Ang Hari ng Gabi Ko

847 Words
Nagising ako sa mahinang haplos ng liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana. Ang init ng katawan ni Karius sa tabi ko ay sapat na para makalimutan ko ang lahat ng gulo, pero ang seryosong mukha niya habang nakatingin sa kisame ang nagsabi sa akin na tapos na ang panandaliang katahimikan. “Mag-impake ka na, Sebrina,” bulong niya, ang boses ay mababa at puno ng awtoridad. “Babalik tayo sa penthouse. Ngayon din.” “Bakit? Gabi na, Karius,” sagot ko na tila nakalimutan kong sa gabi nga pala umiikot ang mundo niya—namin. “Akala ko—” “Hindi ko na tiyak ang seguridad mo rito sa mansyon,” putol niya sa akin sabay bangon. “Masyadong maraming butas. Sa penthouse, kontrolado ko ang bawat hiningang pumapasok at lumalabas.” Alas-otso na ng gabi nang marating namin ang Montero Prime Tower. Pero laking gulat ko nang bumaba kami ng sasakyan. Ang lobby na dati ay tahimik tuwing Night Duty ko ay puno ngayon ng mga lalaking naka-suit, may mga earpiece, at tila handang makipagdigma. “Bakit ang daming guards?” tanong ko habang naglalakad kami papasok. Nilapitan ko ang isa sa kanila. “Kuya, bago po ba kayo rito? Ngayon ko lang kayo nakita sa duty ko ah.” Ngumiti ang guard at bahagyang yumuko. “Hindi po, Ma’am Sebrina. Matagal na po kaming narito. Nakatago lang po kami sa mga anino tuwing gabi para hindi kayo maabala sa trabaho niyo.” Napatitig ako sa kanya. “Kilala mo ako?” “Siyempre naman po, Ma'am. Maliban kay Boss Karius, kayo ang pinaka-importanteng tao sa tower na ito pagpatak ng gabi.” Lumingon ako kay Karius na nasa likuran ko lang. “Karius, ano 'to? Ibig sabihin, noong akala ko ay mag-isa lang ako rito sa tower, takot na takot ay pinapanood niyo ako?” Doon ko nakita ang isang bagay na nagpahinto sa t***k ng puso ko. Dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Karius—isang tunay, malalim, at sincere na tawa. Nawala ang lamig sa kanyang mga mata, at sa ilalim ng mga ilaw ng lobby, tila nagliwanag ang kanyang mukha. “Diyos ko, Espinosa, ang gwapo niya,” hiyaw ng isip ko. Nakaka-distract ang kagwapuhan niya kapag hindi siya nakasimangot. Para siyang anghel na galing sa isang painting. Pag-akyat namin sa penthouse, hindi ko na matiis. Sinundan ko siya hanggang sa kanyang office desk. “Sige na, Karius. Isa pa,” pilit ko sa kanya habang nilalaro ang dulo ng kanyang necktie. “Isa pang ano?” tanong niya, bumalik na naman sa seryosong mode. “Smile! ’Yung katulad kanina sa lobby. ’Yung labas-ngipin version!” Nag-pout ako at nag-pa-cute, duling-dulingan pa ang mga mata ko habang pinipisil ang sarili kong mga pisngi. “Sige na, Boss... please? For Benji's favorite ate?” Alam kong mukha na akong timang pero hindi pa rin ako tumitigil. Napailing siya, pilit na itinatago ang kislap sa kanyang mga mata. “You look ridiculous, Sebrina.” “Hindi ako titigil hangga't hindi ka tumatawa!” Muli akong gumawa ng nakakatawang mukha at kumembot-kembot sa harap niya. Sa wakas, bumigay din ang kuta niya. Isang mahinang hagikgik ang kumawala sa kanya bago niya ako hinila paupo sa kandungan niya. “You're a brat, you know that?” bulong niya, sabay pisil sa ilong ko. “Pero sige, panalo ka na.” Napayuko ako dahil pakiramdam ko ay ang pulang-pula ang aking mga pisngi dahil sa… kilig. Nagsimula kaming magtrabaho nang magkatabi. Pero imbes na spreadsheets ang tingnan ko, pasulyap-sulyap ako sa kanya. At sa bawat sulyap ko, nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa akin. Lihim akong napapangiti sa kaloob-looban ko. Alam ko na mali, malabo at hindi dapat. Pero sa puntong ito… parang nahuhulog na ako sa hari ng gabing ’to. Maya-maya ay may tumawag sa phone niya. Tumayo siya at lumabas ng opisina para sagutin ito. Sinubukan kong makinig, pero masyadong makapal ang pader. Pagbalik niya, may kakaiba sa kanyang aura—parang may pinaplano siyang malaki. “Gutom na ako,” aniya sabay sara ng laptop. “Let's go. Kain tayo sa mall.” Napatingin ako sa relos ko. “Karius, mag-aalas dyes na ng gabi. Sarado na ang mga mall sa oras na ’to.” Tumayo siya, isinuot ang kanyang coat, at tiningnan ako nang may mapanuring ngiti. Isang ngiting puno ng kapangyarihan at karangyaan. “I'm a Montero, Sebrina,” simpleng sagot niya. “Ang mga mall ay nagsasara para sa mundo, pero hindi para sa akin.” Pagdating namin sa dambuhalang entrance ng mall, nakatayo ang buong management team sa labas, nakahilera at naghihintay. Pagpasok namin, bumukas ang iilang ilaw—sapat na para maaninag namin kung ano ang nasa loob. “Pumili ka ng kahit anong gusto mo, Sebrina,” bulong ni Karius sa tenga ko habang naglalakad kami sa gitna ng walang taong mall. “Ka-kahit anong gusto ko?” utal kong pag-ulit sa sinabi niya. “Yes, all you want.” “Bakit?” “Because you are Sebrina Espinosa, my fiancèe.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD