SIMULA
"Lia kailan ka babalik sa Pinas? Kailan ka sasama saakin?" laging tanong saakin ni Sia tuwing pumupunta siya dito sa France para bisitahin ako.
"I don't know.." lagi ko namang sagot sakanya at nagpatuloy ako sa ginagawa kong trabaho sa laptop ko.
Simula nung umalis ako sa Philippines sa mismong araw ng kasal ko ay tinalikuran ko na lahat buhay ko, pati ang pag asang bumalik dun ayaw ko ng bumalik.
"Lia it's been a long time naman na nag aalala din sila tita at tito sayo." paalala niya sabay upo sa kama ko kung saan ako nakaupo habang nakaharap sa laptop ko.
"Hindi mo ba sila namimiss? Because I know and you know that they miss you." natulala nalang ako sa sinabi niya I miss them so much na tuwing gabi umiiyak ako habang iniisip sila, nag aalala para sa kanila. Binigo ko sila.
"I miss them so much Sia but I can't." naiiyak kong sabi, agad niya akong niyakap at dun na bumuhos ang luha ko sa balikat niya
"I miss them Sia but I failed them. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila. I'm a bad daughter binigo ko sila.." tuloy tuloy ang walang humpay kong luha habang hinahaplos ni Sia ang likod ko.
"Shhhh I know that your not ready to face them but Lia successful ka na ngayon I'm sure na ipagmamalaki ka nila kasi kahit wala sila sa tabi mo naging successful ka sa buhay. Nakapagpagawa ka ng sarili mong bahay dito sa France, may mga sarili ka naring Hotels sa iba't ibang bansa sa loob nang ilang taon na wala sila sa buhay mo. I'm sure kaya mo pang tapatan ang business ng mga magulang mo.." pag papagaan niya ng loob saakin habang hinahaplos ang likod ko.
"Kung hindi dahil sayo hindi ko maabot tong narating ko, hindi ako magiging successful kong wala ka, kung hindi mo ako tinulungan." mahina kong sabi utang ko lahat kay Sia siya ang naging dahilan kong bakit nakayanan kong lampasan lahat.
She chuckled at kumalas na sa yakap at hinarap ako nakita ko ang luha sa mga mata niya.
"Oo tinulungan kita pero kung hindi mo rin tinulungan ang sarili mo hindi ka magiging successful kagaya nito, kaya wag mong sabihin ako lang tumulong sayo dahil ikaw din tinulungan mo din ang sarili mo okay? " tumango at ngumiti ako sa kanya pinunasan ko narin ang mga luha ko at ganun din siya sakanya natawa ako dahil kumalat na ang eye liner sa mata niya inabot ko sakanya ang wipes at agad niyang pinunas sa nagkalat na eye liner sa gilid ng mata niya
"Hindi na kita pipilitin kong ayaw mo pang bumalik basta sabihan mo na---"
"Babalik na ko" mga salitang lumabas sa bibig ko na nagpatigil sa pagsasalita niya at pagtigil niya sa ginagawa niya para tignan ako.
Nakapag desesyon na ako na bumalik pagkatapos namin pag usapan yun
"Siguro panahon na rin siguro para harapin ko na sila ngayon, para narin humingi ng sorry sa nagawa ko. Ito na rin ang panahon para harapin ko ang takot ko I need to say sorry to them para mapanatag na ako." sana mapatawad nila ako, ngumiti ako kay Sia na nakatulala saakin na tila hindi niya maintindihan ang sinabi ko
"Sasama ako sa pagbalik mo ng Pilipinas." sana masaya narin siya ngayon, sana hindi nasayang ang sakripisyo ko para sa kasiyahan niya I hope.....