Chapter 5

2613 Words
NF 5 BLYTHE "First time ni Chen sa ganitong byahe na hindi kasama ang mga kaibigan niya. Alalayan mo lang siya ha?" "Ipinagkakatiwala ko siya sa'yo hija. May mga common friends kayo kaya alam ko namang iingatan mo din siya." Oh well, ito yung tinatawag na parang fieldtrip na trabaho. Mabuti na ito kaysa walang trabaho. Hindi ko gusto ang mahabang byahe dahil hindi ako nakakatulog nang maayos. Dagdagan mo pa ng mga music ni kuya driver na nakakapagpaalala ng mapapait na nakaraan. Napasandal sa akin si Chen. Sarap ng tulog e. Naka-facemask siya iwas sigurong makitang tumutulo ang laway. Hehe. May atraso ako sa kanya e. Masyado kong in-envade ang personal space niya that time. It's because of Sam. She still has that effect in me. Sobrang nasasaktan pa rin ako. Pero kailangang itago. Dapat strong lang. Batang may laban dapat kahit may kirot sa puso. Para naman hindi ako mabored magba-browse na lang ako sa internet. Nag-earphone ako. Manood na lang ako ng Tom and Jerry. Old school cartoons. "Angliwanag." Ahy gising pala siya. Tinakpan niya ng palad niya ang screen ng phone ko. "Matulog ka rin. Sayang ang battery." May dala akong powerbank `no! "Hindi ako makatulog." "Pumikit ka." Hahaha! Napakadaling sabihin naman! Binabaan ko na lang ng brightness ang phone ko. Siguro naman hindi na siya masisilaw ditto. Naiirita ako dito sa katabi kong lalaki e. Ewan kung nagtutulog-tulugan ba `to. Aba napapadantay sa akin e. Hay buhay! Buhay traveler na walang sariling sasakyan. -- First Stop ay sa Our Lady of Manaoag Church. "Maam/Sir dito po ang meet up natin mamaya," sabi to ng driver. May konting lungkot akong naramdaman. Minsang Monthsary namin ni Samantha ay nagpunta kami ditto. "Won't you take some video?" tanong ni Chen. Yung awra ng kasungitan niya umaapaw sa mga singkit niyang mata. "Oo pala. Sorry." Nag-video na ako. Lintik kasing memory lane `yan nawala sa isip ko tuloy na trabaho ang pinunta ko dito. Kinuhanan ko siya ng video habang bumibili ng kandila. Yung iba-ibang kulay tapos ilalagay dun sa tubig pagkatapos magdasal. Nilingon niya ako. "Cut it. Let's pray." Inabot niya sa akin ang pink na kandila. Pinigilan ko siya nang ilalagay na niya sa tubig iyong kandila. "May prayer muna." Tinuro ko iyong naka-engrave na prayer sa pader. Pumikit siya pagkatapos basahin ang prayer. Pinicturan ko siya. Buti walang flash pero may shutter. Haha. s**t. Huli ako. Kumunot ang noo niya. Nag-aabot na naman ang kilay ni Madam Chen! "It's inappropriate to take a photo. Don't you think?" Binulsa ko na ang phone ko. "Sorry na. " Nag-pray na rin ako. Thank you, Lord sa trabahong ito. Pangako huhusayan ko at pakikisamahan nang maayos si Chen. Hayun lang. Wala naman akong hiling. Pumasok na kami sa church. On-going ang mass. Napakaraming debuto. Nasa hulihan kami. Uneasy na naman siya. Kakantahin na ang “Ama Namin”. Hinawakan ko ang kamay niya gaya ng ibang nakikimisa. Napapatingin ako sa kanya. Angtaray ng kilay talaga niya. Solid ang strands din. Inggit tuloy ako. Haha. Kung lalaki ito e pogi din siya. Kamukhang kamukha niya yong kuya niyang si Doc Ren Leio e. Nagresearh din ako konti siyempre! Pretty din si Dream pero mas kamukha niya iyong kuya niya talaga. Tinaasan niya ako ng kilay. Huli ako e! "Focus on praying." Napagsabihan na naman ako. Nagfocus din ako noon sa pagpipray Chen pero iniwan pa rin ako ng pinagdasal kong makasama ko habang buhay. After ng mass nagtungo kami sa mini garden sa may gilid nitong church. Nandirito na rin ang mga kasama namin. Nagpi-picture-taking na sila. Maikling video lang ang kinuhanan ko. Sabi ko nga umakting siya na parang sweet kami. Haha. Kaso wala talaga. Ako na nga lang maging sweet. "Guys, hanap tayo ng kainan." Yaya sa amin ni Resty. Call center agent na toxic daw sa work kaya nag-leave. "May na-sight ako kanina parang masarap." "Sabay na tayo sa kanila?" baling ko kay Chen. Nakaupo siya habang pinagmamasdan ang mga pamilyang nagpipicture. "Lalim ng iniisip mo naman. Miss mo na agad family mo? Weak nito." "I'm just thinking about work. Tara na nga." Sa tapsihan kami napadpad. "Okay lang sayo ang kumain dito?" Mahina kong tanong sa kanya. "Oo naman. Anong akala mo ba sa akin maarte?" "Oo." Tawa ko pa. Dapat pala nagsinungaling ako. Anglakas makasakit ng irap niya e. Napakatalim. Siyempre ginawa ko ang trabaho ko. Ang magvideo. Iniharap ko ito sa kanay. "Gutom na siya mga bes. Tingnan niyo nag-aabot na ang mga kilay niya." Aba! Talagang best in sungit siya. Snob niya ako e. Sumandal ako sa balikat niya. "Kawawa naman talaga ako. Pero love ko to e..." Napatingin sa amin ang mga kasama namin. Bale walo kami ngayon. Hayun nga si Resty, toxic sa work. Maui at Marco magkapatid na broken sa pag-ibig. Si Lucas, Derek at Denmark, iyong katabi ko sa van. Certified architect na daw silang tatlo after five takes ng exam kaya treat nila sa mga sarili daw nila ito. "Angcute niyong dalawa." Sabi ni Resty. "Parang napakadaya naman. Parehong maganda." "Ano ba dapat?" Natatawa kong sagot. "Mas maganda naman siya sa akin kaya okay na." "Pamilyar ka." Sabi ni Marco. "Parang nakita na kita sa news e." "Baka kamukha ko lang," walang kahit anong emosyon na sagot ni Chen. Dumating na ang mga orders namin. Bangsilog ang order ko. Tapsilog naman sa kanya. Bumuntong-hininga si Chen. "Bakit?" "Parang mas masarap `yong order mo." Yon lang pala. Akala ko naman hindi niya gusto dito e. Hinati ko ang bangus. Favorite ko to e. Hindi ko naman ibibigay lahat. Hinimay ko muna bago ko siya binigyan. Sweet. Awwss naman. Iiling-iling ako sa komento ng mga kasama namin. "Gusto mo ng kape? Kaso 3 in 1 lang dito." "Can I? Hindi ako sanay na walang kape sa umaga." Umorder ako ng isa. Parang lutang na naman siya. "Hulaan ko ha? Kapag kasama mo sina Ethan wala ka nang ginagawa? Lahat naka-serve na?" "Oo e." Buti na lang talaga sanay akong magsilbi e. Sinerve ang thermos sa amin pati kape na naka-sachet. Damay-damay na sa kape ito. Nainggit ang mga kasama namin e. Naglagay ako ng mainit na tubig sa tasa. "Ilalagay ko ba lahat?" "Half." Yung kalahating kape tinupi ko tas binulsa. Haha. Babayaran to e. Sayang naman. Inamoy pa niya iyong aroma ng kape bago ininom. Tsk. Kakaiba rin. "Parang hindi kami nag-eexist," sabi ni Maui. "Cute cute niyo talaga." "Ha? Huwag niyo na lang kaming pansinin." Nahihiya kong tugon. Parang happy kid na siya sa kape. Ginanahang kumain e. Siniko niya ako. "Ano `yon?" Nginuso niya sa kabilang mesa iyong kinakain nila na nakabalot sa dahon ng saging. Ano na nga ang tawag diyan? Kakanin yan na may buko e. "That's tupig." Sabi ni Lucas. "Parang bibingka na binalot sa dahon ng saging." "I don't even know bibingka." Mahinang sabi nitong katabi ko. Haha! Kawawa naman pala to e! Umorder din ako nang matikman niya. Sabi ko na masarap e. Tatlo ang nakain niya. "Masarap `no?" Tumango-tango siya. "Magaya nga pagkauwi ko. Saan ang susunod na pupuntahan natin?" "Alaminos na. Overnight tayo dun. Tapos bukas naman sa Bolinao. Puro beaches." Tumango-tango lang ulit siya. Ito `yung kasama sa byahe na walang kagana-gana kausap. "Okay. Iitim pala ako ditto." Nagpangalumbaba na naman siya. "Know what? I miss my office." "Hindi ka miss dun. Tingnan mo." Pinakita ko iyong post ni Nicole. Hahaha. Sa office niya sila nagpicture. May cake pa. "Celebrating Chen's vacation." "Lagot sila sa akin." Badtrip na siya. Haha! Kakamiss ang may ganyang mga kaibigan e. -- Nakipagpalit ng upuan sa amin sina Lucas at Derek. Kaya sa gitna na kami, katabi si Maui at kapatid niya. Dalawang oras daw bago namin marating ang hundred islands. Ayos naman ang sounds ni kuya old music ulit. Napapasabay si Chen sa Unchained Melody. "Kapanahunan mo?" biro ko sa kanya. "Favorite nina Daddy." Tahimik na ulit. Nakatanaw lang siya sa labas. "Matagal na kayong magjowa?" tanong ni Maui. "Bale nililigawan ko pa lang," sagot ko. "Pihikan e. Baka mabusted pa ako nito." "Kapag basted ka nandito lang ako ha." Kapal ng muks ni Denmark. "Hindi ka na talo sa akin e. Sa pogi kong to." Hahaha! Malakas ang bilib sa sarili. "Huwag kang epal `tol." Saway ni Derek. "Hindi pasado ang transpogi sa kanila." Napuno ng tawanan ang van. "Trans ka?" baling ko ditto. Mas lumakas ang tawa ni Dereck. "Oo. Transpogi yan. Pogi na natrap sa ganyang mukha." Bueset! Akala ko transman e. Bigla ako naawa pero huwag na lang pala. Haha. Kinilabutan ako nung kinindatan niya ako e. haha. "Now, I remember!" Bulalas ni Marco. "You're one of the second generation of SAECOM!" Hawak-hawak niya ang phone niya. "Ikaw to `di ba?" Napa-oh my God din si Maui. "Bakit hindi kasama ang mga papabols? Sayang." Sina Ethan at Noah ang tinutukoy niya. "Angswerte pala natin." "Future Boss!" Hirit na naman ni Dereck. "Baka naman..." "Tangina `tol. Wala na akong pag-asa." Haha! Tuluyan nang nalugmok si Denmark. "Pangarap na lang talaga ang lahat." Iiling-iling si Chen. "I didn't know we are famous." "Ngayong aware ka na. Parang malaking issue kapag in-upload ko ang mga videos natin ah." "I don't mind." Sagot niya. "It's part of your work." -- Nakarating na kami sa hotel. Sumama daw ang pakiramdam niya. Hindi siya makakasama sa island hopping. "Paano yan? Walang mag-aalaga sayo dito." "Okay lang. Matutulog lang ako. Naggamot na rin naman ako e." "Sure na sure ka ha?" Tumango siya habang nakapikit. "Go. Baka ikaw na lang hinihintay dun." Naupo ako sa gilid ng kama. "Lock mo ang pinto ha? Huwag kang magpapapasok ng kahit sino." "Hindi na ako bata. Kaya ko na `to. Sige na. Alis na." BBigla siyang nagsuka. Buti nagawa pa niyang sa sahig sumuka e. Hinagod ko ang likod niya. "Hindi na ako sasama. Dito na lang ako." Hininaan ko ang aircon. Travel turn pag-aalaga ng may sakit. Dumapa siya. "Umalis ka na. May trabaho ka e." "Lagot naman ako sa daddy mo pag iniwan kita dito no. Kaya magpahinga ka na. Hindi naman mababawasan ang hundred islands kung hindi ko sila masilayan e." -- CHEN'S POV Nakakahiya! Ngayon pa sumama ang pakiramdam ko. Kanina ko pa pinipigilang sumuka e. Upset lang yata ang tiyan ko sa kinain ko kanina. May isa pang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ko. Ini-imagine ko pa lang na sasakay ng bangka nanghihina na ako! Ayoko ng malalakas na alon. Going to another island is okay pero iyong ilang beses na lilipat ng isla? God! Bumabaliktad na ang sikmura ko! Magtatakip-silim na nang magising ako. Iisa lang ang bed namin. Sa kabilang kama naman si Maui. Hawak-hawak ni Blythe ang phone niya habang himbing na himbing rin ng tulog. Inayos ko ang kumot niya. Tsk. Dapat yata hindi na e. Nagising tuloy siya. "Sorry. Nagising kita." "Oks lang." Naupo na siya. "Mag-6:00 na pala. Maghanap na tayo ng makakainan?" "Busog pa ako. Wala akong gana." May kumakatok. "Lovers. Pwede akong pumasok?" Si Maui yon. Lovers. Tsk. Baka iniisip niya may ibang nangyayari ditto. Si Blythe ang nagbukas ng pinto. Parang anglaki ng initim ni Maui! "Grabe angsaya talaga. Sayang hindi kayo nakasama." Pansin ko ang pagsunod ng tingin ni Blythe kay Maui. Admiring her butt? Yung curves ni Maui na-emphasize sa suot niyang two piece at see thru na top. Tsk tsk. Blythe! Hindi mo maitago ang paghanga mo. Haha! "Sasabay kayo ng sa dinner?" "I don't know. Sabay tayo sa kanila?" baling ko kay Blythe. "Hoy! Tulog ka pa yata." Saka lang siya nagising sa pagdi-day dream yata. "Ah. Sige. Saan ba?" "May resto sa malapit. Masarap daw yong inihaw na pusit dun." Kinuha niya ang wallet niya sa bag. "Mauna na ako sa inyo ha?" Nang makalabas ng kwarto si Maui at binato ko ng unan itong si Blythe. "You're drooling! Loko ka. Nagdi-day dream ka na kanina." "Huh? Hindi ah. Kinucompare ko lang ang butt ninyong dalawa. Mas sexy ka siyempre." "Stupid. Tama na ang acting. Tayo lang ditto. Umamin ka nga. You imagine her nude kanina no?" Tinaasan niya ako ng kilay. "No. Tayo ka na nga diyan. Gutom na ako. Gusto ko nang kumain." Nakangisi pa siya. "p*****t bitch." Tumawa siya. "Naku hindi ako iinom. Baka malasing ako sa ibang kama ako makatulog." "Baliw. Kunin mo na lang ang number niya. Para matuwa ka naman." -- It's like having a barkada dinner. Denmark has been the tampulan ng tukso. Game na game din naman siya. I could sense that Marco has this thing for Blythe. Hmm. But Blythe has something for his sister. That's complicated huh? "Chen..." Bumaling ako kay Blythe. She's giving me this confused look. "Creepy ka na naman. Hindi mo ba gusto ang inihain na pagkain sa atin?" "Ha? Hindi sa ganun. May iniisip lang ako." "Kaharap mo na ako iisipin mo pa ako? Sumosobra ka na." Yabang! Hayan de ako naman ang binalingan ng pang-aasar nila. "Cheesy naman!" pang-aasar ni Lucas. "Future boss ilang porsyento ba ang pag-asa ni Maam Blythe?" Nahuli kong napayuko si Marco. I'm not jealous pero bakit may mga tulad niya na na-atract sa taong obvious naman na nagpapakita ng interes sa iba. Napaka-obviuos pa niya. "Parang wala." Sagot ni Blythe. "Hindi nasagot e." She acts broken pa. Best actress Blythe! "Kailangan ba may sagot? I'm getting there." Sagot ko na lang. "But she's mine." Umaktong parang champion tong si Blythe. Are we putting a good act here? "Parang malapit na akong magka-girlfriend!" Nailing na lamang ako. Yeah Right! Whatever! "Guys gusto niyo uminom?" said Marco. "My treat." "Opkors yes!" Sabay-sabay na sagot nung tatlo. Napakamot sa ulo si Blythe. "Patay tayo diyan." "Why?" tanong ni Maui. "Hindi ka ba umiinom?" "Medyo. Medyo hindi ako umiinom ng bitin." Tawa pa niya. Mapapasabak siya ng inuman nito. Nang nagpunta sa washroom si Blythe ay nilapitan ko si Maui. "Magpapalipat kami ng room mamaya ha? Nakakahiya kasi pag nalasing si Blythe." "Ako na lang ang lilipat. Baka ma-op pa ako sa sweetness niyo e. Inggit na nga ako kanina." Namula naman ako. Ang iniisip ko lang talaga baka maingay malasing si Blythe. At baka totohanin niya yong sabi niya kanina. God! Ayoko naman maging saksi sa isang maselang eksena no! O kahit marinig man lang. -- God! She's a heavy drinker! Lasing na yong magbabarkada siya hindi pa! She and Marco are singing. Naiirita ako sa pagiging touchy ni Marco. "Hindi ka umiinom?" asked Maui. Umiling ako. Not now! I could drink as much as Blythe can pero ngayon hindi ko siya pwedeng sabayan. Kung hindi lang nakakahiya ay kanina ko pa siya kinaladkad e. Yumakap sa akin si Blythe nang matapos ang kanta nila. Yakap ng lasing at inaantok. "Inom ka pa." Inis kong sabi ditto. Ayoko kayang mag-alaga ng lasing. Baka magsuka-suka pa siya mamaya. God! I can’t imagine the damn smell! Umangat ang tingin niya naiiyak na rin. "Saan ba ako nagkulang?" And yes! She's not referring to me! Nagpatulong ako kay Maui para akayin siya hanggang tapat ng room namin. She's crying! Because of her ex! "Ano bang kulang sa akin? Dahil ba babae lang ako?! Hindi ko siyang kayang paligayahin?!" Paulit-ulit lang niyang sinasabi yan in-between her sobs. Oo e. Hindi siya kontento sayo Blythe. Lalaki ang gusto niya. "Tahan ka na nga. Hindi ka na nakakatuwa." Inis kong sabi ditto. "Kapag ako narindi sayo iiwan kita dito." "Prey naman e! Bakit mo ako iiwan?" Whattahell? Akala niya ako si Precious?! "Bihis mo na ako Precious. Hindi na ako iiyak Pramis." Itinaas niya ang mga kamay niya. Her eyes are closed like waiting for someone to remove her shirt. "Prey nangangawit na ako. Bihis mo na ako." Hay! Tinanggal ko ang tshirt niya. Paano ko naman siya papalitan ng shirt? Naka-lock yung bag niya. Yung tshirt ko na lang isuot niya. Abuso na pag pati shorts ay papalitan ko rin. Bahala na siya diyan bukas. Yumakap siya sa beywang ko. "Tabi tayo. Sige na please. Precious tabihan mo ako." "Maliligo lang ako." Sinubukan kong tanggalin ang yakap niya. "Huwag na. Hindi naman ako si Shanika e. Tulog na tayo." Damn it! Hinila niya ako pahiga! Pinalo ko ang kamay niya. "Umayos ka. Sige iiwan kita dito kung hindi ka umayos!" Wala nang reaction. Tulog na yata. God! Damn it! Swear hinding hindi ko na siyang hahayaang uminom sa buong travel! Not even a drop! "Prey, mahal na mahal ko si Sam." "Hindi ka niya mahal." Tulog naman siya. Baka nananaginip lang to. "Magmove on ka na. Hindi ka nun babalikan. Lalaki ang gusto nun." Sumiksik siya ng yakap. Umiiyak na naman siya. Humagulhol na naman siya. And I guess kaya niya tinanggap ang trabahong ito ay para maka-move on sa ex niya. I really thought, okay na siya. --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD