na Señor lolo. Malupit, walang awa, maka sarili, masungit, mapag mataas at iba pang masasama na masasabi ay sinasabi sakanya ng lahat ng tao pero iba ang naging pagkakakilala ko sakanya.
FLASHBACK
"Hindi yan laruan, Caela. " saway ko sakanya saka sumandal at nag inat inat. Nakaka ngalay mag review. Naandito kami ngayon sa library ng mansion nila, sa lamesa umupo si Caela habang nasa gitna niya yung globo at pina ikot ikot.
"Ang daming bansa noh? " tanong nito saakin. "Pero sa dinami dami ng bansa mas pinili kong manirahan dito sa Pilipinas, hindi dahil Pilipino ako dahil dito ko naramdaman na dito ako sasaya. " madamdamin na sabi nito saakin.
"Bakit mo naman naramdaman na dito ka masaya? At sure ka bang dito ka talaga sasaya? " tanong ko at nag halumbaba habang nakatitig sakanya.
"Oo, ang kasiyahan ay matatagpuan mo sa tao hindi sa lugar. Naandito sila at ikaw kaya masaya ako. " napa ngiti ako dun at pinisil yung ilong niya.
"Suus, totoo ba yan? " umupo ako patagilid sakanya at yumakap dito, tumango siya at kinindatan ako na ikinatawa ko lalo. Ganoon din siya.
"Library is for studying and exploring things in the book not this. " nagulat kami sa nag salita kaya napa tayo ako. Isang matandang ang nag salita, pormal ang mukha pati na din ang suot kaya kita mo na napaka taas niyang tao.
"I'm sorry, lolo Avu. " paumanhin ni Caela saka tumayo na din sa tabi ko.
"S-sorry din po. " kinakabahan kong sabi. Nakatitig lang saakin yung lolo ni Caela kaya kinakabahan ako at hindi mapakali, first time lang din kasi namin mag meet pero base sa kinekwento ni Caela ay close na close sila.
"Get a snack for your visitor, Caela. " utos nito na ikina tango ni Caela, hinawakan ko yung kamay niya pero ngumiti lang siya at hinalkan ang noo ko saka umalis pero bago iyon ay may binulong muna siya saakin.
"Don't worry, Lolo is a nice person. He knows that I love you kaya just be yourself. "
Oh my gosh, tulong.
––