Ang Karera Laban sa Liwanag

1099 Words
Ang loob ng sasakyan ay balot pa rin ng amoy ng aming pagsasama—isang halong bango ng sandalwood at ng init na namagitan sa amin kanina lamang. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Karius, ang kanyang braso ay nakapulupot sa akin habang kapwa kami dinalaw ng antok matapos ang matinding unos ng pagnanasa. Sa sandaling iyon, ang pakiramdam ko ay ligtas ako. Na ang mundo ay huminto para lang sa aming dalawa. Ngunit ang katahimikan ay mabilis na nilamon ng isang malamig na pangamba. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang isang maputlang liwanag na tumatama sa dashboard. Ang kaninang madilim na kalangitan ay unt-unti nang nagiging kulay ube at kahel. Pasikat na ang araw. “Karius…” bulong ko, balak ko sana siyang gisingin nang malambing. “Karius, umaga na.” Sa isang iglap, tila may kuryenteng gumising sa buong katawan ni Karius. Ang kanyang mga mata ay bumukas nang malaki, puno ng takot na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Tumingin siya sa bintana, sa abot-tanaw kung saan nagsisimula nang sumilip ang unang sinag ng araw, at doon ay nagsimula ang isang eksenang hindi ko kailanman malilimutan. “No... no, no, no!” sigaw niya. Ang kanyang boses ay basag, puno ng purong panic. “Sebrina, get in the driver's seat! Now! Drive!” “Karius, anong nangyayari? Bakit—” “The shields don't have UV blocking films! “Drive, Sebrina! Bilisan mo!” Hiningal siya nang malalim, ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang mabilis siyang lumilipat sa passenger seat nang hindi man lang inaayos ang kanyang sarili. Kinuha niya ang kanyang suot na coat kagabi at mabilis na itinaklob sa kanyang ulo at buong katawan, tila ba ang sinag ng araw ay isang lason na pumatay sa kanya. “Huwag kang hihinto! Bilisan mo, please!” Hindi na ako nagtanong. Ang tindi ng takot sa kanyang boses ay sapat na para pilitin ang aking katawan na gumalaw nang mabilis. Lumipat ako sa driver's seat, nanginginig ang aking mga kamay habang pini-pihit ang manibela. Inapakan ko ang gas nang sagad. Ang sports car ay humarurot sa kalsada, bumubuga ng usok habang nilalampasan namin ang mga iilang sasakyang nagsisimula nang lumabas. Sa gilid ng aking mata, nakikita ko si Karius na nakakulubong sa ilalim ng coat. Nakayuko siya, pilit na itinatago ang bawat pulgada ng kanyang balat. Naririnig ko ang kanyang mabilis at mababaw na paghinga, ang bawat hikbi ng takot na tila galing sa isang taong hinahabol ng kamatayan. “Ano ang kinatatakutan mo, Karius?” ang hiyaw ng isip ko habang pilit kong iniiwasan ang bawat tama ng sikat ng araw sa loob ng sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatakbo sa ilalim ng mga anino ng mga gusali at puno. “Bakit ang araw na nagbibigay ng buhay sa lahat ay tila siyang papatay sa iyo?” Wala akong pakialam sa speed limit. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang kaligtasan ng lalaking nagbigay sa akin ng lahat. Ang bawat segundo ay tila isang oras. Bawat metrong tinatahak namin ay punong-puno ng tensyon. Pinagpapawisan ako nang malapot, ang puso ko ay tumatambol sa aking dibdib sa bilis ng aming pagtakbo. Isang malakas na langitngit ng gulong ang umalingawngaw nang pumasok kami sa underground parking ng Montero Prime Tower. Ang dilim ng basement ay tila isang malaking yakap ng kaligtasan. Pinatay ko ang makina at agad na lumingon kay Karius. Hingal na hingal siyang lumabas ng sasakyan. Hindi pa rin niya tinatanggal ang coat sa kanyang ulo. Mabilis siyang nagsuot ng damit, nanginginig ang bawat galaw, bago tumakbo patungo sa elevator. “Karius, mag-usap tayo! “Ano bang nangyayari?" sigaw ko habang hinahabol ko siya. Hindi siya lumingon. Pagpasok sa penthouse, ang bawat kurtina ay agad na nagsara nang kusa sa pamamagitan ng kanyang smart home system. Narinig ko rin ang langitngit ng mga bakal—hudyat ng lockdown na naranasan ko na noon. Ang buong palapag ay muling nabalot ng artipisyal na dilim. “Karius, please…” hinawakan ko ang kanyang braso nang makarating kami sa sala. “Sabihin mo sa akin. Ano ang problema sa araw?” Bigla siyang humarap sa akin. Ang kanyang mga mata ay hindi na ang mga matang humahalik sa akin kagabi. Ang mga ito ay puno ng poot, pagod, at isang uri ng kahihiyang pilit niyang itinatago. “Stop asking, Sebrina!” sigaw niya, ang boses ay umalingawngaw sa buong penthouse. “Just... stop! Hindi mo kailangang malaman ang lahat! Isang empleyado ka lang dito, isang kontrata! Huwag mong isipin na dahil pinatulog kita sa tabi ko ay may karapatan ka nang pakialaman ang buhay ko!” Natigilan ako. Ang bawat salita niya ay tila isang sampal na nagpaguho sa lahat ng tamis na binuo namin kanina lang sa kalsada. Bago pa ako makasagot, mabilis siyang naglakad patungo sa kanyang silid at marahas na isinara ang pinto. Narinig ko ang tunog ng lock. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng madilim na sala, ang mga luha ay unti-unting naglalandas sa aking pisngi. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Siguro ay pagod lang siya. Siguro ay may dahilan ang lahat ng ito. Upang mailihis ang aking isip, nagsimula akong magligpit ng aming mga gamit na dinala namin mula sa mansyon. Inilabas ko ang mga pinamili namin sa mall, ang mga damit na sumisimbolo sa isang panaginip na tila naging bangungot sa loob ng isang oras. Habang inaayos ko ang mga paper bags, may isang bagay na nalaglag mula sa bulsa ng coat ni Karius na naiwan niya sa sofa. Ang itim na envelope. Ang susing nandoon ay kuminang sa ilalim ng malamlam na ilaw ng penthouse. Ang tag na may pangalan ko ay tila tumatawag sa akin. “Para kay Sebrina Espinosa. Buksan mo ang pinto na hindi kayang buksan ni Karius.” Tumingin ako sa pinto ng silid ni Karius. Tahimik. Walang imik. Tuluyan na siyang nagtatago sa dilim, pilit na kinakalimutan ang liwanag. At ako, naiwan sa labas, hawak ang tanging susi na maaaring magbigay ng sagot sa lahat ng aking katanungan. Dahan-dahan kong kinuha ang susi. Ang metal ay malamig sa aking palad. Alam ko, sa oras na gamitin ko ito, wala nang balikan. Ang apartment ni Sarah ay hindi lang isang lugar; ito ang libingan ng mga sikreto ng mga Montero. Isinilid ko ang susi sa aking bulsa at kinuha ang aking bag. Tiningnan ko ang saradong pinto ni Karius sa huling pagkakataon bago ako dahan-dahang lumabas ng penthouse. Sa labas, ang araw ay ganap nang nakasikat. At sa oras na ito, hindi ako tatakbo palayo sa liwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD