NF 43 BLYTHE Paluwas na kami ni Shiwie ng Manila. Ini-escortan kami ng police mobile. “Hindi na talaga nagbago ang babaeng `yon.” Gigil niyang sabi. “Buti na lang si Kiko nasabihan ko na e.” “Alam ni Sir Kiko?” She nodded. “Hindi pa siya naniwala n`ung sinabi ko ang kabulukan ni Martha pero sabi ko subukan niya. Ang Gago gusto pa talaga maka-score bago i-dump si Martha.” God! I don’t know what to say. A tooth for a tooth ba ang nais ni Sir Kiko? Pero if it weren’t because of him baka kung ano nang nangyari sa akin. Tangina! Kinikilabutan pa rin ako. “Pasensya ka na. Naabala ka pa tuloy.” “Okay lang. Anything para kay Chen. Minsan lang hihingi ng pabor `yon e.” Nang pagod na siya ay iyong isang pulis na ang pinakiusapan niyang magmaneho ng kotse niya saka kami lumipat sa backseat

