NF 41 BLYTHE Day five ng LDR. The usual naman na ginagawa ng mga nasa LDR, Video call kapag free time niya. Ako ang nag-aadjust dahil mas matrabaho ang work niya doon. Mas marami siyang isinasaalang alang e. Nag-aya ng dinner out ang packers. Inggit daw si Chen kasi hindi makakasama. Ikakainan ko na lang siya. “Guys, dinner out tayo.” Yaya ni Kiko nang malapit na ang out. “May surprise ako sa inyo mamaya.” “Pera ba `yan Sir?” biro ni Miranda. “Kung pera excited na ako.” “Baliw. Pero kapag maganda result bibigyan ko kayo ng maagang mid year bonus.” Tuwa naman ang tatlo. So paano na ako nito? Dalawang dinner. Haha! “Saan ba?” Tanong ko kay Kiko. “May dinner din ako mamaya with friends.” “Yong mga kasama mo ba sa norte?” Tumango ako. “De andun si Kdrama girl?” said Nuby. Bumaling s

