Ang Reyna ng Gabi

1226 Words
Ang dambuhalang mall na dati ay dinadayo ng libo-libong tao ay tila naging isang pribadong kaharian para sa aming dalawa. Sa bawat hakbang namin sa makintab na sahig, umaalingawngaw ang tunog ng aming mga sapatos sa gitna ng katahimikan. Lahat ng store managers ay nakayuko bilang paggalang. “Ganito pala ang pakiramdam ng maging isang Montero,” bulong ng isip ko. “Para akong naglalakad sa isang panaginip na ayaw ko nang gisingan.” Dinala ako ni Karius sa isang rooftop restaurant sa loob ng mall. Walang ibang customer. Ang tanging naroon ay isang violinist na tumutugtog ng isang banayad na kanta at ang mga waiter na tila mga ninja sa bilis at tahimik na pagsisilbi. Habang kumakain kami ng steak, hindi ko mapigilang mapatitig kay Karius. Sa ilalim ng madilim na ilaw ng restaurant, mas lalong lumilitaw ang matikas niyang panga at ang malalim niyang mga mata. “Kumain ka na, Sebrina. Baka malusaw ako sa tingin mo,” puna niya, may bahid ng panunukso sa boses. “S-sino namang tumitingin sa 'yo? Ang kapal din ng mukha mo, Boss!” sagot ko sabay subo ng malaking piraso ng karne. Pero sa sobrang bilis ko, may naiwang sauce sa gilid ng labi ko. Napatigil siya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siyang masungit, pero laking gulat ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Kinuha niya ang kanyang table napkin at dahan-dahang pinunasan ang gilid ng labi ko. Ang kanyang mga daliri ay bahagyang dumampi sa balat ko, at ang kanyang hininga ay naramdaman ko sa aking pisngi. “Lord, kunin niyo na po ako! Ang bango niya, ang lambot ng haplos niya!” sigaw ng aking isipan. “Espinosa, huminga ka! Baka himatayin ka rito, nakakahiya!” “You're like a child, Sebrina,” bulong niya, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa mga labi ko. “Messy but... captivating.” Hindi ako nakasagot. Ang puso ko ay tila nakikipag-karera sa bilis ng t***k. Nang bumalik siya sa upuan niya, tila wala na akong malasahan sa kinakain ko dahil ang tanging nararamdaman ko lang ay ang init ng kanyang dampi. Matapos kumain, nagsimula ang tunay na "Montero Experience." Naglakad kami sa tapat ng mga luxury boutiques. Huminto ako sa tapat ng isang display ng mga sapatos. Isang pares ng crystal-encrusted heels ang kuminang sa mata ko. “Ang ganda…” bulong ko. “Pack it,” utos agad ni Karius sa manager na sumusunod sa amin. “Hala! Wait lang, tiningnan ko lang naman!” saway ko. Pero hindi siya nakinig. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tumingin ako sa isang designer bag na kulay emerald green. “Bagay 'to sa dress ko,” isip ko. “Buy it,” sabi na naman niya. “Karius! Hindi ko pa nga nahahawakan, bibilhin mo na agad?” Lumingon siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya, ang kanyang kamay ay protektibong nakapatong sa bewang ko. “Sebrina, ang mga Montero ay hindi naghihintay na magustuhan ang isang bagay. Kapag tiningnan mo ito ng higit sa tatlong segundo, ibig sabihin ay gusto mo ito. At kapag gusto mo, akin... ay, mali, sa 'yo na.” “Kilig to the bones! Pwede bang ganito na lang tayo habambuhay?” Ang isip ko ay parang may fireworks display. Sa bawat titigan ko—mula sa mamahaling pabango hanggang sa silk scarves—lahat ay itinatabi na ng mga staff para sa akin. Pumasok kami sa isang kilalang Italian fashion house. Pinaupo ako ni Karius sa isang velvet lounge chair habang ang mga staff ay isa-isang inilalabas ang mga designer clothes. “Isukat mo ang lahat ng 'yan,” utos niya habang umiinom ng espresso. Nagsimula akong magsukat. Bawat labas ko sa fitting room, nakikita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Mula sa isang sleek black dress na nagpapakita ng aking kurba, hanggang sa isang white silk gown na tila pang-reyna. Sa bawat sulyap niya, nararamdaman ko ang paghanga na hindi niya maikubli. “You're beautiful in everything, Sebrina,” sabi niya, ang boses ay seryoso. Napayuko na lamang ako ng may ngiti aking labi. Biglang lumapit ang store manager na may dalang dalawang hanger. “Sir, Ma'am, we have a very special piece. A limited edition couple outfit. It's a matching tailored suit for the gentleman and a contemporary modern dress for the lady, handcrafted with the same fabric and pattern. There are only five of these in the world.” Nagdalawang isip ako. “Matching outfit? Baka magmukha kaming bibisita sa binyag. At malabo ring isuot ni Karius.” Pero bago pa ako makahindi, tumayo si Karius. “We'll take it. And we'll wear it now.” Gulat akong sumunod sa kan’ya papunta sa mga fitting rooms. Ako at si Karius with matching outfit? Kung mas hahaba pa ang gabing ito ay siguradong sasabog na ako. Nang lumabas kami sa fitting room, tila huminto ang mundo. Karius was wearing a midnight blue suit with subtle silver pinstripes, and I was wearing a dress of the same material that hugged my body like a second skin. Nang tumabi ako sa kanya sa harap ng salamin, tila nakakita ako ng isang tunay na power couple. “You look... perfect,” bulong ni Karius habang nakatingin sa aming repleksyon. Iniyakap niya ang kanyang braso sa balikat ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Sa sandaling iyon, hindi ko na naramdaman ang bigat ng kontrata. Ang nararamdaman ko lang ay ang pag-ibig na tila dahan-dahang namumukadkad sa gitna ng karangyaan. Madaling araw na nang lumabas kami ng mall, bitbit ang napakaraming shopping bags na agad namang inilagay ng mga guards sa trunk. “I'll drive,” sabi ni Karius, na ikinagulat ko. Hindi ko pa siya nakitang magmaneho dahil lagi siyang may driver. Sumakay ako sa passenger seat ng kanyang sports car. Pagpasok niya, ang amoy ng kanyang sandalwood perfume ay agad na sumakop sa maliit na espasyo ng sasakyan. “Sebrina, your seatbelt,” paalala niya. “Ay, oo nga pala.” Susubukan ko sanang abutin pero naunahan niya ako. Inilapit niya ang kanyang katawan sa akin para kunin ang seatbelt. Ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lang mula sa leeg ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang balat at ang marahang pagdampi ng kanyang braso sa aking dibdib. Napatigil siya sa pag-lock ng seatbelt at dahan-dahang tumingin sa akin. Ang mga mata niya ay nag-aapoy na sa pagnanasa. Ang kanyang hininga ay mainit na humahaplos sa aking mga labi. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay tila naging isang mabigat na kuryente. “Karius…” bulong ko, ang boses ko ay nanginginig. “I tried to be patient tonight, Sebrina,” paos niyang sabi, ang kanyang kamay ay dahan-dahang gumapang sa aking hita, pinapataas ang laylayan ng aking bagong dress. “But you're making it impossible for me.” Inilapit niya ang kanyang labi sa leeg ko at nag-iwan ng isang mainit at basang halik na nagpatindig sa lahat ng balahibo ko. Ang kanyang kabilang kamay ay dahan-dahang ibinaba ang sandalan ng aking upuan. Sa labas, ang kalsada ay madilim at tahimik, pero sa loob ng sasakyan, isang bagyo ng pagnanasa ang handa nang sumabog. “The penthouse can wait,” bulong niya sa gitna ng aming mga halik. “Dahil sa gabing ito, wala akong balak na bitawan ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD