Skylar "Huy bakit parang ang dami mong problema ha? " tanong ni Maria saakin saka umupo sa sofa na paharap saakin. Nasa bahay kami ngayon dahil day off namin pareho, kakatapos lang namin manood ng movie. "Wala. " napa buntong ako saka humiga at tumitig sa bubong, bakit ba ganito ako? Bakit parang may mali, may mabigat sa dibdib ko na gusto kong ilabas pero hindi malaman kung ano yun. "Weh? Baka naman namimiss mo lang boyfriend mo huh. " tukso nito saakin habang naka ngiti. Nakalimutan ko na nga na may boyfriend pala ko, i mean fiancé. Malapit na nga ako ikasal e, ngayon ko lang napantanto pero ni isa saakin hindi ko maramdaman iyon. ni hindi nga ako excited e, wala man lang ako maramdaman na masaya ako. "Tumawag na ba sayo yung wedding coordinator? " tanong ko kay Maria kasi siya din n

