Chapter 6

2578 Words
NF 6 CHEN Nauna akong nagising. Maingat akong bumangon para hindi ko maistorbo ang nahihimbing na si Blythe. She must have cried herself to sleep. "Lovers!" God! Si Maui! Ayoko ngang magising si Blythe pero ang lakas ng tawag at pagkatok niya. Nabalikwat ng bangon si Blythe. "May sunog?! May sunog ba?!" "Lovers! Wake up na!" Nung marealized ni Blythe ang realidad napasabunot siya sa sarili niya. "Panira ng tulog naman!" Nainis siyang tumayo pero maagap ko siyang pinigilan. "Hep. Ako na. Baka awayin mo pa `yung tao." "Aawayin ko talaga `yan." Pinihit ko siya paharap sa CR. "Maligo ka na lang. Angbaho mo. Ako na haharap kay Maui." "Hindi ako maliligo. Tinatamad ako." Humiga na lang ulit siya. Padapa pa nga e. Tinungo ko na ang pintuan. Inayos ko ang buhok ko baka isipin niya may kababalaghang naganap. "Good morning lovers. Invite sana naming kayo for breakfast." She gladly said. "Ah sige. 10 minutes." Sinara ko ulit ang pinto. Pagbaling ko kay Blythe nakaupo na siya. Nakatitig sa akin. "Binihisan mo ako kagabi?" "Obviously. Join tayo sa kanila for breakfast." "Am I a mess last night? Nagwala ba ako?" Umiling ako. "No worries. Ako lang nakakita sa pag-iyak mo." Napa-face palm siya. "s**t naman. Hindi na talaga ako iinom." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya kasi for sure mauulit lang naman yon. "Chen, anong drama ko kagabi?" "uhh... Gusto mo talaga malaman?" She nodded. Kaya kinwento ko lahat ng pinagsasabi niya pati ang paghila niya sa akin na pag-aakala niyang ako si Precious. Namula siya nang sobra. "Nakakahiya ako. Shit." "Okay lang. Part of moving on. Kung ako ang nasa lugar mo siguro magkakaganyan din ako." -- She's back to her jolly mood. Panay na naman ang vlog niya. Panay din ang close up sa akin. Magaling to umakting. "Here's your coffee madam." Nilagay niya sa harapan ko ang tasa ng kape. "Tirhan mo ako ha. Gusto ko magkape din." "Bakit hindi ka nagtimpla ng sarili mo?" Bumaling ito sa camera. "See guys? Konting kape lang ang hinihingi ko ayaw pa. kawawa naman ako?" Inirapan ko nga. Hindi man lang ako inaabisuhan na para sa vlog pala. She's busy checking her phone. "Hindi ka ba kakain?" Umiling siya. "Wala akong gana kapag may hang-over. Mag-grab na lang ako ng biscuits mamaya." She's missing this delicious nilasing na hipon! Inayos ko yung camera para kuhang kuha ang mga plates namin. "Kumain ka bibyahe pa tayo." Pinagbalat ko siya ng hipon. "Gusto mo ng bangus? Nakakaarte pala ang hang-over no?" Sarcastic yung ngiti niya. "Nanay kita? Nanay?" Nagkibit-balikat ako. Yung mga kasama namin inaasar na siya. "Sumunod ka na Miss Blythe. Nag-utos na ang kumander," said Maui. Angbilis niya magbago ng isip. Hayan kumakain na. Hay! Papasikat to kay Maui. Mali talaga ang diskarte niya na pagmukhaing kami kung ganyan. -- Gumagayak na kami para makapunta na sa Bolinao. Sisipol-sipol pa siya habang nag-aayos ng gamit. "Itutuloy pa ba natin ang pagpapanggap? May gusto ka kay Maui e. halata." "Huh? Attracted lang." "Ganun na rin yon. Unfair naman sa’yo kung mag-a-act pa tayo. I-friend mo na lang siya. Tas pagbalik ng Manila de mas i-close mo." Tinigil niya ang pag-aayos ng gamit niya. "Alam mo? Napakadali mong magdecide no? If you're in a trip like this, there is no such thing as see you soon. If you're attracted with someone don't hope for too much. There is a very small chance that you'll see each other again." "Weh? Expert ah." "Just saying based on experiences." -- PATAR WHITE BEACH IN BOLINAO. It's really a beauty! We rented a separate bahay-kubo. Humiga siya agad pagkalapag ng bag. "Hindi ka pa ba sobra sa tulog niyan?' "Nararamdaman ko lang `yong pagod sa work na ito." Pinatong niya ang braso niya sa mata niya. "Pwede naman tayong mag-stay dito nang matagal diba? Magagalit ba ang daddy mo?" "I don't know." Naupo ito then browse her phone. "Same-same kasi ang mga nasa itinerary ng mga travel and tours. Why not explore tayo ng ibang lugar para may i-offer tayong kakaiba sa mga clients?" "Okay. Ikaw bahala. I-consult mo na lang kay Daddy. Makikisabay ka ba ng lunch sa kanila?" Umiling siya. "Ayokong ma-aattach sa kanila. Ganito na lang sa’yo na lang ako aattach hahaha!" "Baliw! You'll miss Maui for sure kaya go. Makibonding ka na." Tinataboy ko na siya para lumandi sa type niya e pakipot pa. Tsk. "Ah ikaw? Ayaw mo silang ka-bonding?" "I'm not use to it. Naiingayan ako sa kanila." Hindi lang ako komportable sa ingay at sa extra atensyon na binibigay sa amin. Hindi napapansin ni Blythe, panay ang sulyap ng kambal sa amin. Pero yung tatlong sadyang naiingayan ako sa mga joke time nila. Gosh! Yung eardrums ko parang mababasag. "Sure ka? Angsaya kaya makibonding sa kanila." -- White sand it is! Nagkakantahan sila nang maabutan ko sila sa cottage. It's aroung 3:00. "Naks Happy na si Blythe niyan! Gising na ang future boss namin!" Tumayo si Denmark. He offered his seat. "Dapat magkatabi ang labers. Dun ka pare." Sabi nito kay Lucas. "Gusto mo ng buko pandan?" Alok sa akin ni Blythe. Acting girlfriend na naman siya. Umiling ako. "Nag-swim na kayo?" "Nope. Mainit pa pero gusto namin pumunta dun sa CAPE Lighthouse. Malapit lang daw dito." Tumango lang ako. See? I suck in converstion talaga. "May masakit ba sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang baling sa akin ni Blythe. "I'm good." "Baka tomguts na si Boss!" Sabad ulit ni Denmark. "Nag-order kami ng masasarap na seafoods. Masarap ang dinner natin mamaya." Kailangan ba talagang sabay-sabay kami magdinner? "D`best daw matulog sa tent dito," said Resty. "Yung kaibigan ko tent lang gamit nila pag nag-o-over night sa beach e." Humarap sa akin si Blythe. "No." I said firmly. "You can't make me sleep in a tent in this beach. Delikado kaya." "Please?" "No. Ayoko." Nalungkot siya pero wala akong pakialam. Kung private resort sana okay lang pero duh! Hindi ko alam ang seguridad sa lugar na ito. -- Dinner came. Hindi niya ako iniimik. Kinakantyawan siya ni Maui. Dumagdag pa `tong kambal niya na nagrent na daw siya ng tents. "Hindi talaga pwede?" Ulit na naman niya. "Ayoko nga. Kung gusto mo ikaw na lang. I don't mind. Mas tahimik sa bahay-kubo." "Oh parang pinayagan ka na rin." Natatwang sabi ni Resty. "Keribels Girl para ma-miss niyo naman ang isa't-isa." Hindi lumampas sa pansin ko ang tila pagngiti ni Marco. I'm getting suspicious with him. Tsk. Maybe he's happy he can spend time with Blythe. But isn't he aware that Blythe has a thing for her twin? Hay! Manhid! -- And so they decided to buy some drinks. Nasa may entrance pa iyong store. Naiwan ako kay Resty. "Hindi sa pangingialam ha pero parang ganun na rin. Nung nasa bahay-kubo ka panay ang flirt ni Marco kay Blythe. I know hindi pa kayo pero sinasabi ko lang." I nodded. "Up to her kung magpapalandi siya." "I see. Ah hindi pa pala kayo. Pero wala ka bang feelings for her? Kahit konti? Nililigawan ka niya. Wala pang spark? Concern? Ganun? Walang selos?" Napatingin ako sa kanya. Nagkibit ako ng balikat. "Ewan. Let's see. Nung nasa Manila kami we barely see each other. Ngayon lang talaga kami nakapag-travel." Hay! Why the hell do I need to lie? "Pasensya na talaga sa sleeping in a tent. I'm no comfortable with it." "Oks lang. Kanya-kanyang trip naman yan." -- Nasa bahay-kubo kami ni Blythe. She's still convincing me to join them in the bonfire. "Ayaw mo talaga? Isipin nila maarte ka." "I don't care." I firmly answered. "Hindi safe ang pakiramdam ko dun. So please? Walang pilitan?" "May mga guards naman. Marami din natutulog sa tent. Masaya kaya parang camping ang dating." Tinaas ko ang dalawang kamay ko para tumigil na siya. "Ayoko. Sige na. Hindi naman na kasama sa work mo na lagi tayong magkasama sa vlogs. Hindi mo ako mapipilit na sumama." She sighed. "Fine. Lock mo tong pinto ha? Give me the duplicate na lang." Kinuha ko sa bag ko `yong duplicate. "Ingat ka. Huwag kang mag-inom ng marami." -- Peacefull night! Maganda siguro magkaroon ng resthouse sa tabi ng dagat. Very relaxing! Nanood ako ng movie sa netbook. Very handy talaga ito. It's aroung 11:00 na. Ethan is calling... “Hello...” Walang gana ang pagsagot ko sa call niya. “Princess! How are you? Bakit hindi ka kasama sa bonfire?” “You just called to ask that?” “Haha! Well yeah. She's been posting kanina pa at hinahanap kita.” “Nasa bahay-kubo ako. They'll sleep sa tent and ayoko.” “I see. May mga kasama siyang lalaki. Puntahan mo kaya.” “Do I really have to do that?” irita kong tanong. Like bakit? Hindi ko responsibilidad si Blythe. Of course! Kayo lang ang magkasama. You should keep an eye on each other. Napabuntong hininga ako. Party girl pa man din siya. Hay! “Fine. Sige ibaba ko na `to.” Paglabas ko ng bahay-kubo napansin ko agad ang mga nagtatakbuhang kalalakihan. Nakauniporme sila ng kulay orange na vest. Mga tanod yata ng lugar na to. Sa bandang beach naman may mga nagsisigawan. Tsk! "Kuya anong nangyari po?" Tanong ko sa isang tanod na hinarang ko. "Maam may nag-report po ng bugbugan sa dalampasigan. Kinuyog daw yung isang lalaki." Hay! Bakit ba ako kinakabahan? Sana hindi naman sila involve. Nang papalapit na ako ay mas gumapang ang kaba sa puso ko. Blythe is crying in Resty's arms. Yung tatlong bugoy inaawat ng mga tanong habang si Maui naman ay nakaharang sa kakambal niya. She's cursing the three. Mabilis akong lumapit kay Resty at Blythe. When she saw me napayuko siya. Punit ang tshirt niya. Pinasuot ko sa kanya ang hoodie ko. Duguan ang mukha ni Marco. Yung tatlo nagpupumiglas pa. "E gago yang kakambal mo e!" Sigaw ni Lucas. "Bakit niya pangtatangkaan si Maam Blythe kung may respeto siya?" "Alam mo ang plano niya `di ba? Kaya pilit mong inaya sa si ate Resty sa tent mo!" Sigaw pa ni Derek. "Sa brgy na po natin to pag-usapan" Suhestyon ng tanod. "Sumunod po kayo sa amin." -- Marco was brought to the nearest hospital. Pinaliwanag ng tatlo ang side nila. I tried to remain calm kahit kanina ko pa gustong sampalin ang bibig ni Maui dahil sabad nang sabad. "Baka lasing lang kayo kaya akala niyo pumasok sa tent si Marco." "Hindi kami lasing manong." Depensa ni Lucas. "Hindi nga kami nag-inom dahil narinig namin ang pag-uusap nilang magkapatid. Makokonsensya kami manong kung wala kaming gagawin." "No! Sinungaling lang kayong tatlo. Gagawa-gawa kayo ng kwento." Pagmamatigas ni Maui. "Idedemanda ko kayo sa ginawa niyo." She's getting into my nerves! Damn it! "Call your lawyers first thing tomorrow." Sabi ko sa kanya. "If you can prove your brother's innocence then good. Pwede bang tapusin natin to?" Hindi siya umimik. Matalim pa ang tingin sa akin. Hinigit ko sa kamay si Blythe saka kami umalis. -- Pagkarating sa bahay-kubo tulala siya. Naghanap ako ng damit niya sa bag. "Anong naiwan mo sa tent?" "Phone." "Hayaan mo na mapapalitan din yon. Magbihis ka muna. Gusto mo ng kape?" Umiling siya. Humiga siya. Humarap sa dingding. "Magbihis ka muna." Naupo ako sa tabi niya. "We can deal with him tomorrow." Humihikbi pa siya. "Sorry. Pinilit ko pa kasi ang gusto ko." "It's not your fault na manyak siya. Buti na lang nandun yung tatlo." Hindi na siya umimik. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak. Maya-maya ay nagsuka siya. Angtaas ng lagnat niya. Hay! "Dadalhin kita sa hospital." Umiling siya. "Okay lang ako. Pahingi lang ako ng kumot." Kinumutan ko siya nang maigi bago ako humiga. Nanginginig siya sa lamig. "Okay ka lang talaga?" "Oo." -- Morning came. The Bugoys and Resty brought breakfast for us. Blythe is still sleeping. Normal na rin ang temperature niya. "Ito `yong phone ni Blythe," said Resty. "May tumatawag diyan kanina." "Thank you sa inyo." "Wala `yon boss," Denmark answered. "Kaso baka kasuhan nga kami ni Maui. Naku himas rehas kami nito. Hoy walang iwanan ha." Natawa ako sa kanya. "Hindi na kami sasama ni Blythe sa inyo. We have other plans." "Baka pwedeng sina Maui na lang iwan natin." Natawang sabi ni Lucas. "Bahala na silang bumalik ng Manila." "P`re..." kinalabit ni Derek si Denmark. "Bida tayo sa sss. Kaso parang wala na tayong babalikan sa Maynila." Chineck ko ang post na pinakita niya sa akin. Hay! Social media! Ang pinost ni Maui ay ang pambubogbog ng tatlo kay Marco. Hindi nabanggit ang pangalan ni Blythe. "Tangina P`re dapat inigihan ko pa ang bugbog para worth it ang kasikatan natin."Proud pang sabi ni Lucas na may kasamang akting ng pambubugbog. Mukhang maraming followers itong si Marco kaya malakas ang loob ni Maui na i-drag ang tatlo. "P`re! Wala tayong laban sa abs niya." Dagdag pa ni Lucas. "Pota. Kung abs lang ang labanan talo tayo dito." "Parang wala lang sa inyo ah."Resty confusedly said. "Dudumugin na kayo ng mga fans niya kalma pa rin ganun?" Natawa si Denmark. "Ano pang magagawa namin? Nandiyan na yan. Social media lang yan hindi kami masisira ng ganyan `di ba P`re? Ano nga ba `yong panlaban natin sa kanya?" "Tada!" Pinakita ni Derek ang isang video. "Tinesting ko lang naman yung nabili kong night camera. Nilagay ko sa tent ni Ate Blythe kagabi. Haha! s**t. Pwede na to sa murang halaga." Nagising si Blythe. Himas-himas niya ang braso niya. Kunot ang noo niya nang ililis niya ang hoodie. "Kaya pala masakit," sabi nito. Nang lumapit ako ay may sugat siya sa braso. "Malayo sa bituka. Pasensya na kagabi. Salamat sa inyo." "No problemo," said Lucas. "Kain na Miss. May suman din na nasa kawayan. Specialty daw nila ito dito." "Wala akong gana. Pwede ba tayong pumunta sa ibang destination? Ayoko na dito." -- We're preparing our baggage. Kailangan naming maghanap ng inn or hotel para manatili ng ilang araw pa. "You sure okay ka na?" She nodded. "Huwag lang siyang magpapakita sa akin." "Hindi na natin makakasama sina Resty. Mukha naman siyang mabait. Taklesa lang minsan." Hindi siya umimik. Hay! So Chen! Cheer her up! No vlog for today I guess. "Maam Chen! Maam Blythe!" That's Lucas. "Yohooh!!" Binuksan ko ang pinto. Angtatlo at si Resty dala-dala na ang kanilang mga bag. "Napagdesisyunan naming apat na sasama muna sa adventure ninyong dalawa." Denmark said. "Pwede ba kami mag-join?" "Are you sure? Baka hanapin kayo ng mga magulang niyo." Tanong ko sa mga ito. "Opkors boss!" sagot niya. "At may naisip na akong pangalan ng grup natin." "Ano yan? School group? May pangalan?" Natatawang komento ni Resty. "Tsk. Panira ng moment. da 6 packers!" Proud pa niyang sigaw. "Imagine ha. Back packers lang tayong magtatravel. Biri nice diba? Da 6 packers?" "Angkorni!" komento ni Resty. "Magtatravel lang kailangan pa ng group name." "Siyempre! At don't worry sa gastos. May mga baon kami." Nilabas nila ang mga ATM cards nila. "Hindi kami talaga magiging pabigat. Sapat na sapat ang mga ipon namin." Pagyayabang ni Lucas. "So boss? Pwede na?" "What do you think?" baling ko kay Blythe? "Isama na natin?" She nodded. "Alright!" "Yes!" "Ayos to!" Sabay-sabay na bulalas ng tatlo. Resty is just amused with the three. "Parang mapapatagal ang leave ko nito. Pero siguro worth it naman." "Naku Ate sobrang masaya `to. Naiimagine ko na." Denmark raise his hands. "Adventure of our lives ito! Amazing!" Oh well, boring naman kung si Blythe lagi ang kasama ko. It's time for new environment. Maingay na environment. ---    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD