'Happy Anniversary Mahal'
Ang sakit.
"Ahm. May mga dala akong food. aayusin ko lang. Take a shower tapos sumunod ka na mahal." I faked smile and glanced at the girl who's peacefully sleeping beside him and close the door.
Buti na lang hindi ako nautal. Sa apat na taong paghabol ko kay Ethan ay ang tanging natutunan ko lang ay ang maging plastic.
Tumuloy na ako sa kusina at sinimulang ayusin yung mga dala ko. Paano nga ba ako naging ganito sa kanya? Nagsimula kasi yan when i was Grade 8. Dahil isa akong babaeng lampa ay madalas akong i-bully.
One time ay nagbike ako sa plaza ng may isang gang na pinagtripan ako. It's past midnight, hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong magpahangin. Sinira nila ang bike ko.. Which is my father's last gift to me bago sya mawala, kaya sobrang halaga ng bike na yun sa akin.
Sasaktan na sana nila ako when this guy popped out of nowhere. He saved me. He fight for me. Actually ay puro galos at pasa sya that time. Dumugo pa nga ang ilong nya. Paano ba naman kasi ay walo ang mga lalaking kinalaban nya, iyak lang ako ng iyak habang humihingi ng tulong. Naiyak ako kasi first time na may ibang taong nagpakita ng pagpapahalaga sa akin bukod kay papa.
In the end ay tumakbo ang walong damuhong mga lalaki dahil may tumawag pala ng pulis. Tinakbo ko ang pagitan namin ng lalaking tumulong sa akin. I also invited him na dumaan muna sa hospital para magamot ang sugat nya, although I'm afraid of hospitals, May trauma na ata ako after my papa died. But he refused it. He just smiled at me. Una at huling ngiti nya sa akin.
Simula nun ay naging interesado na ako sa kanya. I wanna know his name, kubg saan sya nag-aaral, may girlfriend ba o nililigawan kaya laking tuwa ko when i found out na kateam nya sa basketball si Vince, my cousin.
Mas marami akong nalaman about him. He is Ethan Trevor Stevens. Seperated pala ang parents nya at ang father nya ay may sarili ng pamilya while her mother is staying in Canada. Kaya naiwan silang tatlong magkakapatid sa grandparents nila.
Kaya nung mag grade 9 ako ay pinilit ko ang mommy na lumipat ng school kahit ayaw nya. Kaibigan kasi nya ang may-ari ng school na pinapasukan ko.
Nagdrama muna ako bago sya naawa sa akin at payagan ako. Pero katakot-takot na sermon ang natanggap ko. Laking tuwa ko ng first day of school ay makita ko sya. Ang gwapo nya pala talaga. Sabagay kahit may mga pasa sya ay ang hot nya paano pa kaya kung ganito sya kakinis?
Kaya ng magtama ang mga mata namin at nginitian ko sya ay pinagtaasan lang nya ako ng kilay. Para bang hindi nya ako kilala. That was the first time na nasaktan nya ako.
--
"Bakit ang daming pagkain?" I came back to reality after hearing his cold voice. Pasimple kong pinunasan ang luha ko.
Inhale.
Exhale.
I smile, a fake one.
Humarap ako sa kanya, He's half naked at may twalya pa sa balikat halatang kakatapos lang mag shower pagnanasaan ko na sana sya kaya lang nasasaktan pa din ako. Lagi naman.
"Anniversary nga natin mahal. Kare-kare oh, favorite mo, upo ka na para makakain na tayo." Kunwari ay masaya kong sabi. Tsk. Plastic!
"Ano na namang pakulo 'to Ynna? Ano na naman ang susunod mong gagawin? Sasayaw ulit sa plaza o kakanta sa harap ng buong school? Or worst manghaharana sa harap ng grandparents ko?" Naiinis nyang litanya kulang na lang ay kainin na nya ako.
Ngumiti na lang ulit ako ng banayad. "Hindi naman mahal. Kakain lang tayo. Nagbake ako ng cake, gusto mong tikman?" Sabi ko at naghiwa ng isang slice ng cake at inilagay sa plato. He's just looking at me intently. Kaya sinubuan ko sya.
Kaya lang tinabig nya lang ito kaya nalag-lag sa sahig. Basag din ang plato. Nakatingin lang sya sa nagkalat na piraso ng basag na plato. Akmang pupulutin ko ito ng pigilan nya ako gamit ang mga kamay nya na ngayon ayy nakahawak sa mga balikat ko.
Iniharap nya ako sa kanya at tinitigang mabuti pagkatapos ay pumikit ng marahan.
"Look, Ynna apat na taon mo na akng ginugulo. How many times do i have to tell you na walang 'tayo'? At kahit kailan ay walang magiging tayo dahil ayoko sayo! Hindi ka pasado sa standards ko at hindi kita type. Kaya stop this shits! Will you?" Halatang frustrated sya habang sinasabi iyon.
Naiyak na lang ako habang nakatayo sa harapan nya. Hindi dahil sa mga sinabi nya kung hindi dahil sa paglapit ng isang magandang babae sa kanya at hinalikan sya. Mas ikinasakit ng loob ko ay ang pagtugon nya sa mga halik na iyon with the same intensity. Para silang hayok sa isa't isa. Hindi ba they f****d last night? Ganoon ba sila kasabik sa isa't isa?
Hindi ko na kaya. Masakit sa mata. Nakakalambot ng tuhod.
Pero bago pa man ako makalabas ay may tumawag sa akin. Huminto ako pero hindi lumilingon. Ayokong makita nya akong umiiyak.
"Get your trash when you leave. Wag mong iwanan dito." Alam ko naman na ang cake na pinagpuyatan ko at ang mga pagkain na niluto ko ang tinutukoy nya.
"Ikaw na lang ang magtapon." Sagot ko na lang at patuloy na umalis. Haay! Buhay habang nakasakay ako sa Elevator ay nag-iisip ako ng pwede kong puntahan. Ayokong umuwi sa Condo dahil sure akong magda-drama lang ako dun. Ayoko din sa mansyon dahil uulanin ako ni mommy ng mga tanong. Ang dalawang kuya ko naman ay parehong wala sa bansa.
Si Mirko? Ewan ko dun at ayaw magparamdam. Yung kambal naman nya ay busy kay girlfriend.
Ng makalabas ako ng elevator ay pinagtitinginan ako sa lobby. Para naman nga akong pinagbagsakan ng langit at lupa..
As i get in the car ay naisipan kong puntahan sya. Ang isang taong makakaintindi sa akin. He's always there for me. Kaya dali-dali akong nag drive sa cemetery.
Lalong tumulo ang luha ko when i reach my father's grave. Umupo ako sa harap nya at pinagpag ang lapida nya.
"Hi pa! Sorry po wala akong dalang flowers or candles ah? Sorry din po kung ngayon lang ako napadalaw." Panimula ko.
Para nga namang nakikisama ang panahon dahil nagsimulang dumilim ang paligid at tumulo ang ulan. Pero di ako sumilong. Ramdam ko na karamay ko si papa ngayon. He's with me.
LEGENDARIE