Caela
Naglalakad ako ngayon papunta sa room ni Mr. Altamira, ngayon kasi siya lalabas ng hospital at e checheck ko siya bago lumabas ng hospital.
"Good morning. " bati ko ng maka katok ako at pagka bukas ko ng pinto.
"Good morning din po Doc. " bati nila saakin saka ako pumasok, napansin ko naman na parang may hinahanap ng importante si Sky ngayon.
"Sky, tigilan mo na ang paghahanap diyan at asikasuhin mo si Doc dito. " saway sa kanya ng nanay niya saka niya ito linapitan bago ayusin yung mga damit.
"Ay hindi na po, e checheck ko lang po si Mr. Altamira. Hindi din naman po ko mag tatagal. " sabi ko dito saka tinignan yung kalagayan ngayon ng taong nag pasama sa buhay ko noon but work is work.
"Pasensiya na at may hinahanap tong pin si Sky. "
"Halaaa, may sentimental value pa naman saakin yung pin na yun. " naka labing sabi ni Sky at lugmok na lugmok na tumabi sa tatay niya na nasa harap ko.
"Ate, wala sa CR yung pin mong DLF. " sabi agad ni Skyell pagka labas niya ng banyo. DLF pin? Medyo maliit pa naman yun. Ngayon alam ko na kung bakit nalulungkot tong si Sky dahil binibigay yung pin na yun, pag employee ka na ng Demonteverde Law firm.
"Halaaa, paano yan. " may pa padyak padyak pa na sabi, napa ngiti naman ako sa inakto nito. Kahit ilang years na ang nakalipas at isa na siyang tunay na attorney, hindi pa din nawawala sakanya yung pagiging Childish. Akala mo kung sino matured, katapang at kagaling sa korte pero behind of that isang napaka cute na babae. "Suot suot ko pa yun nung isang araw e. "
"Saan ka ba nag punta nun? " tanong ng papa niya.
"Sa café, kasama ko si Doctora Madel kasi nag yayaya siya uminom ng kape ata yun tapos bigla ako nakatulog pagka gising ko naandito na ko sa room. " sabi niya habang inaalala yung pangyayari.
"Kape ininom niyo tapos nakatulog ka? Aba, ibang klase ka ate ah. " natatawang sabi ni Skyell na ikinatawa ko din.
"I don't know if it's really a coffee, tea ata yun? Basta may ininom kami kasi sobrang pagod ko. Wala na ko masyado maalala nung time na yun, siguro sa sobrang pagod ko nga. " napa buntong hininga na lang siya at nag pout saakin.
"Hingi na lang kita ulit kay Stormy. " sabi ko dito saka pinisil yung pisngi niya.
"Thank you pero sana mahanap ko pa yun kasi may sentimental value siya saakin, ayun kaya yung pinaka una ko. " tumango na lang ako saka sinimulan yung pag checheck up sa tatay niya, nang matapos ay nag paalam na ko na aalis na para makapag ayos na sila.
Bigla ko tuloy naalala yung pagkikita namin muli ni Cara sa mansion, nakalimutan ko na doon na pala siya titira kahit may sarili siyang condo. Alam niyo naman ang rule nina mommy na walang aalis sa mansion hanggang hindi ka pa kasal.
FLASHBACK
"Ahhhgh. " pag ka uwi ko ay bumagsak agad ako sa sofa, sobrang pagod ko dahil sunod sunod yung surgery plus may mga humabol pa na emergency. It's already 10 pm kanina pa dapat ako naka uwi kung wala lang emergency.
"Going home late is not good. " that voice. Tinignan ko ito na naka upo sa single sofa, may ilaw pa naman dito kaya kita ko pa siya na busy sa magazine na hawak niya. She's already in nighties.
"Malaki na ko, so i can do whatever i want at kung ano oras ako uuwi. " sabi ko dito.
"Binisita kita nung isang araw sa hospital mo, i saw you in the garden with a lady. Is that your girlfriend? She's gorgeous. " komento nito.
"Ano bang pake mo? At ano naman sayo kung girlfriend ko siya o hindi? " inis na tanong ko saka bumangon na at umayos ng upo.
"You know what Caela, bakit ang init lagi ng dugo mo saakin? Aaminin ko nasasaktan ako cause i want you and me to be close as a sisters. Ikaw yung pinaka gusto ko na maka close pero bakit parang galit ka saakin? Bakit linalayuan mo ako? " tanong nito saka binaba yung hawak hawak niyang magazine sa table.
Hindi ako maka sagot sa tanong niya, hindi dahil takot ako sakanya o dahil wala lang yung inis ko. Dahil hindi ko ine expect na mangyayari to.
"Bata pa lang ako, alam kong anak lang ako sa labas so i still accept it at hindi ko yun ikakahiya pero our father chose to hide it kaya i respect it. Nung kinekwento ka niya saakin even ate Cassie, na excite ako at masaya ako kasi kahit half sisters ko lang kayo mahal kayo. Gusto ko kayo maka close kaso hindi ako binigyan ng chance ni daddy. " nakita ko kung paano siya nag pipigil ng luha, is this the Cara na laging sinasabi nila na palaban? Na masungit at walang feelings? Cara the strong? Nakikita ko lang ngayon ay isang weak at malambot na Cara.
"I have depression and anxiety simula nung bata ako, to think of it na ako ang magiging dahilan kung bakit muntikan na magwatak pamilya niyo, kung bakit galit kayo kay daddy at sa mama ko para na kong pinapatay. Sa buong buhay ko, feeling ko isa akong pagkakamali hanggang ngayon. Ang naging lakas ko noon ay si mama at kayo, sinasabi ko sa sarili ko noon na kapatid ko kayo, masaya kayo pag nag kakilala tayong lahat pero nung nag meet tayo noon. The first time we met, ang sama mo saakin even your mom is angry kay daddy at mama. " tumulo na yung mga luha niya at napa hagulhol. Sino bang hindi magagalit doon na dalhin yung kabit at anak ng tatay mo sa sarili mong pamamahay?
"Hanggang sa napag desisyunan ni mama na humiwalay kay daddy pero nag promise si daddy na, susuportahan niya ko financially. "
"Hindi lang financially Cara, we all know na nakuha mo lahat ng suporta niya kaysa saakin. Sino bang mas magaling saatin? Diba ikaw? Ikaw lagi yung, valedictorian, yung may award, yung may with highest honor lagi, yung laging nananalo sa contest, yung mabait, yung hindi puro kalokohan. Unlike me na kabaliktaran mo lahat, hindi ko man lang naramdaman noon na may tatay ako kasi lagi na sayo ang daddy. " sabi ko dito, i stayed calm and good. Ayoko umiyak dito.
"I'm sorry. " sabi niya habang humahagulhol. Napa buntong hininga na lang ako at tumayo.
"Umayos ka, hindi ganyan ang mga Savedra. " pagka sabi ko nun ay umalis na ko at pumunta aa kwarto ko. Mas lalo akong na de drain.
FLASHBACK ENDS.
"Aray. " napa sapo ako sa ilong ko ng hindi ko namalayan na dead end na pala tong linalakaran ko, naka rinig ako ng tawa sa likod ko kaya napa tingin ako dito. "Sky? "
"Yup, kanina pa ko tawag ng tawag sayo kaso nananaginip ka ata ng gising kaya sinundan na lang kita. " lumapit siya saakin saka kinapit yung mga braso niya sa leeg ko.
"Hmm bakit mo naman ako tinatawag? " sabi ko dito saka hinapit siya sa bewang.
"Wala lang, mag thathank you lang dahil magiging okay na si tatay. " naka ngiti niyang sabi.
"Your welcome besides–"
"That's your job? Yeah i know Doctor pero thank you talaga, Caela. As a friend, thank you. Sobra sobra na ang nagagawa mo para saamin. " nawala yung ngiti ko sa narinig ko. Oo nga pala, walang kami. So why are we acting as a couple. Bumitaw ako sakanya kaya napa bitaw din siya.
"What's the problem? " takang tanong niya.
"I.. I have a meeting pala with Madel, i need to go late na ko. " umalis na ko kaagad ng masabi ko yon saka dumiretso sa laboratory ni Madel since she has her own laboratory since OB GYN siya.
"Cara? What are you doing here? " takang tanong ko ng makita ko siya na naka upo pati na din si Madel na parang may dinidiscuss sila. Halatang gulat ang mga expression, hindi kasi ako kumatok basta pasok na lang ako. "What's that? " turo ko dun sa papeles naka labas kanima pero nasa envelope na agad ni Cara.
"Nothing. " Sabi ni Cara.
"Magka kilala pala kayo ni half sis. " sabi ko kay Madel saka lumapit sakanila.
"Nagkita kami sa corridor ng hospital, na intriga ako kasi kamukha niyo siya. " tumango ako saka umupo sa sofa, tumingin ako kay Cara na linagay sa bag niya yung envelope.
"Wag mo sabihin na buntis ka? Kaya nakikipag kita ka kay Madel? " biro ko dito na ikina taas niya ng kilay. Napapansin ko talaga dito kay Cara na takot to sakin, umiiba yung aura niya pag ako kaharap even kay na ate Cassie. Mas lumalambot to pero pag kay dad halatang may sama din ng loob, ano pa ba ikakasama niya ng loob e nasa kanya na ang attention noon pa kaysa saakin.
"No, never. " agad na sabi nito saakin kaya napatawa si Madel. Napa usod naman ako ng upo dahil parang may naupuan ako na maliit na bagay.
Kinuha ko ito at tinignan, isang DLF pin. Baka kay Sky to? Baka eto yung nawawala niyang pin? Tinig ko yung likod ng pin at halatang malalaglag talaga to kasi medyo tabingi yung patusok. May mark din na '1'. Tinago ko ito sa bulsa ko saka bumalik kina Madel.
––