Saksi Ang Buwan

932 Words
Ang itim na envelope ay nakalapag sa table, tila isang sumpa na pilit nagnanakaw ng aming kapayapaan. Tiningnan ko si Karius dahil nakapagpasya akong hindi ko hahayaang ang multo ni Sarah ang maghari sa gabing ito. “Huwag mo munang isipin 'yan,” bulong ko, sabay hila sa kanyang kamay mula sa pagkaka-kuyom. “Karius, hindi ako makatulog. At alam kong ikaw din.” Tiningnan niya ako, bakas pa rin ang dilim sa kanyang mga mata. “Anong gusto mong gawin?” “Tumakas tayo,” ngumiti ako, isang ngiting puno ng pilyong balak. “Kahit isang gabi lang, huwag tayong maging Boss at assistant s***h fiancé. Maging Karius at Sebrina lang tayo.” Hindi kami lumayo. Dinala niya ako sa pinakatuktok ng malawak na hardin ng mansyon, sa isang private gazebo na nakadungaw sa bangin kung saan matatanaw ang kumukutitap na ilaw ng siyudad at ang pilak na repleksyon ng buwan sa lawa. Naglatag kami ng kumot sa damuhan. Walang wine, walang mamahaling pagkain. Dalawang mug lang ng kape na ipinatimpla ko kay Elena at ang malamig na simoy ng hangin. “Dito ako pumupunta noong bata ako,” pagsisimula ni Karius, habang nakatingala sa mga bituin. “Noong pakiramdam ko ay masyadong masikip ang pangalan ko. Ang mga bituin lang ang hindi nag-eexpect sa akin na maging perpekto.” “Alam mo, noong bata ako,” pagbabahagi ko naman, habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat, “pangarap ko lang ay magkaroon ng maliit na bakery. Para amoy tinapay ang buong bahay namin ni Benji. Simple lang ang buhay Espinosa noon, Karius. Masaya na kami sa isang platong pansit.” Natawa siya nang mahina, isang tunog na musika sa aking pandinig. “A bakery? Sa daldal mong 'yan, baka maubos ang tinda mo dahil sa pakikipagkwentuhan sa mga suki.” “Grabe ka! At least ako, friendly. Eh ikaw? Kung naging tindero ka, baka magsitakbo ang mga customer mo sa sobrang sungit ng mukha mo!” Humarap siya sa akin, ang distansya ng aming mga mukha ay sapat na para maramdaman ko ang init ng kanyang hininga. “Hindi ako masungit, Sebrina. Pinipili ko lang ang taong karapat-dapat sa atensyon ko.” “Sus! At bakit, karapat-dapat ba ako?” hamon ko sa kanya, pilit na itinatago ang kilig. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang labi sa aking tenga. “You're more than worthy. You're the only person who dared to scrub the back of a Montero without blinking. Sa tingin mo, hahayaan kong gawin 'yun ng kahit sino lang?” Kinurot ko siya sa tagiliran, dahilan para mapatawa siya nang tuluyan. “Ang yabang mo talaga! Pero salamat, Karius. Para sa lahat. Para kay Benji.” Hinuli niya ang aking kamay at dahan-dahang hinalikan ang bawat daliri ko. “Stop thanking me, Sebrina Espinosa. Ginagawa ko ito dahil gusto ko. Dahil ayaw kong makitang umiiyak ang babaeng nagsisimula nang sumakop sa bawat gabi ko.” Tumayo ang mga balahibo ko hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa tindi ng pagkakatitig niya. Ang liwanag ng buwan ay nagbibigay ng misteryosong kislap sa kanyang mga mata—isang anyaya na hindi ko kayang tanggihan. Tumayo siya at hinila ako patayo. Isinayaw niya ako nang walang musika, sa ilalim ng saksi ng buwan at mga bituin. Ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa aking bewang, at ang aking mga kamay ay nakakapit sa kanyang leeg. “Sebrina,” bulong niya. “The contract... it feels like a lie now.” “Bakit?” “Because there is no amount of money that can pay for the way I feel when I’m with you.” Dahan-dahan niyang iniyuko ang kanyang ulo at nilapat ang kanyang labi sa akin. Sa pagkakataong ito, wala nang pag-aalinlangan. Ang halik ay nagsimulang matamis, hanggang sa maging malalim at puno ng pagnanasa. Lub-dub Lub-dub Ramdam ko ang t***k ng kanyang puso na sumasabay sa bilis ng sa akin. Binuhat niya ako nang parang bagong kasal pabalik sa loob ng mansyon. Hindi na kami dumaan sa main door, kundi sa terrace na diretso sa aming silid. Ang bawat hakbang niya ay puno ng determinasyon. Pagpasok sa kwarto, tanging ang liwanag na lang mula sa buwan ang nagbibigay-silbi sa dilim. Ibinaba niya ako sa malambot na kama, pero hindi niya binitiwan ang aking paningin. Hinubad niya ang kanyang suot na t-shirt, inilantad ang kanyang matikas na katawan na unt-unti nang naghihilom ang mga sugat. Lumuhod siya sa kama, sa ibabaw ko, ang kanyang mga kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid ng aking ulo. “Tonight, Sebrina,” aniya, ang boses ay mababa at puno ng pangako. “Walang boss. Walang assistant s***h fiancé. Ikaw at ako lang.” Idinikit niya ang kanyang noo sa akin, ang kanyang mga daliri ay dahan-dahang binubuksan ang tali ng aking silk robe. Ang bawat haplos niya ay tila nag-iiwan ng apoy sa aking balat. “Are you sure?” tanong niya, isang huling paggalang sa aking desisyon. Sa halip na sumagot, hinila ko ang kanyang leeg pababa para muling maglapat ang aming mga labi. Ang aking sagot ay ang paraan ng pagyakap ko sa kanya—isang pagsuko na matagal ko nang gustong gawin. Habang ang aming mga damit ay unt-unting nalalaglag sa sahig at ang init ng aming mga katawan ay nagiging isa, hindi ko napansin ang itim na envelope sa labas na dahan-dahang nililipad ng hangin. Sa ilalim ng kama, ang phone ni Karius ay muling umilaw, isang unknown number ang nag-text: “Enjoy the night, Karius. Because tomorrow, Sarah's apartment will show Sebrina the truth you've been trying to kill.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD