FUTURE 26

1019 Words
Skylar "Haaay, stress. " pabagsak kong binagsak yung folder na natapos ko ng pag aralan, nag inat ako bago tumingin dun sa pinto na biglang nag bukas at tumawa yung pumasok. "Halata nga na stress ka. " ngumiti ako sakanya at ngumiti din siya, anong ginagawa ng isang OB GYN dito? Hindi naman buntis si papa o may problema sa private part. "Good morning, Doctora Madel. " bati ko sakanya. "Good morning din, umagang umaga stress ka agad. You want to drink tea? Para naman medyo hindi ka na stress. " tumango ako at tinignan si nanay na natutulog sa tabi ni tatay bago lumabas kasama si Doctora. Kailangan ko din ng time, time para sa katahimikan at walang trabahong kasama pati stress. This past few days puro stress sa buhay at stress sa trabaho nakukuha ko. "Get a table for us, treat ko na. " aayaw sana ako ng binigay na niya agad yung card niya sa cashier kahit wala pa siyang order, wala na ko nagawa at pumili na ng mauupuan. Pumwesto ako sa labas dahil hindi pa naman masyadong mainit, medyo madilim pa nga ngayon e at saka walamg tao sa café, kami pa lang customers. Dumating siya na kasama yung waiter at binigay saamin yung inorder niya, na excite naman ako dahil ang bango ng tea kaya agad ako nag sip at hindi nga ako nag kamali. Ang sarap. "Hmm, the best. " napa ngiti siya at tumango. "Yes, the best talaga ang tea ng CADS. Even chocolates. " Ine-enjoy namin ang tea at ihip ng hangin. Medyo inaantok na nga ako e kaya napatingin ako sakanya kung ganoon din siya pero iba ata ang nakita ko sa mga Mukha niya, parang ang lalim ng pinag iisipan. May pag dadalwang isip sa mga mata niya at takot. Bakit kaya? "Okay ka lang ba? " tanong ko dito kahit inaantok na talagaa ako. "Ah oo. Natatakot lang ako para sa mamayang operasyon. " ngiti niya pero pilit. "Bakit ka naman matatakot? Ang galing mo kayang OB GYN. " ngumiti siya at nag thank you. Hindi ko alam kung ano pa ang sumunod niyang sinabi pero nakatulog na ko. -- MADEL POV FLASHBACK "Aminin mo nga saakin Cael, mahal mo pa si Sky noh? " naka titig na tanong ko dito habang tutok na tutok siya sa monitor niya. "What the hell, no! Ano bang pinag sasabi mo diyan? " pag ka irita at pag ka lito ang nakikita ko sa mukha niya. "Oh come on, Cael! Kita ko kung paano nag liwanag yang mukha at sarili mo kapag naandiyan siya, kung paano ka nagiging excited at kasaya. I never saw you like that nung nasa America tayo, when you talk about your first love and that's Sky. I saw love in you yet full of pain. " madamdamin kong sabi dito, i want her to realize na she's just fooling herself. Na nag papadala siya sa galit niya, galit sa kung sino man nag pahiwalay sakanilang dalwa ni Sky. "It's different now, I don't love her anymore. " giit niya. "You still love her! I saw it, I feel it, and don't deny it please for Pete's sake! You will regret it, I know that you are hurt and in pain but please don't forget that you love her. " "Bakit ba pinangungunahan mo ko!? " inis na tanong niya saakin. "Kase alam kong kailangan mo masampal ng katotohanan, you're running out of time! Kakasal na siya! Mali yung pag uwi natin ng pilipinas, sobrang late na! " naiinis na sigaw ko dito. "Wala ka ngang main kung sino pag hihigantihan mo at kung paano mo gagawin so tell me, paano ka gagalaw? Go with the flow ka lang naman, Caela ayoko mag sisisi ka. I want you to be happy! " "Leave me alone, Madel. " "Oh really i will, Caela. You need time by yourself and to think what you are ruining. You are ruining your chance to get her back. " pagkatapos nun ay umalis na ko at padabog isinarado ang pintuan niya, nagdadabog din ako nag lakad papuntang elevator ng may mala bangga ako. Paliko siya kaya hindi namin napansin ang isa't isa. "What the f**k. " "Shh you might be heard by the boards. " the lady said. Oh, f**k, who is she? "I don't f*****g care about them, who are you? Why are you in this floor? " nagtatakang tanong ko dahil hindi pede basta papasukin ang mga ibang tao dito. "Sino bang kamukha ko? " mapaglaro siya pero seryoso ang mga mukha. Tinitigan ko siya at iniisip kung sino nga ba siya. Sinunod ko siya kahit hindi ko siya kilala, how stupid of me. "s**t, ate Cassie. " you heard me right at younger version ni Camila. Kung sila mistiza, eto naman ay morena at black hair. "You must be–" tinakpan niya bibig ko at lumapit saakin. "It's me. I heard you talking with my sister, i want you to this. " meron siyang binulong saakin na hindi ko alam kung maganda ba o maling gawin. FLASHBACK ENDS "I'm sorry, Sky. I had to do this. " nag buntong hininga ako at sinimulan ang dapat. This will save you Caela and Sky don't worry. This kid will save you two. "I'm sorry, Caela. " ulit ko pa pero umiling ang kasama ko. "They will thank us, Madel. " sinamaan ko siya ng tingin dahil una pa lang ng pagkikita namin sa harap ng elevator ay sobra ang inis ko dito pero base sa kwento niya ay naaawa ako sakanya. Ang dami niyang pinag daanan sa buhay at pinagkaitan din siya. "Shut up, Cara. " Bumuntong hininga naman ako at nag concentrate sa aking ginagawa. I am familiar with this because IVF is normal in America and we studied it and even trained for it. It's just that now, I will do it without the consent of the two, and I feel bad. I just don't want to na mapunta sa wala ang pag iibigan nila. I hope this will really help in the near future. ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD