bc

Captured Heart

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
second chance
badboy
goodgirl
confident
comedy
sweet
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Anfelisa Andriette Germoso is a son of the CEO of Minder Corporation. She's rich that's why she can gets what she wants except Ravi Del Sion. He hates her. What happen if Anfelisa chase Ravi all the time? Would Ravi fall in love with Anfelisa? But How?

The day started: July 9 2021

Ended: -

chap-preview
Free preview
Chapter 1- First day of school
"Anfelisa!" nagising ako sa malakas na katok ni Manang ngunit binalewala ko lamang ito. Pumikit ulit ako at nag talukbong ng kumot. "Anfelisa! Bumangon kana riyan!" Muling siyang kumatok habang sinasabi ang mga salitang iyon. Humikab ako bago magsalita,"Manang maaga pa po!" sagot ko. Kumatok ulit siya, "Anong maaga pa? Unang pasok ngayon sa eskwela! Bawal ka tanghaliin dahil baka malate ka kaya bumangon kana riyan!" Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala kong First day of school nga pala ngayon. Hindi ko na narinig pa na nagsalita si Manang. Agad na akong naligo at nagbihis sa sobrang excited na makikita ko na ulit si Ravi. Sa loob ng dalawang buwang bakasyon ay hindi ko sya nakita. Balita ko kasi ay nagbakasyon ito kasama ang pamilya nya sa Amerika. Gustuhin ko man syang sundan ay hindi ako pinayagan nila Mommy dahil nahihibang lang daw ako. Inayos ko lang ang sarili ko at naglagay ng kung ano anong make up sa mukha na lalong pagmumukhaing maganda ang mukha ko. At nang masiguro ko na ayos na ang itsura ko ay tsaka lamang ako bumaba. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko na doon sa Dining si Kuya Jeremy na nakaupo at nagbabasa ng Diaryo. Hilig na nya iyon. May pagka nerd si kuya, makapal ang salamin nya, matangos ang ilong, medyo may kahabaan ang buhok at bagsak ito. Mapupula din ang labi nya, sadyang gwapo talaga kaya ang daming babae nanaman siguro sa school ang magkakagusto sa kanya. "You're five minutes late." Sabi ni kuya sa akin, hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Kahit na nagsalita sya ay sa Diaryo pa din ang tingin nya. hindi na ako kumibo at nakita kong lumabas si Manang sa kitchen."Kumain na kayo at baka mahuli kayo sa eskwela." Doon lang binaba ni kuya ang binabasang Diaryo at nang mag umpisa na syang kumain ay kumain na din ako. bacon, eggs, fried rice at hotdog ang karaniwan naming umagahan. konti lang din ang kinakain ko dahil ayokong mabigla ang tiyan ko. dalawang bacon, isang egg at konting fried rice lang ang kinain ko at ganon din si kuya. pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa garahe at nakita naming andoon na si Manong na maghahatid sa amin sa school. nakangiti nyang tinanguan si kuya ganon din ako. nginitian ko si Manong pero si kuya ay dire-diretso lang na sumakay sa kotse. tahimik lang kaming bumabyahe ni kuya papuntang school. ugali talaga nya na hindi ako kinakausap. kung kakausapin man nya ako ay kung may itatanong lang siya tungkol kila mommy at kung magpapaturo ako sa kanya sa assignment bukod doon ay wala na. "You're in Fourth year in high school so please stop acting like you're in middle school. hindi kana bata." sabi nya sa akin, nasa labas ang paningin. "Ikaw din, you're in first year in college so stop acting like you're in high school." pang gagaya ko sa tono ng pananalita nya sa akin. tinignan lang nya ako saglit at bumuntong hininga lang, hindi na sya nagsalita pa. maya maya lang ay nasa school na kami. naunang bumaba si kuya at sumunod ako. nagpasalamat lang kami kay Manong at pumasok na. gaya ng dati, madami akong makikitang transferee's. mahahalata mo naman yon sa mga suot nilang damit dahil mga naka civilian sila at ang mga old students ay naka school uniform and i.d. Sa gawing kanan ang building ko dahil doon ang mga seniors, ang mga freshman naman ay sa pinagigitnaan ng college campus at high school campus. Sa 4th floor ang room ko kaya dali dali na akong umakyat papunta doon. Bukod kay Ravi, excited akong makita si Selene. Ang best friend ko since childhood. Nabalitaan ko kasi na this time ay kaklase ko na siya kaya ganoon na lang ang excitement ko. noong nakaraang school year kasi ay hindi ko sya kaklase. Silang dalawa ni Ravi ay hindi ko kaklase. Pero syempre dahil maganda ako, walang makakapag pahinto sa aking habulin si Ravi kahit na hindi pa kami magkaklase. Same building naman pero different floors. kaya ayos lang yon. "Anfelisa!" agad akong nahinto sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Selene. lumingon ako at nakita ko nga sya sa likuran ko na nakangiti sa akin. "Selene!" tawag ko dito at agad na lumapit sa kanya para yakapin siya. "Ang tagal nating hindi nagkita ah!" saad nya at kumalas na sa pagkakayakap. bahagya siyang pumuti dahil nagbakasyon din sila sa Amerika. nakalimutan ko palang banggitin na pinsan nya nga pala si Ravi. ngumiti ako sa kanya,"Kaya nga eh, kumusta na si Ravi?" galak kong tanong sa kanya at agad na sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanya. "Akala ko ba iba na ang crush mo ha?!" panunukso ni Selene sa akin. "Oy hindi ah!" saad ko dito," Kumusta na siya? magkwento ka nga sa akin!" agad ko syang hinila sa loob ng room namin at doon kami pumwesto sa pinaka likuran sa may gitna. "Bilis mag kwento ka, anong nangyari sa bakasyon nyo ha?" tanong ko kay Selene. "Ayos naman, si Ravi laging nakatambay sa tabing dagat at laging nag gigitara at ako syempre puro kain at tulog at swimming lang ang ginagawa." sabi nya sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi nyang ginawa nya dahil ang mas napag tuunan ko ng pansin ay iyong sinabi nya tungkol kay Ravi." Talaga? nag gigitara siya?" tanong ko kay Selene at tumango naman sya," Anong kanta ang tinutugtog nya?" tanong ko dito. "I don't know, wala naman akong pake sa pinsan ko. He mind her own business so am I." sagot nya sa akin na nakapag pawala ng interes ko. "Ano ba yan!" angil ko kay Selene."Excited pa naman akong makita ka dahil akala ko madami kang maikwekwento sa akin tungkol kay Ravi dahil magkasama kayong nagbakasyon eh." pagmamaktol ko. pinanlakihan naman nya ako ng mata, "Aba sis! ano bang kwento ang gusto mong gawin ko? Pati ba bawat kilos nya kailangang ikwento ko?" tanong nya sa akin. "Oo!" sagot ko sa kanya. "Che! edi dapat sumama ka kung gusto mo pala siyang makita keysa pagkwentuhin mo pako sa ginagawa ng tukmol na yon!" sigaw ni Selene sa akin."May sarili din akong ginagawa noh, kung gusto mong pabantayan sya edi dapat nag hire ka ng secret agent at tsaka mo sya pasundan ng pasundan!" napabuntong hininga na lang ako at tsaka tumingin sa labas ng bintana. masama ang loob ko kay Selene. excited pa naman akong may maikwento sya sa mga ginagawa ni Ravi. dalawang buwan ko kayang hindi nakita si Ravi noh! Pero nabigla ako nang sabihin ni Selene na nag gigitara si Ravi. para kanino kaya iyon? para kaya sa akin? pero imposible. baka para kay Hannah yon, yung crush nya na hanggang ngayon eh hindi pa din sya sinasagot. nawala ang atensyon ko sa labas ng bintana nang marinig kong maghiyawan ang mga babae kong kaklase. malamang alam ko na kung sino ang dahilan kung bakit sila sumisigaw. syempre sino pa ba, edi si Ravi. "Ravi! OMG ang gwapo mo!" sigaw ng isang kaklase ko. "Ang bango mo Ravi!" sigaw ni Eli. "Good morning Ravi! Ang gwapo mo!" Sigaw pa ng isa kong kaklase. madami pa silang bumabati at pumupuri kay Ravi pero hindi ko na lang pinansin. tinuon ko ulit ang pansin ko sa labas ng bintana at tinitigan ang mga puno na hinahangin. sarap titigan. kinalabit ako ni Selene kaya ako lumingon,"Bakit?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ata binati si Ravi ngayon?" tanong ni Selene sa akin. tumingin ako sa gawing unahan namin sa may bandang kaliwa kung saan nakaupo si Ravi. nakita kong pinagkakaguluhan pa din sya ng mga kaklase ko at kita sa mukha nya na naiinis na sya. "Makikisingit paba ako? eh ang dami na nga nyan oh." turo ko sa mga kaklase kong babae na patuloy na bumabati sa kanya. inirapan naman ako ni Selene."Sus, humahanap ka lang ng tyempo nang kayong dalawa lang ang magkakaharap eh." Sabi ni Selene. nginisihan ko lang sya at di na lang ako nagsalita. totoo naman ang sinabi nya, naghahanap lang ako ng tyempo para makausap ko sya ng walang ibang tao. kagaya ng dati kong ginagawa. lagi ko syang binibigyan ng regalo, lagi ko syang binabati. sa tuwing sasali sya sa mga boys pageant lagi kong sinusuportahan si Ravi. lagi ko syang sinusundan kahit na kasama pa nya si Hannah. pero lahat yon balewala lang sa akin. pero sa tuwing nakikita kong sweet sila ni Hannah ay dumidistansya ako, masakit kaya noh! Lahat ng regalo ko ay tinatapon lang nya, kahit na sabihin nya sa aking itinatabi nya lang iyon, sa tuwing bibisita ako sa kanila ay nakikita kong nasa basurahan lang lahat iyon. pero kahit ganoon ang ginagawa nya binabalewala ko lang. hindi sa ganong simpleng pambabalewala nya lang ako susuko noh. matibay to. sunod na pinagkaguluhan ng mga girls sila Ryan at Liam. ang matalik na kaibigan ni Ravi. silang tatlo ang campus crush ng eskwelahan na to. mas madami nga lang ang nagkakagusto kay Liam. kasi si Liam gentleman at friendly. si Ryan naman ay masiyahin. at si Ravi naman ang pinaka masungit at pinaka gwapo sa kanilang tatlo. gwapo lang ang ambag, tss. nahinto lang ang mga girls nang pumasok ang teacher namin. natural, first day of school kaya puro pagpapakilala lang ang ginagawa. nakakabagot, nakakagutom at nakakainip. "Hi I'm Ravi Del Sion." pagpapakilala ni Ravi sa unahan pero nasa labas pa din ng bintana ang tingin ko. sunod naman si Liam,"Hi I'm Liam Gabrielle Simon." natural, nakangiti pa si Liam nang magpakilala. "Hi I'm Ryan Denvil." tumawa pa si Ryan nang magpakilala sya. sunod na nagpakilala ang mga kaklase ko at sunod na akong magpapakilala. "Hi I'm Anfelisa Andriette Germoso." nakangiti kong sabi at isa isang tinignan ang mga kaklase ko na may puno ng paghanga ang tingin sa akin. "Ang ganda nya," dinig kong sabi ni EJ. "wala namang pinagbago, parating maganda si Anfelisa." dinig kong sabi ni Kj. sunod na nagpakilala si Selene." Hi I'm Maria Selene Del Sion." pagkatapos nyang magpakilala ay puro papuri din ang narinig nya sa mga kaklase ko. natapos ang tatlong subject na puro pagpapakilala lang ang ginagawa. break time na ngayon kaya sabay kami ni Selene. "Halika na!" tawag sa akin ni Selene. Sinilid ko lang ang mga gamit ko at nagmamadali na akong lumabas. agad naman akong natumba nang maramdaman kong may nabangga ako. tatayo na sana ko nang makita ko ang galit na mukha ni Ravi."Hindi ka ba sanay tumingin sa dinadaanan mo?!" galit na tanong nya. nakita ko namang nagaalala ang tingin sa akin ni Ryan at Liam. gusto man nila akong tulungan ay hindi nila magagawa dahil magagalit si Ravi sa kanila. tumayo ako at tinulungan ako ni Selene."Sorry." tanging saad ko lang kay Ravi. "Get out!" sigaw nya na nakapag pakaba sa akin. Hinila na lang ako ni Selene pababa ng building. "Ang malas naman ng first day mo girl!" saad ni Selene sa akin at sinuri ako ng tingin,"Ayos ka lang ba?" tanong nya na nagaalala. "Oo, ayos lang ako." Wala sa sarili kong sagot. Nabigla ako sa ginawa ni Ravi sa akin kanina. kahit kailan ay hindi nya pa nagagawa sa akin yon, tanging ngayon lang. sa loob ng tatlong taon kong paghahabol sa kanya ay hindi nya pa ako nagagawang ipahiya sa ibang tao. kaya ganon na lang ang gulat ko sa ginawa nya. Dumiretso na kami ni Selene sa loob ng canteen. siya na ang umorder para sa aming dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagsasalita. nararamdaman ko naman na panay ang titig sa akin ni Selene pero di ko na lang pinapansin. "Hi Selene!" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Hannah kasama ang mga alagad niya. Tinignan muna ako ni Selene bago nya hinarap si Hannah,"Hi Hannah." tipid na bati nya dito. Tumabi si Hannah kay Selene at isinabit nya ang kamay nya sa braso ni Selene. Naiilang na tumitig sa akin si Selene, alam nyang hindi ako komportable sa presensya ni Hannah. Nginitian ko na lang siya para hindi na siya mailang. nagsimulang magsalita si Hannah,"I heard nakasama mo daw si Ravi sa bakasyon?" Excited na tanong ni Hannah. "Yes," sagot ni Selene. "Omg!!" tili ni Hannah,"I heard din na nag p-play sya ng gitar while he's on his vacation right?" tanong ni Hannah, tumango naman si Selene."I think that's for me right, Anfelisa?" hindi ko inaasahang tatanungin ako ng ganon ni Hannah. Titig na titig siya sa akin, umaasa ng magandang sagot. Bumuntong hininga ako tsaka nagsalita,"Eh ano pa nga ba." sagot ko at tsaka ngumiti si Hannah. "Thanks for the support Anfelisa!" Saad ni Hannah at tsaka tumayo na at umalis. Inirapan ko si Hannah habang nakatalikod siya. Sa tingin ko naman ay sinasadya nyang gawin yon dahil alam nyang matagal na akong may gusto kay Ravi. at dahil sa kanya kaya ako hindi pinapansin ni Ravi. "Ayos ka lang?" tanong ni Selene sa akin. "Oo naman," sagot ko at ngumiti sa kanya. "Hayaan mo na si Hannah," saad ni Selene. Sakto namang dumating ang order namin at inumpisahan na naming kumain. Nang matapos kaming kumain ni Selene ay nagpaalam muna syang didiretso sa locker area. kukuhanin daw nya yung libro para sa next subject. ang sabi ko naman ay wag na dahil puro pagpapakilala lang naman ang gagawin namin. pero ang sabi nya sa akin ay terror teacher daw ang susunod na subject at baka daw magturo iyon kahit first day of classes. buti na lang ako ay hindi ko pa nailalagay sa locker ko ang libro ko, lahat yon ay nasa bag ko pa. Bago ako makarating sa building namin, madadaanan ang field at ang mga bench sa gilid non katabi ng mga puno. tsaka sunod na madadaanan ang college campus, at tsaka pa lang high school campus. Nang nasa field na ako ay may tumawag sa akin. "Anfelisa!" boses iyon ni Liam. nang lingunin ko ito ay kasama nya si Ravi at Ryan. Nakaupo silang tatlo sa paborito nilang bench. Doon sila pumepwesto dahil may katabi iyong malaki at magandang puno ng Narra. iyon din kasi ang pinaka malilim na bench. "Hi," bati ko kay Liam. Sinenyasan ako ni Liam na lumapit sa kanila kaya lumapit ako. "Hi Ryan, Hi Ravi." Bati ko sa kanila nang makalapit ako. "Kumain kana?" tanong sa akin ni Liam. Tumango ako,"Oo kanina pa kasabay ko si Selene." namula si Liam nang marinig nya ang pangalan ni Selene. Matagal na ding may gusto si Liam kay Selene, nag start lang din iyon noong nag high school kami. Gustong gusto na nyang ligawan si Selene kaso ayaw pa ni Selene. ang dahilan nya ay tsaka na lang daw kapag may kanya kanya na kaming trabaho. "Madami bang nakain si Selene?" tanong ni Liam. "Oo naman," natatawa kong sagot. "Ikaw Ryan kumain kana?" baling ko kay Ryan. natural, ngumiti ito sa akin."Hindi pa eh, busog pa ako." saad nya. Natawa naman si Liam, "Si Ravi ba hindi mo tatanungin kung kumain na sya?" tanong ni Liam sa akin. nakita ko namang umirap sa kawalan si Ravi, hindi kumikibo. umiling ako na ikinagulat ni Ryan at Liam,"Hindi na, kakain naman yan kung gutom siya." Sagot ko na lalo nilang ikinagulat. nakita kong ngumisi si Ravi. "Sa tingin ko may masamang espiritu ang sumanib sayo Anfelisa," Saad ni Ryan. "Bakit naman?" natatawang sabi ni Liam. "Eh kasi hindi yan ang Anfelisa na kilala natin eh!" sabi ni Ryan, natawa ako." Kasi ang Anfelisa na kilala natin iyon yung nangungulit kay Ravi kung kumain naba siya at tuwing first day of school lagi kang may espesyal na regalo dito kay Ravi!" natatawang kwento ni Ryan. "Shut up, Ryan." saway sa kanya ni Ravi. Inakbayan ako ni Liam, nakita ko namang tumingin sa gawi namin si Ravi pero agad din nyang inalis."Wala ka naman sigurong lagnat diba Anfelisa?" kunyari ka pa nyang kinapa ang noo ko, tinitignan kung may lagnat."Nagbago kana!" sabi sa akin ni Liam. "Sabihin na lang nating ayokong mangulit ngayon," Sabi ko na ikinagulat nilang tatlo, bahagyang nagulat si Ravi pero agad din syang nakabawi."Eto lang naman siguro yung first day of school na hindi ako mangungulit at magbibigay ng regalo kay Ravi." sabi ko sa kanila. "Nagbago kana nga," Sabi sa akin ni Ryan. "Pagod lang ako ngayon, siguro sa mga susunod na araw na lang ako mangungulit kay Ravi, diba Ravi?" binalingan ko sya at masama na ang titig nya sa akin, nginisihan ko naman siya. "For me, it's better na wag kana lang mangulit." Sabi nya, tila hindi interesado. "Hindi ang salita mo ang makakapigil sa akin Ravi," saad ko dito, tinignan naman nya ako."Maghintay ka lang, mahuhulog din ang loob mo sakin." "That's impossible." Sabi nya. "No, it's possible." kontra ko. Tumayo na ako upang talikuran sila pero napahinto ako sa sinabi ni Ravi."Malapit na akong sagutin ni Hannah, I think itigil mo na yang pangungulit mo." tila napako ang paningin ko sa damong nilalakaran ko, hindi agad ako nakalingon at hindi agad ako nakapag salita. Nang makabawi ako ay tsaka ko sya nilingon, "How sure are you?" tanong ko, natigilan naman siya."Kung talagang gusto ka ni Hannah, hindi na nya patatagalin pa ng tatlong taon ang panliligaw mo sa kanya." saad ko at ngumisi ako. Ngumisi din sya sa akin," Tonight she will be my girlfriend." saad niya. "Tonight, this is the worst night for you." Saad ko at tuluyan ko na silang tinalikuran. Hindi ako sigurado sa mga sinabi ko. Malakas kasi ang kutob ko na hindi sya sasagutin ni Hannah, kung magpopropose man siya dito ngayon. Dahil kung gusto talaga siya ni Hannah, hindi nito patatagalin ng tatlong taon ang panliligaw niya. Sa tingin ko kaya lang naman pumayag si Hannah na magpaligaw sa kanya ay para Inisin at saktan ako. Pero hindi din malabo na sagutin siya ni Hannah ngayon. At kung sagutin man siya ay siguradong mapapahiya ako at wala na akong tyansa pa na habulin siya. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook