“Where have you guys been? Kanina pa namin kayo hinahanap?! Do you know what time it is?!” mataas ang boses ni Chance at tinapunan niya ng masamang tingin itong pink Sony Walkman WM-20 na dala ko na napanalunan ni Kairos para sa akin. Tiningnan ni Kairos ang orasan niya. “It’s 2 am. Why?” confident niyang sagot na ikinagulat ko. Malamang hinahanap na ako ni Hillary. “Oh tapos? Hindi ka man lang nag-alala?” tanong ni Chance sa kanya. “I know what time it is already, and I told you, ihahatid ko naman si Rosheen sa kanila ng safe, bakit kailangan ko mag-alala? I have a car.” maangas ding bulyaw ni Kairos sa galit na ring si Chance. Napabuga ng hininga si Chance sa inis. Pareho lang kami ni Ashey na tahimik sa tabi nang dalawa. “Bakit ako mag-aalala? Madaling araw na nasa labas pa sila.

