I HOPE I WAS YOUR FAVORITE CRIME
I HOPE I WAS YOUR FAVORITE CRIME
(INSPIRED IN SOUR ALBUM OF OLIVIA, FAVORITE CRIME. QUITE LONG, BUT HOPING YOU READ THIS)
"Ang sakit, Olivia. Tangina! Deserve ko ba 'to? Binigay ko naman lahat, naubos na nga ako, pero nagawa niya pa rin akong lokohin." As he describes what happen between him and his ex-girlfriend Hana, tears stream down in his innocent face.
I smiled to make him feel better. A smile with a concealed message implies that everything will be alright. "I'm not good at giving advise, Romeo, but I'll listen to any of your rants without passing judgment. You got me!"
He gave me a single stare, and the weight in my chest dissipated as he smiled in front of me. Kahit pilit ito ay kitang-kita ko sa mga mata niya na lubos siyang nagpapasalamat dahil narito ako para sa kaniya.
Matagal na akong lihim na umiibig kay Romeo. We are schoolmates since elementary, junior highschool, senior highschool and until now that we are in college. To be exact, magkababata kami.
"Tigilan niyo nga siya!" nakasimangot na ani niya nang makitang agawan ako ng pagkain ng grupo nina Shane.
Shane gave him a mocking grin, that's why he grabbed my food from Shane's hand. Tinapunan ako niya ng titig sabay hila sa akin palabas ng silid-aralan.
"H'wag mong hahayaan na alipustahin ka ng iba, lalo na kapag alam mong hindi mo deserve 'yon." pagbasag niya ng katahimikan nang dalhin niya ako sa cafeteria ng aming eskwelahan.
"S-Salamat." nahihiyang tugon ko.
Simula nang araw na iyon ay naging malapit kami sa isa't-isa. Siya rin ang gru-ma-duate ng valedictorian ngayong elementary. Hindi na rin ako magtataka kung bakit ganoon kalawak ang pag-iisip niya sa pagbibigay ng payo.
At ngayong kolehiyo na kami, nasaksihan ko ang labis na pagpupursigi niya sa pag-aaral. Mas na doble pa ang sipag niya sa pag-aaral and still, he is honor student. He's also running for valedictorian in our batch. We're still bestfriend, but everything's change. We barely talk or even meet because of his girlfriend. I respect their quality together, at ayaw kong ipagkait iyon sa kanila.
"Olivia, m...mahal na mahal ko siya. I can't let her go. She's everything to me, she's exactly what world I imagine when my parent's broke up. Ayaw kong matulad sa kanila, Olivia. H...Hindi ko gustong matulad sa kanila." he sobbed.
"Noong naghiwalay ang magulang ko, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako matutulad sa kanila. Na ang magiging girlfriend ko ay siyang magiging nanay ng mga magiging anak ko. Olivia, nasaksihan mo kung gaano ako kapili sa babae. Lahat ay iniwasan ko dahil hinahanap ko ang babaeng labis na magpapatibok sa puso ko, at si Hana 'yon. T...Tulungan mo ako. I can't afford to lose her..." and then he hugged. He also put his head on my shoulder and cried a lot.
It kills me seeing him in this situation. Bakit hindi na lang kasi ako? Kailan mo ba ako makikita? Tangina, Romeo, and manhid mo!
I tapped his back, "Let yourself unwind. Ipapaalam kita kay Tita Beatrice, you need fresh air. Let's go to Tagaytay."
He nodded as response.
-
"Bakit ang lungkot mo pa rin? Mukha ako lang ata ang masaya sa pupuntahan natin." reklamo ko nang makitang nakabusangot siya habang nakatitig sa labas ng kotse. Ako ang nagmamaneho dahil alam kong wala pa siya sa wisyo.
"Masaya ako." walang kabuhay-buhay na tugon niya dahilan para mas lalo ko pa siyang asarin.
"Masaya ako," panggagaya ko. "Ayusin mo nga 'yang mukha mo, Romeo. Mukhang dala mo lahat ng sama ng loob dito sa mundo." pahabol ko. Bahagya naman siyang natawa kaya nakaramdam ako ng tuwa dahil napagaan ko ang loob niya kahit pa pa'no.
Hindi rin naman nagtanggal ang byahe. Narating namin agad ang Tagaytay dahil wala masyadong sasakyan dahilan para hindi magkaroon ng traffic. Ipinarada ko ang dala naming sasakyan at lumabas dito. Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila galing sa pagkakaupo. Dinala ko siya sa harap nang sasakyan at doon naupo.
"Alam mo ba, may isang taong nagturo sa akin kung pa'no maging matatag. Kahit anong pagsubok ay kayang malagpasan kung magiging matatag ka." nakangiti ako habang inaalala ang nakaraan naming dalawa. "H'wag mong hahayaan na alipustahin ka ng iba, lalo na kapag alam mong hindi mo deserve 'yon."
Bigla itong napatingin sa 'kin, "Naaalala mo pa pala 'yan?" manghang tanong niya.
I nodded, "Oo naman. Kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi ko pa rin nakikita ang worth ko. Salamat, Romeo."
Ngumiti ito, "Salamat din. Lagi kang nariyan para sa'kin. Sobrang laking pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo."
Kaibigan? Bakit ako nasasaktan? All these years tinago ko ang nararamdaman ko sa kaniya dahil mayroon na siyang ibang napupusuhan.
Mayroon kaming limang araw dito sa tagaytay upang kalimutan ang panandaliang problema na kinahaharap niya.
Sa unang araw namin ay sumakay kaming sky ranch. Ayaw ko pang sumakay noong una dahil mayroon akong fear of heights.
"A...Ayaw kong sumakay. Hihintayin na lang kita rito." nanginginig ako habang nakatingin sa itaas. Pa'no na lang kung masira 'yan? Ayaw kong mamatay ng virgin!
Napangiti naman siya, "Tara na. Hahawakan ko na lang ang kamay mo hanggang sa makababa tayo para hindi ka matakot."
Wala na akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko. Sa unang pagtapak ko sa loob ay bahagya itong umalog dahilan para mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya at mayakap pa ito.
"See, hindi naman nakakatakot 'di ba?" hindi na ako nag-abalang sumagot pa dahil lubos na napukaw ang aking atensyon ng magandang view na natatanaw ko galing sa itaas. Everything about here is immaculate.
"Ang ganda! Sobrang ganda naman dito, Romeo." manghang ani ko ng halos ulap na lang ang natatanaw naming dalawa.
"Salamat, Olivia." kumunot naman ang noo ko.
"Bakit ka nagpapasalamat? Ako nga dapat itong magpasalamat sa'yo dahil naharap ko ang isa sa mga kinatatakutan ko." napakamot tuloy ako sa aking ulo.
We're still holding hands, and his grip has gotten tighter over time. I smiled out of nowhere, hindi ko inaakalang darating kami sa puntong 'to.
Naukupa ang aking isipan dahil sa kamay niyang hindi bumitaw sa pagkakahawak sa akin dahilan para hindi ko mapansin na kailangan na pala naming bumaba.
"S...Salamat." tumingin ako sa kamay namin at nakita niya naman iyon. Agad itong bumitaw at humingi nang tawad.
-
Sa ikalawang araw ay nagtungo kami sa tagaytay picnic grove. Kung nakaka-relax ang view kahapon sa sky ranch, mas mamamangha ka rito sa ipinagmamalaki ng tagaytay na picnic grove.
We arranged our belongings on a table with two chairs, which was designed for two people.
"This place is so soothing and calming. Salamat dahil sinusunod mo ang mga lugar na gusto kong puntahan, Olivia." he said. He grabbed my hand and kissed it. Nanlaki naman ang mata ko ngunit siya ay bahagyang natawa lang sa aking reaksyon.
"Kaya nga tayo nagtungo rito, para sa'yo, kung saan ka mas sasaya, doon ako." mahinang tugon ko dala pa rin ng pagkabigla dahil sa ginawa niya kanina.
Nagtaka ako nang bigla niyang ilahad ang kaniyang palad, "Halika. Sumakay tayo sa kabayo."
"Ha?! Sigurado ka? Baka biglang magalit 'yong kabayo at dumiretso pababa, ayaw kong mamatay agad, Romeo, umayos ka!" Tumulo ang pawis ko ng makita ang kabayo.
"Hahawakan ko ulit ang kamay mo." Ngumiti ito, ngiting nagpakalma sa buong sistema ko. Wala na akong nagawa pa, para sa kaniya naman ang lahat ng ito kaya dapat kong sundin kung saan siya sasaya.
He assists me in climbing the horse. Nang tuluyan akong makaakyat ay sumakay na rin siya na ngayon ay nasa likod ko. Nasa likod ko?!?! Kung alam niya lang na sa simpleng galaw niya ay halos magwala na ang buong sistema ko.
"Pagkabilang ko ng tatlo, itaas mo ang tali. Akong bahala sa'yo, h'wag kang mag-alala." he gave assurance. "Isa...dalawa...tatlo."
Iwinagayway ko ang tali, tumakbo naman ng dahan-dahan ang kabayo. Nanlaki ang mata ko ng mapansin na kailangan namin lumiko ngunit hindi ako marunong. Naramdaman ko na lang ang biglang pagpulupot ng kaniyang kamay sa aking katawan patungo sa tali ng kabayo. Dahan-dahan niyang iniangat ang tali, napasunod niya naman ang kabayo upang lumiko.
"Marunong ka pa lang mangabayo? Saan mo natutunan 'to?" Nagtatakang tanong ko. Magkababata kami ngunit hindi ko alam na marunong siyang mangabayo, hindi naman kami nag-aral nito.
He smiled and look nothingness, "This is my favorite place, Olivia. Our favorite place." Hindi ko nadinig ang huli niyang sinabi, hindi na rin ako nag-abala na tanungin pa kung ano ito.
-
Sa ikatlong araw naman ay nagtungo kami sa Cafe Veranda Cultural Show. Isa itong sikat na hotel na mayroon din four couse filipino meal. There is one show at lunch and one at dinner — they perform cultural dances like tinikling and carinosa.
Hindi mag-umapaw ang sayang nadarama ko ng masaksihan na may mga Pilipino pa rin pa lang nagpapanatili sa ating kultura. Masaya akong nakatitig sa kanila habang masaya naman silang sumasayaw.
Mayroon ding iilang magnobyo't nobya na masayang sumasabay at sumasayaw na puno ng ngiti sa labi.
Inilahad niya ang kaniyang palad. Ngumiti naman ako dahil alam ko na ang kaniyang ipinapahiwatig.
"Hindi pa rin nawala ang husay mo sa pagsayaw, Olivia." pamumuri niya nang makitang mabilis akong nakasabay sa ibang mananayaw dito.
"Talaga ba, Romeo? Sino bang nagturo sa akin na sumayaw? Hindi ba't ikaw? Mas mahusay ka."
"Olivia, mahal kita," natigilan ako sa sinabi niya. "Masyado ba akong nakatutok sa iba noon kaya hindi kita nakita agad? Ang tanga ko naman kung ganoon."
"You're lying. Stop, Romeo," I said and gently removed my hand out of his shoulder. Lumabas ako ng hotel, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Halo-halo ang nadarama ko, takot, saya, lungkot.
Hinabol ako nito, nang maabutan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko, "May nasabi ba akong mali? Alam kong mabilis pero...seryoso ako sa'yo." sinserong ani niya.
"Natatakot ako...natatakot ako na baka pinaglalaruan mo lang ako. H'wag mo ng guluhin ang puso kong pilit binubura ang nararamdaman ko para sa'yo. M...Mahal kita, Romeo, matagal na." tears fell on my face as I finally spoke the weights inside my chest.
As of sudden, I felt his arms snake around my body, "I won't hurt you. Hindi ko kaya 'yon, Olivia. Seeing you in pain kills me." and suddenly I remembered when we were elementary, pinagtanggol niya ako kina Shane kahit hindi pa namin kilala ang isa't-isa noon. Why don't give him a chance? I know Romeo, he's not playboy and cheater.
"P...Please. Just for this time, hayaan mong patunayan ko sa'yo na mahal kita." he said, and he kissed my forehead.
-
Sa ikalimang araw namin sa tagaytay ay naisipan naming manatili na lang sa loob ng hotel dahil makulimlim sa labas at mukhang uulan pa. Lumipas ang ilang minuto at hindi nga ako nagkamali, umulan ng malakas.
May naisip akong ideya upang maibsan ang buryo naming dalawa. Hinatak ko siya palabas ng aming kwarto at dinala sa ground floor.
"Anong gagawin natin dito?" his brows creased.
Ngiting-ngiti naman ako, "Maliligo tayo sa ulan!"
"Ano? Ayaw k..." Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin nang hatakin ko siya palabas. Magkahawak lang ang aming kamay habang patakbong sinusulong ang ulan.
Dahan-dahang bumagal ang buong paligid nang titigan niya ako. Ipinatong niya ang aking kamay sa kaniyang balikat at inilagay niya naman ang kaniyang kamay sa aking baywang.
"Binibini. Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo? Naramdaman lang bigla ng puso. Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito. Kaya sabihin mo sa akin..." ang tinig niya, tinig niyang alam kong magiging dahilan upang kumalma ako sa lahat ng bagay.
Ngumiti ito bago ipinagpatuloy ang susunod na liriko, "Ang tumatakbo sa isip mo. Kung mahal mo na rin ba ako..." his husky voice makes the song even more beautiful. I nodded as my response.
"Isayaw mo ako. Sa gitna ng ulan, mahal ko. Kapalit man nito'y buhay ko..." nakangiti kaming dalawa habang nakatitig sa isa't-isa. Hindi namin iniinda kung may ibang tao ang nakatitig sa aming dalawa, tanging ako at siya lang sa mundong binuo naming dalawa.
"Gagawin ang lahat para sa 'yo. Alam kong mahal mo na rin ako." he slowly brought his lips close to mine and oppressed by a kiss.
-
Ito na ang huling araw namin dito sa tagaytay. Masaya ako dahil mukhang maayos na si Romeo, hindi na mababakas sa kaniyang mukha ang lungkot at pighati.
Nagtungo kami sa isang beach resort dito sa tagaytay. Ang tanging plano lang namin ngayong araw ay sabay tingnan na lumubog ang araw.
Nakasandal ako sa balikat niya habang nakatitig sa araw na malapit ng lumubog.
"Hindi ko inisip na darating tayo sa araw na 'to, na ako naman ang mamahalin mo. Sobrang saya ko, Romeo. Ang saya-saya ko!"
He tapped my head, "Thank you for bringing joy to my life, to start a new one with you. Thank you for everything, for taking care of me." Nang tuluyan ng lumubog ang araw, bumalik na kami sa aming sasakyan pauwi ng manila.
Siya naman ngayon ang nagmaneho dahil pagod ako. Buong byahe ay hindi niya binitawan ang aking kamay na lalong naging dahilan ng pagwawala ng paro-paro sa aking sistema.
If this is a dream, I don't want to wake up.
-
Iminulat ko ang mata ko nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Masaya akong binuksan ang aking telepono upang tingnan kung may mensahe ba akong natanggap galing kay Romeo.
Nadismaya lang ako dahil wala. Marahil ay labis siyang napagod sa byahe namin kahapon.
Bigla akong nanghina nang mabuksan ang mensahe ng aking bestfriend na si Trisha.
"Bes, your bestfriend Romeo and Hana are officially together, again. The campus queen and king is back, swerte talaga ni Hana sa bestfriend mo." nanlaki ang mata ko at 'di namalayan ang pagtulo ng luha galing dito.
I searched his name a...and she's right. They are officially together as what their status says. In relationship, nice. Pa'no naman ako, Romeo? Bakit parang kahapon lang ang saya-saya pa nating dalawa, ano ako? Panandaliang aliwan mo? Tangina.
Nanginginig man ay pilit ko tinawagan ang numero niya.
"C...Can we talk?" my voice cracked. "At park of our subdivision." pahabol ko sabay i-end ang call.
-
I waited for almost ten minutes after he arrived. A moment of silence wrapped between us.
"B...Bakit?" unang salitang kumawala sa aking bibig.
Nakatayo lang ito sa harap ko. Nakayuko ito at hindi kumikibo.
"Please tell me, m...minahal mo ba talaga ako?" I begged.
"A...Akala ko mahal kita, nagkamali ako." tugon niya na lalong ikinawasak ng puso ko.
"Akala ko ikaw na ang tinitibok nito pero, Olivia, siya pa rin pala." his words is like a sharpen knives which seemed stabbing my heart.
"Lahat ng pinuntahan natin sa tagaytay ay nauna na naming pinuntahan ng magkasama. Akala ko mahal kita, nakita ko lang pala siya sa'yo. Minahal kita dahil sa pagkakatulad niyo, hindi dahil ikaw bilang Olivia. S...Sana mapatawad mo ako." Isang malakas na sampal ang lumandas sa kaniyang pisngi. Patawad? Para saan? Sa pang-uuto sa'king mahal mo ako.
"Stop, narinig ko na ang dapat kong marinig." I stood up.
"I thought you're happy while creating memories with me, pero nagkamali ako. You were happy because you did it together before and I — myself, reminds you of her." I wiped my tears. "Bakit ko nga ba naisip na kaya kitang pasayahin, na kaya kitang buuin eh never naman akong naging siya. Kahit anong gawin ko, wala akong puwang d'yan sa puso mo. Nilaban ko pa kasi kahit alam ko namang sa una pa lang talo na ako."
Before I walk away, I stared at him straight in the eye, "The things I did, Just so I could call you minе, but I failed. Well, I h...hope I was your favorite crime."
"I'll miss walking with you, if I only knew that was the last, I'd walk slower." bulong ko.
—
a work of fiction