Skylar
"Gutom? " natatawa niyang tanong habang hinahalo yung pagkain niya, ako ay naka subo na dahil nahihilo na ko sa gutom kaya tumango ako tas sumubo ulit. "Oh tissue. "
"Thanks. " nagkita kami ngayon ni Marie sa mall para kumain ng dinner, hindi na ko nakapag lunch kanina dahil natambakan ako ng paper works.
"Musta naman si Kevin? Kailan uwi niya? " tanong niya at sumubo.
"3 days pa daw siya dun, isasabay daw siya sa mga matataas na Architects. " sabi ko dito, kaya wala si Kevin at hindi ko siya kasama sa mga nakaraang araw ay nasa Singapore siya kasama yung ibang Architects for a seminar.
FLASHBACK CONTINUATION...
"S-Señor. " bati ko sakanya nang makalabas si Caela.
"Are you Skylar Giselle Altamira? " tanong niya at prenteng umupo sa isa sa mga sala doon. Tumango ako dahil hindi ko alam kung paano ako sasagot, maka galaw nga lang hirap na hirap na ko. Natatakot ako pintasan ni Señor Avy, siguro kasi close kami ng apo niyabor should i say paboritong apo. "I'm curious. "
"Po? " nagtatakang tanong ko.
"Why is my granddaughter is so happy with you. " mabagal niyang sabi habang nakatitig saakin, para bang pinag aaralan niya ko at binabasa ako. Hindi siya tanong, statement siya guys para bang pinapaalam niya saakin yun may 'why' lang. "but i'm glad that she found someone like you, someone who is into her not into what she have. "
"Hindi po ko mayaman katulad niyo, hindi rin po mahirap. May kaya lang po pero wala po kong pake kung anong meron si Caela, i just love her personality. I think she's not hard to love like what everyone says, she just need time to trust people. " buong puso kong sabi dito, baka palayuin ako nito kag Caela baka hindi ko kayanin.
"Good to hear that you don't care about Caela's wealth for now but how long? "
"I will never care about her wealth Señor and she knows that. " okay so the real Señor is just starting.
"I heard that your dad's company is gone? What's his job now? " hindi na ko nagulat na may alam siya sa saakin, alam kong pina imbestigahan na niya ko. Wala e, ganyan talaga pag mayaman.
"He's now a jeepney driver, hindi na po siya tinanggap ng ibang kumpanya dahil na din sa age niya at the same time may mas magagaling na newly grad. "
"Gibson Altamira, you know him? " alam niyo yung nakaka intimidate yung itsura niya, nakakasagot naman ako kasi personal life ko yung tinatanong pero bakit feeling ko mali. Parang wrong answer ba kung baga.
"My lolo, señor. "
"He's my best and great friend, i'm the one who helped him with his business and that's the company of your dad lose. " doon ako nagulat, imagine si lolo at Señor pala ay mag kaibigan. Alam kong maliit ang mundo pero hindi ko inexpect na ganito pala kaliit.
"Gibson is another friend in another circle of friends, but he's the best among the others." So I helped him because I felt that he deserved it, but when the business grew, he stopped me. He said thank you, that's enough. He will do his part now and grow it bigger, but what happened now? It's really disappointing. "
"My papa did his best but i think he can't manage the business well. " aaminin ko, hindi nga kaya ni tatay iyon dahil una pa lang daw nag mamagaling na siya kay lolo dahil siya rin lang naman ang anak at gusto lang daw niya maging proud ito sakanya pero ngayon daw alam niyang dissapointed si lolo. Lahat ng pinag hirapan niya ay nawala.
"I trust you, don't ever hurt my granddaughter. " minsan anggulo din ni Señor, hindi ko alam kung ano topic namin e. Tumayo siya at lumapit saakin na ikinatakot ko. "Study hard, kid. I know you will be successful as your lolo Gibson. " he pat my head and smiled.
Oh my gosh, Señor just smiled at me!!
"Thank you for being there for my granddaughter, Caela. I can now die in peace if ever. Hindi ko kakayanin mawala sa mundong ito knowing na walang nakatutok na attention sakaniya. I am also thankful that she found the love that I couldn't have and found until now.. "
Sa mga naka raang araw, weeks, months and years naging close kami ni Señor. Napaka bait niya saakin, kung ano turing niya kay Caela ganoon din siya saakin. Minsan pa nga naabutan namin siya nag susungit sa sekretarya ng papa ni Caela pero nung nakita niya ko, para bang lumiwanag yung mukha niya.
See, everyone has a heart. everyone has a soft attitude.
FLASHBACK ENDS
"Huy? "
"Huh? Ano? " parang buang na tanong ko kay Marie ng pitikin niya ko.
"Sabi ko, kamusta yung pag paplano ng kasal niyo? Naaasikaso mo naman habang wala si Kevin? " tanong nito sabay subo.
"Ay s**t oo nga pala. " napa sapo ako ng noo ko at napa sandal, nakalimutan ko yung tungkol doon.
"Paktay ka sis, mag cacram kayo niyan. Sure ka ba talaga na handa ka ng magpakasal? " tanong nito saakin, handa na nga ba talaga ako magpakasal? Handa na ba ko pumasok sa mag asawang buhay.
"Ang dami ko kasing iniisip, naoperahan pa kasi si tatay. " napa buntong hininga na lang ako.
"Okay lang yan sis, understandable naman gawa ng work mo, si tito pa na hospital at operahan. Masasapak ko yang si Kevin pag hindi ka niya naintindihan. " natawa ako sa sinabi niya at nag thank you. Sana nga maintindihan iyon ni Kevin.
Handa na nga ba talaga ako magpakasal? Magpakasal sa taong mahal ko nga ba talaga? I did love Kevin, hindi naman siguro ako magtatagal sa relasyon namin kung hindi pero aaminin ko na ibang iba yung pagmamahal ko pag si Caela. She's the one and only na i will love ng sobra sobra. Ni hindi ko nga inexpect na may feelings pa din sakaniya hanggang ngayon. I feel like because Caela is the one who show me everything noon pa man. I love how she treats me, love me, care for me, and everything. Caela is the standard and i know i will forever long for her.
––