Sorry
Masakit ang ulo pagkagising ko kinabukasan masyado akong pinuyat ng nasaksihan ko kaninang madaling araw, kada pagpikit ko ay nakikita ko at naririnig ko ang mga halinghing nila at kung ano ang pwesto nila kagabi.
Kahit walang pasok ay kailangan ko pumunta sa university dahil narin sa lalabanan ko next next week kayya need ko muna iupdate ang coach ni Laurene. Kaya kahit medyo antok pa ay naligo na ako at nag ayos sa sarili.
Wearing zara trouser pants and Zara Square Neck Knitted Plain Top i partner it to Pointed Strappy Block Heels in Nude. Inayos ko na din ang buhok ko at tinali ito pa-messy bun, na makuntento na ako ay agad din akong bumaba.
Nakita ko din na papasok na sa dinning area ang magaling kong fiance magpapatuloy na sana ako papalabas kaso napansin ako ni manang at tinawag ako kaya wala akong choice kundi pumunta sa dinning area.
"Hija, mag agahan ka muna sumabay ka dito kay Engineer" nakangiti ito sa akin at bigla itong nawala nung nakita niya ang pag ngiwi ko.
Hindi ko maiwasan maalala ang nasaksihan ko kagabi, sana hindi nalang talaga ako bumaba. Tinignan ko ang buong lamesa at dumako ang tingin ko sa lalaking matatalim na ang tingin sa akin, kaya agad umangat ang mga labi ko lalong nanliliyab ang kanyang mga mata.
Bumaba mata ko papunta sa braso at kamao niyang kukom na akala mo ay manununtok kaya lalo akong napangisi at binaling ang tingin sa naaalala kung saan sila naka pwesto kagabi habang gumagawa ng milagro.
"Sorry manang siguro sa school nalang po ako kakain." sabi ko sabay iling "At hindi po ako kumakain sa lamisang may double purpose" sabi ko sabay ngisi at tingin sa lalaking kulang nalang pumutok ang litid sa noo sa subrang galit niya sa akin kaya ngumiti ako lalo dito.
"Bye my engineer" sabay talikod ko dito at daretso sa sasakyan na naghihintay sa akin
"Manong sa university po" tinignan ko ang cellphone ko para replayan si Iris kasi sabi niya sasamahan niya ako kay coach kasi wala naman daw siyang gagawin.
Dahil hindi traffic ay agad din akong nakarating sa school at nandun nag aabang si Iris habang tinataasan ng kilay ang mga taong binabati siya. Napakamaldita talaga nito
"Ang maldita talaga" nakangiti ko ditong sabi agad naman nagbago ang expression niya nung makita na niya ako, pero napangiwi ako na makita ang paper bag na dala niya don't tell me..
"Hi! Lia for you" agad niya inabot ang paperbag na dala niya sa akin it's speedo swimwear "Completo na yan meron pang fastskin, swimsuit" agad nanlaki ang mata ko
"Hey! Hindi ko kailangan ng swimsuit" nagulangtang ako na makita ang isang red at ibang kulay ng string swimsuit
"Iris naman" tumingin ako sa kanya at nakita ko na ngumiti at ngumuso siya
"Magagamit mo din yan, let's go hinihintay ka na ni couch" sabay hila niya saakin. Hindi pa ako tapos mag reklamo pero alam kong wala na din akong magagawa pa.
Agad kaming umuwi pagkapos kong magpakita kay couch ang sabi lang niya magdiet at magpractice ako para sa laban ko sa susunod na linggo, I need to practice the basic skills in swimming. Buntong hininga kong nilingon ang mga paper bags sa tabi ko.
Pumasok na ang kotse sa gate at mula sa labas nakita ko ang pagpasok ng dining set papasok sa bahay. Bumaba ako sa kotse na may lito bakit may dining set dito at nilalabas ang dating dining set.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ni Bianca na masaya ang mukha kaya lito ko itong sinalubong.
"What's happening here?" kinuha naman nito ang paper bags sa kamay ko.
"Ma'am si Engineer po kasi pagkaalis na pagkaalis niyo nag order ng dining set hindi nga din po namin alam kung bakit eh" daldal niya habang paakyat kami papuntang kwarto ko.
Hindi ko mapigilan isipin na dahilan ito sa nakita ko kagabi at sinabi ko kanina, ayaw ko mag overthink pero hindi ko maiwasan. Umiling nalang ako siguro sawa lang talaga siya dun sa dining set niya kaya bumili siya ng bago.
Kaya kinagabihan pagkatapos ko kumain dito sa kwarto ko ay napagpasyahan ko na mag swimming practice muna. Suot-suot ang opal glow 1 piece at pinatungan ko muna ito ng roba ay bumaba na ako. Bitbit ang Futura Biofuse flexiseal google, nose clip pati narin and earplug, tulog na ang mga tao kaya malaya akong nakakalakad papuntang swimming pool. Hindi ko maiwasan na mapahanga sa subrang laki at lawak ng swimming pool. Hinanda ko na ang kinakailangan ko at agad na lumangoy.
Pagod akong huminto sa dulo ng pool nakapikit akong sumandal sa pinakadulong parte ng pool, halos wala akong marinig dahil nakasuot ako ng earplug, masyadong tahimik at ang malamig na tubig ang nagbibigay sa akin ng kaginhawahan.
Isang talsik na tubig ang nagpamulat sa akin mula sa pagpikit ko ngunit pagmulat ko ng mga mata ko ay wala namang tao siguro namamalikmata lamang ako. Pinikit ko muli ang aking mata pero hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng maiinit na hangin na tumatama sa aking mukha.
Muli kong minulat ang mata ko ganun nalang ang gulat ko na si Darren Ajax ang bumungad sa akin, gamit ang kanyang mapang asar na ngiti ang napansin ko sa labi niya.
"Anong ginawa mo dito?" tanong ko dito hindi ako maalis at makagalaw dahil narin sa subrang lapit niya. Hindi ko maiwasan mapatingin sa hubad niyang malapad na balikat, muling bumalik sa mukha niya. Tinanggal niya ang mga earplug ko sa magkabilang tenga
"I own this Ms. so what you expect? Hmm?" halos mapatalon ako na maramdaman ang dalawa niyang palad na lumapat sa makabilang bewang ko.
"Aalis na ako" at pilit kong tinatanggal ang kamay niya kaso lalo lamang tong humikpit "A-ano ba" halos mautal ako sa subrang lapit niya at kinakabahan na ako.
"I change our dining set so eat with me starting tomorrow" utos niya sa akin pero hindi niya parin ako binibitawan.
"No! I don't want too" tinatanggal ko parin ang kamay niya kaso para itong linta sa subrang kapit. Kaya inis ko itong tinignan "Ano ba bitawan mo na ako" sigaw ko dito
"I have no choice" napasinghap nalang na lumapat ang malambot na mainit niyang mga labi sa labi ko. Lalong nanlaki ang mga mata ko na biglang gumalaw ang labi niya na animoy nag- aakit. Nanlambot ang aking mga tuhod kong hindi niya ako hawak ay paniguradong lumubog na ako sa tubig. Napaawang ang labi ko na hiniwalay niya ang kanyang labi sa akin.
"I'm sorry. Forget what you see baby and kiss me back" sabay muling niyang inangkin ang aking labi.