NF 42 BLYTHE @Vigan Hindi ito ang trip to Vigan na gusto ko. Naiirita ako sa mga makahulugang tingin ni Martha. Kinikilabutan ako sa irita! Grrr! Lucas need to film the whole trip kaya busy siya. Ang bida sa vlog na `to ay sina Kiko at Martha! Haha. Sige Lucas galingan mo. Namamasyal na kami. Si Kiko lang ang enjoy e. May pag-akbay kay Martha. Haha! Gusto kong sabihian ‘Dude `yang type mo. Ako ang type.’ Haha! “Uy tahimik natin ah.” Pansin sa akin ni Miranda. “Hindi ka nagpaalam sa jowa mo `no?” Nagpaalam ako `no. Nasa punto lang ako ng pagtitimpi para hindi masira ang mood ng trip. Nagugutom na daw sila at may maganda akong idea! Niyaya ko sila sa Hidden Garden. Sinabihan ko na si Manager Allyn na dito kami magla-lunch kaya all is ready na pagdating namin. Hindi pa ako agad naki

